Chapter 11 Section 3 - Investigation

143 14 1
                                    

Confrontation, isang salita na malalim ang ibig sabihin. May mga bagay na nagdadala sa atin sa mga bagay na dapat ay kumprontahin natin. Bagay na minsan ay maganda at minsan naman ay nakakabahala. Lakas ng loob at isang pagiging tapat sa sarili ang kailangan mo sa lahat ng mga ginagawa. Sa subrang pagmamahal natin para sa iba, ang pagmamahal sa ating sarili, minsan ay hindi natin napapagbigyan pansin. Bagay na palaging huli sa ating listahan. 


Ang sangkap sa isang buong puso at dalisay na pagmamahal ay ang pagmamahal mo muna sa iyong sarili. Pagmamahal na dapat ay ating nabibigay sa ating mga sarili, upang tayo ay matutung magmahal ng iba. Upang malaman ang tunay na ibig sabihin nito at  kung tayo ay alam kung paano damhin ito. Minsan hindi natin alam kung paano tayo nag mahal ng subra subra sa mga taong hindi naman karapat dapat sa ating pagmamahal. Iyon ay dahil, hindi din natin alam ang halaga ng pagmamahal. Kaya tayo nakokontento sa pagmamahal na akala natin ay sapat na o kayo naman ay para sa atin. Hindi lamang sa isa pang tao ang kumprontasyon, ito ay para din sa sarili natin. Upang makilala pa nang mas malalim ang ating mga sarili at kakayanan. Bilang isang tao, at bilang isang nagmamahal at minamahal. 


Huwag na huwag mong iisipin na hindi ka karapat dapat magmahal at mahalin. Karapat dapat ka din kagaya ng iba. At karapat dapat ka maging masaya. Mahirap ka man o mayaman. Pagmamahal sa Dyos ang pinaka importanting pagmamahal, ang mga susunod ay pagmamahal sa sarili at para sa ating kapwa. Pagpapahalaga sa sarili at sa iba ang magbibigay kabuluhan sa ating buhay. Bigyan ng pagkakataon ang iba na magíng parte ng ating mga buhay. Bigyan natin ng pagkakataon ang ating mga sarili na maging masaya. 


Ang pagmamahal ni Julio para kay jade ay hindi na kailanman mawawala. Ito ay nakatatak na sa puso at isipan ni nito. Ang pagmamahal na kahit kailan ay hindi na mapapalitan o mahihigitan nang kahit na sino pa ang makilala nito. Isang halimbawa ng isang indibidwal na kailangan matutung magmahal sa kanyang sarili. Ngunit hindi nya magawa. Nakukulong ito sa pag iisip na wala ng mas hihigit pa sa pagmamahalan Nila ni Jade noon. Bagay naman na napaka layo sa sitwasyon ni Jade nagayon. Ito ay lubos na umiibig sa ama ng kamyang Anak na si Martin. Sa taong nagbigay muli ng pag asa sa kanya. Taong bumuo sa kanyang nagka pira pirasong puso. 

Planong kumprontahin ni Julio si jade sa bagong project nito, at laban sa kompanya ng mga Alcantara ngunit mas pinili na lamang nito na manahimik na lamang. Bilang pagbibigay respeto sa dating minamahal at patuloy na minamahal. 


Nag hatid ng mga sulat ang mailman sa opisina ni jade na ang pangalan ay si manong Tino. Isang may edad na lalaki na naging kaibigan na din ng pamilya Alcantara. Kumatok ito sa opisina ni Jade. "Ma'am Jade... si Mang Tino po ito, meron po akong dalang sulat galing po kay sir Marco." sambit ni Manong Tino. Nagulat si Jade at bigla itong tumayo. Kitang kita ang saya sa mga mata nito. "Mang tino kayo po pala, pasok po kayo." masayang pag papatuloy ni Jade kay Manong Tino. "Salamat po ma'am... Dala ko po ang mga business mails nyo at syempre ang mga sulat po ni sir Martin sa Inyo." Naka ngiting inabot ito ni mang tino kay Jade. "Sya nga po pala ma'am,.. si Sir Julio po pala ang bagong kalaban ng Suns hotel and resorts. Akala ko haka haka lamang iyun, alam ko naman Kasi na hindi magagawa ni sir julio sa Inyo yun... Siguro may mga pang business lang talaga at talang personalan. Alis na po ako ma'am, magde deliver pa po ako ng mga sulat....(Tumalikod at papaalis na ngunit ito ay lumingon muli at sinambit na) "Ma'am Jade,,, ang ganda nyo pong buntis." Hirit pa ni Mang tino saka na ito umalis. Nagbigay din ang komplementong Yun ni mang tino ng ngiti sa mga labi ni Jade. Ngunit napapa isip pa din si jade sa sinabi ni Mang tino kung totoo nga na si julio at ang pamilya nito ang kakalaban sa Suns resorts na pag mamay - ari ng pamilya alcantara. 


Pinatawag ni Jade ang kanyang best friend na is Amanda sa kanyang opisina. Hindi rin nag tag ay dumating din ito. "Besssss!,. anong emergency ito at hindi mo na mahintay na makapag blow dry pa ako ng buhok ko!... Tignan mo naman oh frizzy na tuloy!" Pag rereklamanong sambit ni Amanda. "Si Julio ang makakalaban ng suns" Biglang sambit ni Jade kay Amanda. "Teka teka teka... Anong ibig mong sabihin? Si Julio? (shock na shock) Alam kung big time ang gwapong Yun, pero hindi ka nun kakalabanin Jade, alam nya kung gaano ka importante sayo ang resort mo!" pagpapa liwanag ni Amanda sa mga narinig nya kay Jade. "Malay natin, nag iba ang isip niya. Isa lang ang paraan para malaman natin ang totoo. Kailangan ko ang magaling na inspector. May kilala ba si Jason?" Pagtatanong ni Jade. 


Samantala sa Russia ay isinasagawa na ni Martin at alvin ang kanilang mga misyon at Yun ay ang pagtitiyak na bawat hakbang ng russia laban sa pilipinas ay alam nila. Nag mamatyag at nag bibigay importmasyon sa mga nasasakupan dito sa pilipinas. Ang kina tatakutang muling digmaan ang hindi dapat mangyari. Sila ay naka palibut sa labas ng military base ng Russia. Naka Dapa sa mga halaman at mga puno para hindi ang mga ito matikita sa araw. Sa gabi naman sila ay nasa tubig dagat nagmamasid sa mga Naval boat na maaaring umalis ng ano mang oras. Sa kabila ng mga buwis buhay na trabaho ni Martin, ito ay umaasa na makakauwi ng ligtas sa panganganak ng kanyang asawa. Isang bagay na nagpapalakas ng loop ni Martin sa tuwing ginagampanan nito ang kanyang mga misyon.


Hindi Nagtagal ay nakahanap din si Jade ng isang imbestigador. Para imbestigahan si Julio. At kung totoo ba ang iniwika ni mang tino na ito nga ang syang kakalaban sa Suns hotel and resorts ng mga Alcantara. Walong buwan ng buntis si jade at ito ay patuloy pa din sa kanyang mga trabaho sa resort. Kahit na lagi itong pinaaalahanan na mag maternity leave na lamang ng maaga. Gusto muna na matapos ni Jade ang pinapa imbestiga nya tungkol kay Julio. Makalipas ang ilang mga araw ay bumalik ang imbestigador na nag nganagalang Inspector Garcia. "Tuloy ka inspector, Im hoping na may balita ka na sa pina imbestigahan ko sa iyo'' Sambit ni Jade habang ito ay naka upo sa kanyang desk sa kanyang opisina. "Hawak ko sa subreng ito, ang impormasyon na kailangan nyo misis Salcedo. 


SA MGA IMPORMASYON NA HAWAK NG INSPEKTOR GARCIA PAANO TATANGGAPIN NI JADE NA ANG DATING KAIBINGAN ANG MISMONG SISIRA SA KANYANG MGA PINUNDAR. ANG DATING PINAKAMAMAHAL ANG KAKALABAN SA KANYA AT SA KANYANG PAMILYA. SA NALALAPIT NA PAG BABALIK NI MARTIN SA KANYANG ASAWA DUN PA KAYA SIYA MAPAPAHAMAK? ANG BAGYONG SUSUBOK SA MGA PUSO AT ISIP NG ATING MGA BIDA AY HAHAGUPIT NA. 

PAANO KUNG ANG SARILI MO MISMONG ASAWA AY HINDI NA BUMALIK. PAANO KUNG ILANG TAON NA ANG MGA LUMIPAS, MULI MO BANG PAG BUBUKSAN ANG PUSO MO PARA SA IBA? PAANO KUNG INAKALA MO AT NG LAHAT, NA WALA NA ANG IYONG ASAWA.PAANO KUNG SA LOOB NG NAPAKA HABANG PANAHON AY MULI ITONG BABALIK NA MAY KAPILING NG IBA AT HINDI KA NA NYA, NAAALALA? MAY GAGAWIN KA BA? TO BE CONTINUED... ABANGAN...


Above and BeyondWhere stories live. Discover now