CHAPTER 5

121K 1.9K 17
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...


-Anna's POV-


Inabot ko kay Papa ang invitation sa graduation. 


Nagbaba ang aking tingin ng magtaas ito ng kilay at ginilid ang Dyaryong binabasa. Ginalaw nito bahagya ang Salamin.


Kinakabahan ako na siyang dahilan ng paglilikot ng aking mga daliri.


Nasa tabi ni Papa si Mama na nakangiti lang. 


"We should throw a party for Anna." masayang sabi ng aking ina. Halos hindi ko iyon marinig dahil mas hinihinitay ko ang sasabihin ni papa.


Kahapon ng binigay sakin ang invitation at nalaman ko ang result ay halos magtatalon ako sa saya. Hindi ko inaasahan na makakakuha ako ng mataas na marka.


"Princess." nag-angat ako ng tingin samantalang si papa ay nanatiling nakatitig sa akin.


Nilagay nito sa gilid ang imbitasyon at nagulat pa ako ng mahigpit nitong hinawakan ang aking kamay.


"I'm so proud of you Princess. Very proud." hindi ko alam pero bigla nalang akong naluha sa sinabi ni Papa.


"You haven't told me na ganito ka pala kagaling." pinahid nito ang luhang dumadaloy sakin pisngi. 


"Magna Com laude anak, dinaig mo pa ang ate mo. Now I know kung sino ang susunod sakin yapak." mas lalo akong naluha sa kanyang sinabi.


Those words, nakakaoverwhelm. 


Matagal kong hinintay na marinig iyon sa kanila ng hindi nila ako kailangan ikumpara sakin kapatid. but then, everything is worth the risk. I know I deserve this. 


Ang hirap egain ang trust ni Papa lalo na nitong mga nakaraan araw dahil samin pagtatalo. Mabuti nalang at hindi ako sumuko na magpursige at nakuha ko ang hindi inaasahan marka.


"Thank you Papa." niyakap niya ako and para akong batang napasubsob sa dibdib nang aking ama. 


"Magpapaparty tayo Anak. tatawagan ko si tricia kung pwede siya umuwi. I'm sure, masaya rin ang kapatid mo."


Hindi magkandaugaga si Mama sa pagkuha ng kanyang cellphone at matawagan si tricia. Naiwan kami ni papa at hindi ko alam kung ano ang aking mga sasabihin.


Speechless.


Hindi ako nagpursige para kamanghaan ng ibang tao. I did this for my family. To my Father. Kasi buong buhay ko, pakiramdam ko wala akong ibang magagawa samin pamilya.


"I'm sorry Princess kung masyadong mahigpit si Papa sayo. Gusto ko lang na maging maayos ka. I want you to achieve on your own. Ang akala ko kasi..." umiling ito at natigil sa pagsasalita.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon