CHAPTER 37

106K 1.3K 30
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.


Cyrus POV....

Nagulat ako ng biglang tumakbo palapit sakin si Anna at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry Cy, naghinala ako sayo, I'm very sorry kasi nasaktan kita." umiiyak ito sakin dibdib. Gumanti ako sa kanyang yakap habang hinahaplos ang kanyang likod.

"Hush mommy, ano bang sinasabi mo?" aAng totoo hindi ko alam ang sorry na sinasabi niya.

Tiningala ako nito at pinangko ng kanyang palad ang aking pisngi.

"Alam ko na ang lahat Cy, pinaliwanag na sakin nila mama." ako naman ang napaawang ang labi sa sinabi nito.

Iginaya ko siya paupo sa kama at nilapag doon ang aking bag.

Hindi ko pa rin binibitawan ang kanyang kamay.

"Si tricia, ano ba talaga ang nangyari sa kanya?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

She still concerned to her sister after what she did to us.

Tumikhim ako at inayos ang aking pagkaupo. naghihintay siya sakin sagot.

Ang totoo'y ayaw ko nang balikan kung ano ang nangyari kay tricia.

Sadyang karimarimarim ang ginawa nito sa sariling buhay para lamang maagaw ako sakin asawa.

"Why do you need to know?" 

"I need to know because I'm her sister." inayos nito ang buhok sa mukha. Bakas na bakas sa kanyang  mga mata ang labis na pag-aalala.

Huminga ako ng malalim. Hinawakan ko ang kanyang nanlalamig na kamay.

Naglalaro ang kanyang mga mata and I know gusto nitong makakuha ng sagot sakin.

Sinimulan kong ekwento sa kanya ang mga nangyari nung araw na hiningan ako ng pabor nila mama Amanda para sa anak. 

Pati ang pagtatangka ng buhay nito para lamang wag ko siyang iwan.

Nagpipigil si Anna ng luha habang nagpapatuloy ako ng kwento.

God I hate her crying. Nasasaktan din ako kapag umiiyak din siya.

"Sorry mommy, ginawan ko lang ng pabor sila mama Amanda, at syempre nag-aalala rin ako sa bata."

Napapailing na yumakap ito sakin at muli'y humagolhol sakin bisig.

"Hush.. Stop crying Anna, it hurts me the most." Bulong ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang likod.

Sandali pa kaming nanatili sa ganun posisyon.

Maya maya lang ay humihinto ito at ang tanging pagsinok lamang nito ang naririnig ko.

Pinahid ko ang luha sa kanyang pisngi ng magtama ang aming mga mata.

"I want to talk to her Cy, please.. Gusto ko siyang tulungan." Hindi agad ako nakasagot sa gusto niya.

How?

I mean why?

Bakit niya pa kailangan makipag-usap sa kapatid samantalang kinasusuklaman kaming dalawa ni Tricia, lalo na siya.

Baka mauwi sa di maganda ang gusto nitong mangyari atbaka hindi ko na kayanin pa kung may masamang mangyari sakin mag-ina.

Tricia is very dangerous now. 

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon