CHAPTER 49

115K 1.6K 39
                                    

 

"KULAY ABONG MGA MATA.."



Huminga ako ng malalim habang tinitingala ko ang building ng CBS company.

paroot parito ang mga tao sa labas ng buiding.

napatingin ako sa mga trabahador na busy sa pagbaklas ng logo ng CBS.

Ilang araw na rin ang nakalipas buhat ng maglandas ang aming mga mata ni Cyrus.


marami na ngang nagbago. at marami nang panahon ang lumipas.

marami nang panahon na nasayang, at marami nang mga araw ang nawala.

pero may mga bagay akong hindi ko magawang mabitawan kahit lumipas na ang maraming araw na yaon.


"Anna, hindi panghabang buhay ay dadalhin mo ang sakit dyan sa puso mo. minsan, kung gusto mong makalaya, matuto kang  magpatawad at tumanggap." iyon ang bilin sakin ni mother elena nung unang araw na napadpad ako sa ampunan.

tumuloy ako sa bahay ampunan sa may bulacan.

malayo ang lugar na ito sa bayan at liblib ang lugar.

ito rin ang ampunan na pinagdalahan ko sa dalawang bata noon.

Umiiyak lang ako ng mga sandaling iyon habang kinkwento ko sa kanya ang mga nangyari.

Ayokong magpatawad. iyon ang gusto ko.

Gusto kong ipagkait sa kanila yun at gusto kong usigin sila ng kani kanilang kosensya.

kahit yun nalang ang matira sakin. dahil walang wala na ako simula ng mamatay ang aking mga anak.

"Ang tunay na pagpapatawad ay hindi basta sinasabi lang, ito ay pinararamdam sa kapwa. alam natin mahirap gawin yun, pero ito ang daan para matutunan natin maging isang mabuting tao." narinig ko yun sa isang pastor nang minsan sinama ako ni kim sa isang bible study sa kanilang simbahan.

hindi ko pa rin alam.

para sakin, ang salitang pagpapatawad ay madaling sabihin pero ang ipakita mo talaga sa isang tao ay mahirap gawin.

Ang hirap ibaba ang tarangkahan ng pinto at kalagan ang kulungan kong alam mong may mga bagay na kailangan mong pakawalan,

at yung sakit na yun ang nagpatibay sakin kong ano ako ngayon.

nagbigay ito ng lakas para matutunan kong mabuhay ng mag-isa.

Then Carlo and Cristine came into my life.

masayang masaya ako dahil sa loob ng ilang buwan pananatili ko sa ampunan natutunan ko uling ngumiti at kong pano maging masaya.

"Ampunin mo nalang kaya ang mga bata anna." ani sakin ng isang madre ng minsan makita nila akong pinapatulog ko ang kambal.

nangiti lamang ako rito at hindi ko alam kong ano ang isasagot ko. that Idea gave me hope.

imposible kong iisipin, pero parang may tumutulak sakin na kagatin ang edeyang iyon.

hanggang sa narinig kong nag-uusap sila mother elena kasama ng ilan pang opisyal at madre ng ampunan, kailangan nilang magbawas ng mga bata dahil masyado nang malaki ang populasyon don.

kulang ng mga panahon iyon ang mga donasyon natatanggap nila at may mga bata din silang pinapaaral.

naglakas loob ako na magtanong sa kanila kong pwede kong ampunin ang dalawang bata. 

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon