Chapter 1 Section 1 - Their story begins Now

1.8K 32 7
                                    

Isang maulan at mahangin na gabi nang December 24 2011. Nag si celebrate ng Christmas Eve ang pamilya nina Jade at Martin ng Sabay sa bahay nila Jade. Nagsasaya ang dalawang pamilya. Dumating ang best friend ni Jade na si Amanda at and asawa nitong si Jason. Tila may pinaghahandaang surpresa ang mga kaibigan para kay Jade. Tulala at kinakabahan naman ang mukha ni Martin. Nasa hapag kainan na ang lahat. Nag bibigayan ng matatamis na mensahe sa isa't isa. Napansin ni Jade na tulala si Martin. Hinawakan nito ang Kanyang kamay sabay ngiti nito Sakanya at sinabi ang "I love you" napa ngiti naman si Martin at Tila nabawasan ang kaba sakanya.

Biglang tumayo si Martin hawak hawak pa din ang kamay ni Jade. "Can I have your attention please" ang sambit ni Martin. Naguguluhan si Jade sa mga nangyayari. Pero tuwang tuwa ang mga kaibigan at pamilya nila. "It's been 3 years since Jade and I started dating, it has been the happiest years and I want it to last forever. Sa daming nag daan at dadaan pa na pagsubok iisa Lang ang Tao na gusto Kung kasama ko. Ang taong pinaka mamahal ko." Sambit ni Martin. May halong iyak ang mga sinambit nitong mga salita.

"Sa harap ng ating pamilya at malapit na mga kaibingan gusto Kung malaman mo na mahal na mahal kita Jade, and I can't wait to spend forever with you. I love you above and beyond." Mga matatamis na salita ni Martin. Sabay pag labas sa kina tatayuang hapagkainin. Hindi maipinta ang emosyon na nararamdaman ni Jade. Ngunit napaka ganda parin nito. Kinuha ni Martin ang isang maliit na regalo sa ilalim ng Christmas tree. Tinawag nito si Jade. Sa paglapit ni Jade makikita ang kaba sa mukha ni Martin. Bigla itong lumuhod sakanya sabay hawak sa kamay ni Jade. Tumi tingin sa mga matang magkahalong saya at luha. "Jade Marie Alcantara, will you marry me?" Pag sambit ni Martin. "Yes, of course I'd marry you." Nakatutuwang sagot ni Jade sabay halik sa labi at pag yakap sa isa't isa. Parehong naluha sa tuwa ang dalawa. Kitang kita ang pagmamahal nila para sa isa't isa.

Above and BeyondWhere stories live. Discover now