"Marry me again Anna, please." Nagtilian ang mga kulisap at mga paro paro sakin katauhan, gayundin ang demonyong nangingisi habang mahigpit na nakahawak sakin kamay si Cyrus.
His words are true. I can feel it.
Ibang iba ito sa ginawang proposal niya sakin noon nung buntis ako. Walang mga matang nakatingin at mamimilit sayo na pasukin ang isang relasyon magkukulong samin.
Wala kang iisipin masasaktan liban sayong sarili. Walang mga taong magkekwestyon sa mga nangyari. All we have is each other, right her, right now.
Hindi marinig ang paghuni ng mga kulisap sa buong paligid at ang ihip ng hangi'y hindi malamig kundi isang mainit na yumayakap sakin.
"I will give you the whole universe Anna. Ibibigay ko ang lahat sa abot ng aking makakaya. Hindi ko maipapangako ang isang perpketong pamilya pero pipilitin kong maging masaya at kumpleto tayo. Kasama ng mga anak at magiging anak natin."
"Wala tayong iisipin ibang damdamin kundi ang satin lamang, I'm willing to give my life just to have you Anna. I will protect and love you forever."
"Please Anna, accept me; accept my imperfection, accept me completely."
Pinahiran ko ang luhang patuloy sa pag-ibis sakin mga mata.
This feeling is overwhelming.
Ito yung pakiramdam na matagal kong pinigilan at hindi naramdaman ng matagal.
Ang pakiramdam na akala ko'y hinding hindi ko na madarama.
Nakakawala ng hininga; nakakapanghina ng kalamnan.
"Yes." Mabilis ang aking pagtango. Napaawang ang bibig ni Cyrus sakin. Para itong nawala sa sarili habang nanlalaki ang mga mata.
Umiiyak pa rin ito hanggang sa muli itong nagbalik sa ulirat at dahan dahan yumugyog muli ang mga balikat,
Hindi nito binitawan ang aking mga kamay at dahan dahan tumatayo.
"Yes, Cy..Oo, tinatanggap kita. tinatanggap kita ng buong buo. Mahal na mahal kita.." Nawalan ito ng balanse sakin mga sinabi.
Tinakpan nito ang sariling mukha at parang hindi ito makapaniwala sa mga narinig.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
Hindi ito gumaganti bagkus dinaramdam ang patuloy nitong pagluha.
Yung binubuhos niya ang lahat sa pag-iyak.
Ang lahat ng pagod at paghihirap.
Ang lahat ng takot at sakit.
Ang lahat ng pagsasakripisyo at pagtitiis.
BINABASA MO ANG
THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)
RomanceSi Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang patunayan sa mga ito na hindi siya mahina. at nang makagraduate siya bilang Magna Comlaude ay labis ang sayang kan...