PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT
Cyrus POV...
Hinilot ko ang aking sentido. Sumasakit lalo ang aking ulo lalo pa't nalaman kong nagkaproblema sa isa sa mga branch namin hotel sa Cebu.
Nilagay ko ang hawak kong cellphone at nagtuloy sa paghilot.
Ilang araw na akong ganito.Maaga akong umaalis ng bahay dahil kailangan kung puntahan si tricia para pilitin kumain. Hindi kasi ito kumakain hangga't hindi ako nakakasabay. Halos nagmamadali ako sa pag-alis lalo pa't hindi matigil ang tawag nila mama sakin.
Palagi rin itong nagbabanta na ipapalaglag ang bata sakaling hindi namin siya sundin.
Gayundin sa gabi, maaga akong umaalis dito sa opisina at bago ako umuwi ng bahay ay dumadaan muna ako kala mama amanda. hihintayin ko pang matulog si tricia para makaalis ako.
Halos wala na akong oras para sakin asawa. naguguilty ako lalo pa't wala itong kaalam alam sa ginagawa ko.
napabuntong hininga ako.
hinubad ko ang singsing sakin daliri at pinagmasdan yun mabuti.
This Yellow diamond ring reminds me of her.
Nung mga panahon ikakasal ako sa kanya, akala ko, magiging ordinaryong singsing lang ito para sakin.
Wala akong kaalam alam na ang singsing na ito ay magiging simbolo na iisa kami ng taong mahal ko.
Hindi ko man lang naibigay kay Anna ang isang kasal na pinapangarap ng mga babae.
Yung maglalakad siya ng altar suot ang napakagandang wedding gown.
Nakangiti, masaya.. habang ako nama'y naghihintay sa kanyang pagdating sakin harapan.
Sumilay ang nakakalokong ngiti sakin mga labi.
Alam ko sa mga oras na ito ay hindi pa panahon para isipin kong makasal sa kanya.
marami pa akong dapat asikasuhin at ayusin.
marami pang mga dapat unahin.
subalit sa oras na magkaron ako ng pagkakataon, papakasalan ko uli siya.
kahit saang simbahan.
sisiguraduhin kung siya ang pinakamagandang babae sa araw na yun.
at walang sino man ang makakapigil samin pag-iisang dibdib.
Naputol ang aking pag-iisip ng magring ang aking cellphone.
Mama Amanda calling...
"Hello Ma," ani ko sa kabilang linya.
"Cyrus.." narinig ko ang mga pagsigaw sa kabilang linya. I know it's tricia.
"Baka pwede ka uling pumunta dito sa bahay, nagwawala na naman si tricia." bakas ang pag-iyak sa tono ng pananalita ni mama.
napabuntong hininga muli ako.
"Sige ma, ayusin ko lang po ang mga gamit ko."
"Salamat anak..maraming salamat." narinig ko ang paghikbi ni mama.
Alam ko nahihirapan na sila sa sitwasyon ng anak.
hindi na ito marunong makinig katulad ng dati.
BINABASA MO ANG
THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)
RomanceSi Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang patunayan sa mga ito na hindi siya mahina. at nang makagraduate siya bilang Magna Comlaude ay labis ang sayang kan...