CHAPTER 47

112K 1.5K 24
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT


Cyrus POV....


"Mama.." naagaw ang pansin namin nila Papa bernardo ng may pamilyar na boses ang tumawag sa bukana ng kanilang pinto.

Nakasuot ito ng maluwag na puting damit, wala itong kahit na anong kulurite na make up at natural ang pagkapula ng labi. Ang mga mata nito'y katulad pa rin ng dati, malalim at naglalaman ng maraming mukha, pero sa pagkakataon ito, tila nagpipigil ito ng luha na lumabas.

Karga karga nito ang tatlong buwan bata na himbing sa pagtulog sa mga bisig sa sariling bisig.

Lumaki din bahagya ang katawan nito dahil sa panganganak.

Tumayo kaming tatlo nila Mama amanda. Tinanguan ko ang lalaking asawa nito na nasa likod. nakasukbit sa magkabilang braso ang mga bagahe, samantalang nasa isang kamay naman ang pinaglalagyan ng gatas at tsupon ng anak.

"Tricia anak.." dali daling dinaluhan ng ina ang matagal na nawalay na anak at naiiyak na niyakap nito ang babae.

Napansin ko si Papa Bernardong sumulyap sakin, hindi ko ito pinansin at itinuon ko ang aking mga mata sa babaeng sinasabayan sa pag-iyak ang ina.

Nakuyom ko ang aking palad.

Nararamdaman ko muli ang dahan dahan pagkabuhay ng galit sakin puso na matagal ko nang tinatago tago.

Ilang buwan na nga ba kami huling magkita nito? Ang alam ko, ay yung araw na nasagasaan ang aking asawa.

Tama, iyon ang huling araw na nagtagpo ang aming mga mata.

Yung araw na wala akong kaalam alam sa kanyang mga ginawa sakin.

Yung araw na kinuhanan niya ng buhay at saya ang buo kong pamilya.

Ang babaeng ito?

Hindi ko alam kong pano siya nabuhay sa kabila ng mga nangyari? O kung meron nga ba itong konsensya para sa kanila? Nakakatulog ba ito ng mahimbing pagkatapos mawarak ang pamilyang pinangalagaan ko.

Naalala ko bigla ang usapan namin ni Papa, isang araw nung nakaratay pa ang aking asawa at nagpapagaling.

"Hindi ko alam Cyrus kong ano talaga ang nangyari sa inyo ni Tricia, hindi mo ako masisisi sakin mga iniisip gayun alam kong posibleng mangyari ang lahat ng yun.."

Tumarak sakin puso ang isang balisong sa mga sinabi nito. Hindi...

Maaring Oo, pwedeng maganap iyon kung sakaling mahal ko pa nga ang isang anak nito, pero mahal na mahal ko si Anna.

Mahal na mahal ko siya na hindi ko magawang maisip kong ano ang magiging buhay ko pagwala siya.

Mas matindi ang pagmamahal ko kay Anna kesa kay tricia na madali kong napalitan dahil na rin kay Anna.

Oo, may mali.

Mga maling hindi ko na pwedeng maitama at hayaan na lamang nakatiwangwang at maging mali sa paningin ng ibang tao.

Mga maling pag-aakala na nabuo sa kanilang isipan at binuhay ng maling pangyayari.

Mga maling akala ko, ay hindi ko matatago.

"Hindi ko ho alam Papa, kung anong paliwanag ang gusto niyong malaman o gusto niyong hanapin sakin para makumbinsi ko kayong wala nang namamagitan samin ni tricia, simula ng magdesisyon itong umalis ng bansa."


"Hindi ko ho kayo pipilitin na paniwalaan ang aking mga sinasabi. Pero isa lang ang alam kong sigurado ako.."

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon