CHAPTER 51

116K 1.8K 61
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..


Wala na nga akong nagawa kundi ang hayaan sila nilo na manirahan malapit samin bahay.

Ang alam ko ay may ibang pamilya ang nakatira don. kung tatanungin ako kong nasan sila,malamang hindi ko alam. and I'm sure ginamit na naman nila ang kanilang pera.

Mga tuso talaga ang mga taong yun.

Lahat gagawin para makuha nalang ang gusto.

Katulad ngayon, madali nilang nasara ang deal sa pinakamalaking supermarket sa samar. 

Aminado ako na napakahirap suyuin ng may ari ng supermarket na ang produkto lamang namin ang kanilang angkatin at itinda.

Dahilan ng mga ito ay marami rin naman naghahanap ng ibang produkto.

at may kamahalan ang sardinas ng CBS kumpara sa regular na sardinas.

iba kasi ang produkto namin. Hindi gawa sa normal na isda lamang na maliliit sa dagat.

Gawa ito sa iba't ibang isda na binagayan ng masasarap na sauce at malakas sa bentahan namin abroad ay ang gawa sa tilapia.

Ngayon naman, busy ang aking team sa paggawa ng bagong campaign.

Oo, samin pumabor ang lahat ng executives kahit sa totoo niya'y wala naman akog ginawang presentation sa kanila nung nalaman ng lahat ang kaugnayan ko sa bagong boss.

Tsk..

Napakadilusional naman ng lahat ng ito.

Napakaimposible.

Alam ko marami ang naiinggit sakin pero walang nagtatangka na magpahayag sakin nun,pero kita ko sa  bawat pagkilatis sa kanilang mga mata.

"Tapos na ba ang layout nang bagong label?" Tanong ko sa graphic artist na si roxxanne.

"Oo Mam Anna, naibigay ko na po kay Ericka para matingnan muli."Tumango ako at pinagmasdan ang ibang tao sa bay na busy sa paghahabol ng deadline.

Yun ang isa sa kinaiirita ko. Ang pagtawag ng lahat saking mam.

Pati sila kim at ericka.

kabwesit.

Samantalang dati,ako ay hamak na team leader lang at nakikipagkompetensya sa iba.

"Anna.." tawag sakin ni kim at nginuso nito ang bungkos ng blue roses sakin desk. May mga tsokolate rin na imported na kasabay yun.

napabuntong hininga ako.

Araw araw nalang ganito ang aabutan ko sakin desk.

Kung hindi mga bulaklak ay mga tsokolate.

Kung titingnan ang kabuuan ng kwarto ng aking team, bawat sulok ay may vase ng bulaklak.

Nagmukha nang garden ang kabuuan ng opisina.

Napailing ako ng pangisi ngisi sila kim sakin.

"Akyatin mo na kasi sa 10th floor.magtathank you kalang naman eh." pang-aasar ni ericka habang kinakain ang chocolate na bigay ko sa kanya kahapon.

Umirap ako para ipakitang hindi ako sang-ayun sa gusto niya.

Walang thank you at appreciation akong ipapakita sa kanya.

never ever!!

"Lunch muna tayo guy's mamaya niyo na tapusin yan."Ani ko sa aking team.

isa isa silang nagsialisan at nagpaiwan ako sa loob.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon