CHAPTER 63

99.1K 1.4K 22
                                    


Nakayukong lumabas ng opisina si Mr. Dominguez. Bitbit ang sariling mga gamit at malungkot ang pagmumukha nito. Alam kong hindi pa rin ito makapaniwala sa mga nangyari.


The HR decided to transfer him to Cebu kasama ng pamilya nito. Wala akong maisip na dahilan kundi ang nangyaring insidente sa family day sa school ng mga bata.


Masyadong penersonal ni Cyrus ang mga nangyari. Mabuti nga at napigilan ko itong wag tanggalin sa trabaho. Mabait at magaling na empleyado ang ginoo. Matagal na ito sa CBS kaya nakakapanghinayang na tatanggalin lamang ito sa ganoong pangyayari.


"I couldn't stand working with him in my office. Naalala ko ang pagmumukha ng anak niya at ang asawa niya." Sabi pa ni Cyrus nang pakiusapan ko siya na wag tanggalin ito sa trabaho.


"Mr. Dominguez has nothing to do with this incident. Hindi niya alam at kung alam niya man ay hindi niya papaabutin sa ganun ang mga nangyari." Malumanay kong paliwanag habang hinihimas himas ko ang kanyang braso.


Nakita ko ang unti unting pagbaba ng hininga nito at kumakalma na.


"Let's forget what happen. Alam namin natin na natuto na ang asawa nito." Ani ko pa.


Inabot nito ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso at hinilig ako sa kanyang dibdib.


I feel his breath. Sinamyo ko ang amoy ng lalaking nakaakap sakin. Ramdam na ramdam ko ang bawat pag pintig ng kanyang puso. Yung pakiramdam na parehong damdamin namin ang nag-uusap. Walang mga salita ang lumalabas samin mga bibig. Yung salitang walang makakapagbigay ng tamang dipinasyon.


I scrutinized him. Aminado akong marami ngang nagbago sa kanya. Katulad ko na umayon sa takbo ng aming mga kapalaran.


This is incredulous. Lying with him. Kissing and touching him.


Feeling his heartbeat.

His soul

His Love

Indubitable.


This feeling is familiar. Nakalimutan ko ang eksaktong araw ng huli kong maramdaman ang pintig ng kanyang puso. Yung mga huling araw na mas pinipili kong maging tahimik at ganito nalang dahil alam kong panatag ako.


Naramdaman ko ang pagtahimik nito habang hinahaplos ang aking buhok.


Tumikhim si Cyrus.


"How can you easily forgive someone after what they did to you.." Hindi ako nagsalita at pinikit ko ang aking mga mata. Pilit kong pinag-iisipan ang huling tanong nito.

Ang totoo'y hindi ko rin alam.

para sakin, mahirap magpatawad.

napakahirap lalo na't kaakibat nito ang paglimot sa lahat.

Paglimot sa masamang ginawa sayo.

Paglimot sa mga maling ginawa sayo.

Yung pagkatapos kang alisputahin, sirain, basagin..

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon