CHAPTER 61

99K 1.4K 36
                                    

"Ready?" Sumalubong samin pinto ang nakaputing V-neck shirt at nakadenim shorts kung asawa.

Asawa?

Nakakatuwa naman, parang kelan lang ay hindi ko matanggap na naging asawa ko ang lalaking ito. Pero ngayon, gusto ko nang ipagsigawan sa buong mundo na napangasawa ko ang isa sa mga hot bachelor ng Pilipinas.

"Daddy!!" Nagmamadaling lumabas ng kwarto ang dalawa pagkakita sa ama.

Binuhat nito ang dalawa pagkatapos ay hinalikan pareho sa noo.

"Smell good princess." Aniya kay Cristine na munti pang napahagikhik dahil sa pagkiliti ng ama.

"Ready mommy?" Lumapit ito at hinalikan ako sa pisngi. Nakarinig ako ng paigham sakin likod pero hindi ko yun pinansin.

Ang bango bango ni Cyrus. Tapos lutang na lutang pa ang kabuuan ng mga muscles nito dahil sa suot na simpleng damit.

Nagmumura ang biceps and triceps nito. Bahagya rin lumaki ang kanyang katawan.

Sabi ko kasi hindi naman niya kailangan magsuot ng formal na damit dahil family day yun.

Baka mga laro lang ang gagawin.

Ang totoo, first time ko rin na umattend sa ganitong event. Ever since naman na pumasok ang dalawa sa kinder talagang todo suporta na ako. Nagleleave ako sa trabaho kapag meron mga importanteng kailangang puntahan at asikasuhin sa school.

"Mommy why are you blushing?" Si Cristine. Bigla akong naalarma at hinawakan ko ang nag-iinit kong pisngi.

Napansin kong ngumisi si Cyrus pero hindi ito nakatingin sakin. Tila nagpipigil din itong mapangiti.

"Hindi baby, mainit lang.." Ani ko at kunwari pinupunansan ko ang aking mukha na wala naman pawis.

"Hindi naman po mainit eh." Sabi naman ni Carlo na nakahawak sakin kamay.

Hindi na ako nagsalita at tumalikod nalang. Pagkatapos ay huminga ng malalim.

Jeez nakakahiya..

Bakit nagpapakafeeling teenager ako sa harap ng mga anak ko.

Oo hindi masamang magblush pero..urrggg.. basta nakakahiya.

"Mommy will go sa kotse, aayusin ko lang mga dadalhin." Nagulat ako ng bigla niya akong kabigin at halikan sa labi sa harap ng mga anak namin.

Bakit para akong natuod sa ginawa nito sakin.

Hindi ako nakakilos kahit umalis na sila sakin harapan.

Natauhan lang ako ng kumalampag ang bitbit ni Tyra sakin harapan.

Biglang nakunot ang aking noo dahil nakasimangot ito't hindi maipinta ang mukha.

Pinasadahan ko ang kabuuan ng kaharap. Nakasuot ito ng kulay pink na blouse, may headband na kulay pink din at dinaig pa ako nito sa ikli ng shorts.

Ang mukha nito'y parang pinugpog ng harina sa sobrang puti at pulang pula ang lips.

"Aalis na ako.." Madamdamin sabi nito sakin.

Mas lalo kumunot ang aking noo.

Wala naman akong naalalang ginawang kung ano dito maging ang kambal. Close na nga sila ni Cristine dahil magaling daw si tyra gumawa ng damit ng Barbie niya.

lumapit ako rito pero nagulat ako ng bigla itong humarap sakin.

"You can call me whatever you want, snake, bitch, other woman, but I promise you, I will never be a pathetic and boring housewife!!!"

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon