CHAPTER 28

101K 1.4K 25
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT



Cyrus POV

"Nagkakaliwanagan ba tayo Jocel?" sunod sunod ang pagtango ng kaibigan ni Anna habang nakayukod.

Magkaharap kaming tatlo nila Papa Bernardo at masinsinan siyang kinausap ng ama ni Tricia sa Presinto.

Desperado na kanina ang ama ng aking asawa na ipakulong si Jocel dahil sa ginawa nito kay Tricia pero ako na ang nakiusap.

"Kailangan niyang managot sa ginawa niya kay Tricia, Buntis ang anak ko at muntikan na itong madisgrasya dahil sa kanya." Galit galit ito habang nasa harap namin ang kanilang abogado.

"Bernardo, huminahon ka muna. Baka pwede pa natin pag-usapan ito ng masinsinan." Si Mama Amanda na hinahaplos ang likod ng asawa.

"I will not tolerate the behavior of that woman. Ilang beses na niyang pinerwisyo ang mga anak natin, una si Anna ngayon naman si Tricia." mariing sambit pa nito.

"Hindi papayag ang ama ni Jocel kung makukulong ito. Baka masira ang ugnayan nito sa kompanya natin." Mukhang nauubusan na nang idadahilan si Mama Amanda na wag ipakulong si Jocel.

I know she is also concerned about her daughter's bestfriend. Natural lang na magreact ito ng ganuon lalo pa't si Tricia ang nagprovoke sa kanya na saktan ito.

Hindi pa rin natitinag ang padre de pamilya ng mga Veloso. His word is sharp at gusto niya talagang makulong ito.

"Papa ako na ang nakikiusap, wag niyo nang ipakulong si Jocel. Nabigla lang ho siya sa mga nangyari. Tsaka si Tricia naman ang naunang manakit, she is just trying to protect herself."

"Hindi niya kailangan itulak ang anak ko kung gusto niyang protektahan ang kanyang sarili."

"Wala naman hong may gusto sa nangyari. Humingin na rin naman ng despensa si Jocel at alam ko na nagsisisi na siya." mahinahong ko pang sabi rito.

"Kahit na. Pano nalang kung nalaglag ang bata, hindi lang isa ang masasaktan niya, buong pamilya namin." ramdam ko ang himig ng sakit sa pagsasalita nito.

Kahit galit na galit si Papa Bernardo, iniisip niya pa rin ang kapakanan ang kanyang mga anak. I admire him for protecting his family, ayaw nitong may masasaktan ni isa sa kanyang mga prensesa.

"Alam na ho ni Jocel ang ginagawa kong pagtulong kay Tricia. Pinakiusapan ko ho siya na wag sabihin kay Anna ang lahat pero alam ko sasabihin at sasabihin niya ang lahat ng kanyang mga nakikita sa asawa ko. Baka mas lalo pang maging magulo ang lahat." sandaling natigilan ang matanda at nagpapalit palit ng tingin sa kanyang asawa at sakin.

"Bernado kaibigan ng anak mo si Jocel. Kung sasabihin niya ang lahat kay Anna baka nga magkagulo pa ang lahat." natigil si Mama Amanda sa pag-iisip.

"Bakit hindi nalang natin siyang pakiusapan rin na wag sabihin ang lahat sa anak mo. Iaatras natin ang kaso sa kanya kapalit ng paglihim niya."

Somehow, hindi ko gusto ang salitang paglihim na nanggaling sa Ina ng aking asawa. Alam kong mabigat na pabor ang hihingin nila kay Jocel pero mukhang iyon nga ang gagamitin nilang paraan para manatiling lihim ang aming ginagawa.

Ito na naman ang Guilt na patuloy na nagpapasikip ng aking damdamin.

Pakiramdam ko ako ang sumasaksak sakin asawa patalikod dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya.

Kung maari ko lang sana sabihin sa kanya ang lahat o kung sana ay mauunawaan niya ang aking pagtulong ay magiging madali ang lahat.

Subalit kung pagpapalitin namin ang aming mga sitwasyon, hindi rin ako papayag. Kahit pa sabihin natin para sa ikagagaling ng aking kadugo ay hindi ako makakapayag.

I am selfishly selfless in love with her at ayoko ng may kahati. Ayaw ko ng may kaagaw at ayaw ko ng may kakompetisyon.

Tumulak na paalis ng presinto ang mga magulang ni Tricia at ako naman ay naiwan kasama nila Rafael.

"Pare pasensya na talaga. Tsaka salamat." Hinahaplos ni Rafael ang balikat ni Jocel na tahimik na nagpapahid ng mga luha.

Katulad ko, pareho namin hindi gusto ang napagkasunduan sa pagitan ng mga magulang ni Anna at sa kanya.

"Jocel." hindi ito makatingin ng deritso sakin at kuyom ang mga palad.

"Mauna na muna kami Pare." Niyakag ni Rafael ang kasamang babae at pinagmasdan ko na lamang ang kanilang pag-alis.

napabuntong hininga ako.

Napag-isip isip ko na mahirap rin pala maging isang tunay na kaibigan. Kasi kailangan mong maging honest sa taong yun, Ikaw ang sandalan kapag meron problema ang iyong kaibigan.

Ang buntungan ng mga lihim sa isa't-isa, ang siyang taong dapat ay hindi mananakit sa kanya.

Pero hindi pala ganun kadali ang lahat.

Kasi darating sa punto na minsan ang pagsasabi ng totoo ay siyang gigiba sa inyong pinagsamahan. Ganundin sa pagsisinungaling, ito rin ang sisira ng inyong mga nasimulan.

Darating sa punto na kailangan mong timbangin kong tama pa ba itong ginagawa mo o hindi na para sa taong ayaw mong masaktan.

Dahil minsan, may mga lihim na kailangan manatiling lihim nalang muna at hayaan itong nakalibing hanggang sa unti unting makalimutan.

//~//

Anna's POV

Naramdaman ko ang pagyakap ni Cyrus sakin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaantay sa kanya.

Tiningnan ko muli ang orasan sa katabing side table. Mag-alas onse na pala ng gabi.

Tiningnan ko siya. Kahit madilim ang aming kwarto alam ko na dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata.

"Are you okay Daddy?" tanong ko at hinaplos ang kanyang pisngi.

"I'm okay mommy. Let's sleep." Hinalikan nito ang aking palad na humahaplos sa kanyang mukha.

Napapansin ko lately, palagi na itong late umuwi. Sa umaga naman ay lagi itong nagmamadali.

Kahit nung weekend ay may opisina ito.

"I love you Anna, whatever happens, stay with me." Bulong nito sakin. Bigla naman nagtindigan ang aking balahibo sakin leeg hindi sa boses nito kundi sa kanyang sinabi.

Hinawakan kung muli ang kanyang pisngi.

"What is happening Cy. Can you tell me?" ani ko sa kanya.

Narinig ko ang malalim nitong buntong hininga.

"Nothing my Love, pagod lang ako," Pumikit si Cyrus, pero hindi parin ako matahimik sa kanyang sinabi.

"Can you stay with me forever Anna?" Ani pa nito nang nakapikit.

"Yes Cy. I love you." Ako na ang umabot sa kanyang labi, kinabig pa ako ng aking asawa habang hinahaplos nito ang aking likod.

Nanatili kami sa ganun posisyon hanggang sa pareho na kaming nakatulog.


THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon