Dumaan ang mga araw. Naging maayos, mabuti, masaya ang mga nangyari. Hindi ko alam kong iyon ang tamang mga salita na dapat kong sabihin pagkatapos ng mga kumpirmasyon, kapatawaran, at mga iyakan naganap sakin pamilya.
Nakalabas na nang Ospital si Papa. Naging mabuti na ang kalagayan nito at ngayon ay magkakasama kaming nakatira sa iisang bahay.
Kahilingan iyon ni papa samin mga asawa ni Tricia lalo na kay Cyrus. Aniya miss na miss niya raw ang kanyang mga anak lalo na ang mga apo.
Tinanggap nila ang aking kambal.
Nang buong buo at hindi ako nakaramdam ng anong ilang ng mga sandaling pinakilala ko sila sa kanilang lolo at lola.
" Are you my mommy's daddy?" Si Carlo habang papikit pikit ang mga nitong sinusuri ang matandang kaharap. Nakawheelchair ito at pansin namin lahat tila naluluha itong pinasasadahan ang dalawang paslit sa harapan.
Tumango ito at pinunasan ng nanginginig na kamay ang mga luha sa pisngi.
"Why are you crying lolo? are you not happy to see us?" Si Cristine at inabot ang kamay ng matanda.
"H'im happy.. lolo's very happy..." Sinusubukan nitong maging maayos ang pananalita. Tahimik kaming pinagmasdan ang maglolo habang niyayakap ng mahigpit ang aking mga anak.
He feel sorry sa kanilang dalawa. Nagtathank you din ito sa di ko malamang dahilan.
"Super Lolo!!" Sigaw ni Tristan. Nagtatakbo itong hindi nakaayos ang damit. nakasuot lang rin ito ng kulay pulang superman na underwear.
"Super lolo you're back!! have you meet my cousin? They are very cool!!" Aniya nito sa matandang nahahalakhak habang niyayakap ang apo.
Tumango ito. Nakunot naman bigla ang noo nito at dumapo ang mga mata sakin.
" Is lolo okay? why he didn't talk?" May pag-aalala sa mukha ng bata.
Lumapit si Tricia kay papa at hinagkan ito sa pisngi. Linapit din nito ang 3 months old na anak na si Trina.
" You're lolo is fine anak, hindi lang siya pwedeng magsalita dahil nagpapagaling pa siya." Paliwanag ni henry pagkatapos magmano kay papa.
Pero hindi nakuha sa paliwanag na yun si Tristan at naiiyak pa itong lumapit kay mama.
"Super lola, what happen to lolo? is he okay? am I going to loss my lolo na." Kinakagat nito ang pang-ibabang labi habang pinipigilan ang sariling maiyak.
"Nah, you're lolo is okay. Don't worry apo, makakapaglaro din kayo." Aniya at pinahid ang mga luhang tumulo na.
Unti unting tumango ito kay mama at lumapit muli kay papa na tahimik lang siyang pinagmamasdan.
Hinahaplos ni Papa ang buhok ni Cristine. Si Carlo nama'y nasa tabi lang rin nito't hinahawakan ang mga kulubot na balat ng lolo.
BINABASA MO ANG
THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)
RomanceSi Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang patunayan sa mga ito na hindi siya mahina. at nang makagraduate siya bilang Magna Comlaude ay labis ang sayang kan...