Chapter 4 Section 5 - You and I

181 14 5
                                    

Pabalik na si Martin sa hotel. Nabili na niya ang mga dapat bilhin para sa surpresa nya sa fiancée bago sila bumalik ng maynila. Bakas ang saya mga matitingkad nitong mata at napaka lalim na dimple. Tyak na kamangha mangha ang pagmamahal nito. Samantala biglang pumatak ang malakas na ulan. Biglang nagsi ahon ang mga tao sa pool at ang mga naka babad sa araw. Hindi napansin nina Jade at Julio ang isat isa hangang sila at sumilong sa gilid ng pader kasama ang ipa pang sumisilong.

Napa tingin si Julio sa gilid nito ng masulyapan si Jade sa kiliwang gilid nito. Nabighani at natulala ang binata sa ganda pa din ng dalaga. "Jade" pabulong na bigkas ni Julio. Umaalis na papalayo si Jade ng hindi napapansin si Julio sa tabi nito. Sa hindi inaasahang pagkakataon may sumigaw na "Jake" isang babaeng nagtatawag sa nobyo nito.

Napalingon si Jade at nakita si Julio na tumitingin sa kanya. Tila tumigil ang mundo ni Jade ng makita si Julio. Napatigil ito at tila hindi natutuwa ng makita ang binata. Dali daling umalis si Jade. Hinabol naman ito ni Julio. "Jade, Jade PLEASE Jade!" Pag mamakaawa ni Julio Kay Jade. Hinila niya ang dalaga sa kamay nito para ito ay tumigil sa paglalakad papalayo.

"Ano ang kailangan mo saakin Julio bakit ka nandito"? Pag tatanong ni Jade na may halong galit sabay pag-alis nyo ng kamay ni Julio sa braso nya. "I just need to talk" paliwanag ng binata. Pinipilit ni Jade na maging kampanti habang kausap si Julio. Ayaw nyang ipahalata ang galit nito sa binata. "I wanna say I'm sorry for what happened Jade,alam mong hindi ko kagustuhan ang mga nangyari" pagmamakaawa ni Julio Kay jade.

"Past is past Julio, you don't owe me any explanation. Excuse me but I have to see my fiancée". Pagtatapos ni Jade sa usapan nila sabay walkout nito. "Fiancé Jade?" Mahinang pag sambit ni Julio na tila ay tumigil at gumuho ang mundo. Tumigil naman sa pag lalakad si Jade ng ilang sandali ng narinig nito si Julio. Pero dumiretso din ulit Ito sa pag lalakad.

Ano ang magiging epekto ng pagkikitang ito nila Julio at Jade sa buhay nila ni Martin? Tila ay may nararamdaman pa ito para sa dating nobya. Bakit parang Hindi pa din napapatawad ni Jade si Julio sa nakaraan nila Kahit na sinabi nito na past is past? Ano ang magiging papel nila sa buhay ng isat isa? ABANGAN!

Above and BeyondWhere stories live. Discover now