CHAPTER 12

112K 1.7K 24
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..



Cyrus POV

"Hey Relax." Ani ko kay Anna. Mahigpit kong hinawakan ang nanlalamig niyang kamay habang nakahiga.

Ngayon araw kasi ang schedule ng kanyang ultra sound at kinakabahan ang aking asawa sa magiging resulta.

"Ready kana?" si Dr. Rivera habang pinapahiran ng kung ano ang tyan ni Anna. Tumango lamang ito at napahigpit ang kapit sakin kamay.

Nilingon ko siya.

"It's okay. I'm here." Hinawakan ko ang kanyang noo.

Nagsimulang umikot ang aparatong hawak ng Doktora. Pareho kaming nakatingin lang ni Anna sa Screen. Ang totoo'y hindi ko maintindihan kong ano ang mga pinapakita samin.

"There you go." Linakihan ni Doktora Rivera ang image sa screen.

Hindi ko alam but somehow parang bumilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang nasa screen.

"Congratulation, I'm seeing two heartbeats." Nakangiting sabi ng doktora.

"What do you mean?" Naguguluhang sabi ni Anna habang hawak ang aking kamay.

"It's a twin Mr. and Mrs. Brazil."

Pareho kaming napalingon ni Anna sa Isa't-isa at hindi ko alam kong ano ba itong aking nararamdaman.

It's a twin.

Nag-eecho ang mga salitang yun sakin isipan at para akong naluluha sa di ko malamang kadahilanan.

Napatawa ako bigla pero hindi ko alam kong pano nakatakas ang ilang butil ng luha sakin mga mata.

I feel proud of myself.

"Kambal ang anak ko Anna." Pag-uulit ko pa.

Pinangko ko ang pisngi ng aking asawa at hindi ko mapigilan halikan ito sa harap ng doktora.

Tumango ito habang pinapahid ko ang kanyang mga luha.

"Thank you. Thank you for this wonderful gift Anna."

Hindi ko magawang pigilan ang kaligayahan nag-uumapaw sakin damdamin at sa sobrang galak ko'y nakalimutan ko ang mga pinagdaanan namin ni Anna.

Ito ang kasiyahan hindi kayang tumabasan ng kahit na anuman.

Hinalikan ko muli si Anna sa labi. Siya ang naging instrumento para makaramdam ako ng walang katulad na kasiyahan ngayon. She gives me more than I deserve in the world.

"Kailangan mo lang mag-ingat Mrs. Brazil. Wag masyadong maggagalaw. Medyo maselan ang pagbubuntis mo." Paalala ng OB samin.

"Opo Doktora." Halos magkasabay namin sabi.

Ilang sandali pa bago ako nakarecover sa magandang balita na dumating samin, magkasabay kaming lumabas ng kwarto ni Anna.

"Kambal ang anak ko pare!!" Sabi ko sa isang lalaking sinamahan din ang kanyang asawa para magpacheck up.

"Wow that's good news. Congratulation!!" Kinamayan ako ng mga ito.

"WOOOHHH!!" Napaere ang mga kamay ko at napasigaw sa loob sa clinic.

This feeling is overwhelming. Para akong sasabog kong pipigilan ko ang aking nararamdaman.

Ang malaman magkakaron ka na ng mga anak ang siyang pinakamasayang pakiramdam na ng isang ama na katulad ko.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon