CHAPTER 46

108K 1.5K 76
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT



5 years later...

Cyrus POV....

Umupo ako sa swivel chair at bagsak ang buong katawan tiningnan ang kabuuan ng aking opisina.

Natuon rin ang aking mga mata sa mga papeles na kailangan kong pirmahan. Katatapos lang ng merging ng Veloso Company at Brazil's empire. 

Papa Bernardo give me the full authority on his company after he resigned in his position.

Wala naman daw siyang pwedeng pagkatiwalaan liban sakin at alam ko naman na ang pasikot sikot at pagpapatakbo ng kompanya.

Magkasosyo pa rin kami ni Nilo, pero mas focus siya sa pagpapatakbo ng kompanya ng kanyang pamilya.

Ewan ko ba sa taong yun, mahilig rin ito mag-invest ng kong ano ano at kapag nagsawa na'y sakin ipapasa ang napang-iwanan.

Aniya sakin, tutal magkasosyo naman na kami, bakit hindi na lang niya sagarin ang pagiging magkasosyo namin.

Nagdesisyon rin si Nilo na mag-expand nang negosyo . target ng kaibigan ang ilang probinsyang may negosyo ng mga Canned goods at nakakita nga ito sa samar.

Produksyon iyon ng mga sardinas.

Hindi pa ito masyadong kilala sa pilipinas dahil bago palang din ang kompanya at produkto.

Pero ang target nito ay ang market sa abroad.

Ang pangunahin dahilan ni Nilo ay makilala rin ito sa bansa.

Napagdesisyunan namin pareho na tutukan ang bagong nabiling kompanya.

Ako ang ipapadala niya para repasuhin ang pamamalakad at pag-aralan ito.

Well, para sakin pabor ang lahat ng yun.

Napag-isip isip ko rin na magbakasyon. Hindi ko na nga maalala kung kelan ako huling umalis ng bansa o nag-unwind lamang.

Simula nung umalis ang aking asawa at hindi ko alam kong san siya nagpunta ay nakalimutan ko na ang aking sarili.

Habang abala ako sa trabaho ay abala rin ako sa paghahanap sa kanya.

No sign of her after she left 5 years ago.

I even hired an investigation, pero wala pa rin silang lead kung san ito nagpunta.

Ang sabi sakin ay baka daw nag-iba ito ng identity at umalis ng bansa kaya hirap kaming matunton ang kinaroroonan niya o baka daw ayaw lang talagang magpakita asawa ko sakin dahil sa mga nangyari samin pamilya.

Hinawakan ko ang nanakit kong sintido.

Gustong gusto ko na talagang magpahinga.

Two days from now ay aalis na ako.

Dalawang linggo din ako sa samar at susulitin ko ang trabaho don.

I've heard na maganda ang lugar.

Madami din akong nababasang articles and blogs sa dami ng magagandang tanawin at beaches sa lugar.

I will take that opportunity at susubukan kong kalimutan ang mga nangyari sa nakaraan.

Until now, sinusundot pa rin ako ng bangongot ng kahapon.

Patuloy pa rin naglalarawan sakin isipan ang mga pangyayari.

Ang hirap alisin, ang hirap kalimutan.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon