Chapter 6 Section 3 - The wedding day

194 14 2
                                    

Dumating na din sa wakas ang pinaka hihintay na araw nina Martin at Jade kasama ang kanilang mga pamilya kaibigan at mga mahal sa buhay. Ang kasalang Martin at Jade. Isang mala- fairytale wedding. Isang garden wedding. Puno ng mga puti at mga pulang bulaklak ang buong harden ng isang hotel. Naka suot ng pulang mga dress ang mga guests na babae habang black suits with red ties naman ang mga lalaki.

Nagsisimula ng dumating ang mga bisita at mapuno ang venue. Si Jade at Martin ay nasa kani kanilang mga dressing room para mag handa sa kanilang kasal. May iniabot si Martin na isang maliit na kahon sa kaibigang si Jason para ipaabot sa bride nito. Na agad namang ibinigay ni Jason sa asawa para ipabigay sa bride.

Binuksan ni amanda ang pinto at si Jason iyon inabot ang isang kahon. Ibinigay naman ito kaagad ni Amanda sa kaibigan. "Jade, this is for you!" Nakaka excite na boses ni Amanda sabay abot nito sa kaibigan. Binoksan ni Jade ang kahon. Ito ay ang first picture nila 3 years ago. Naka ngiting pinagmasdan ito ni jade na tila ay binalikan ang araw na yu  sa isipan nya.  Sa likod nito ay may nakasulat na "i do" na tila hindi nakita ni Jade. Inilagay nya ito sa loob ng kanyang bag at naka ngiting tumayo.

Ready na ang lahat para sa ceremonya. Pumasok ang ina ni Jade at magusap ang dalawa. Nagyakapan ang mag- ina. Maya maya dumating ang ama ni Jade para dalhin at ilakad Ito sa altar. Dumating din ang mga magulang ni Martin sa silid nito. "Dad, this is it. Ang pinaka hihintay at pinaka masayang araw nang buhay ko. Magiging asawa ko na si jade". Nakangiting pag sambit ni Martin. "Son, we are so proud of you, we just want to tell you that. Wag kamg mahihiyang lumapit saamin sa kahit anong rason." Niyakap agad ito ni Bella ang ina ni Martin. Naiiyak naman si Martin sa mga sinabi ng mga magulang nito. "Hindi man ako perpektong tao mom,dad.. pero iisa Lang ang babaeng mamahalin ko, binigyan nyo ako ng mga rason para maging isang mabuting tao, mabuting anak para sa inyo. Mahal na mahal ko si jade.. mahal na mahal ko siya." Bumuhos ang kuha sa mga mata ni Martin habang sinasambit nya ito sa mga magulang. Niyakap ito ng mahigpit ng ama at ina.

Naka pag march na ang lahat. Naka pwesto na ang groom at naghihintay sa kanyang bride. Handa ng mag march si jade hawak hawak ito ng kanyang AMA. Tumutogtug ang piniling kanta ni martin para sa pag lalakad ni jade sa altar. It ay beautiful in white , nagma march si jade at ang ama nito sa altar patungo kay Martin. Ramdam ang kilig at pagmamahal nila para sa isat isa. Hindi umaalis ang tingin ni martin sa kanyang bride ganun din naman si jade sa kanyang groom. Tila mas lalo pa sila na in love sa isa't isa. Sa mukha ni martin makikita na parang naka kita ito ng napaka gandang babae. Tumutulo ang luha pero ito ay naka ngiti. Hindi inalis ni Martin ang tingin kay Jade.

Makikita din sa mga bisita na dumalo ang kasiyahan at mga tears of joy, lalo na sa matalik na kaibigan na si Amanda. Dinaig pa nito ang mga magulang ng ikakasal sa pag-iyak nito.

Sa pinaka hihintay na sandali, ibinigay ni Alfonso ang mga kamay ng anak na si jade Kay Martin. Pero bago nito ibinigay hinalikan ang anak sa pisngi at niyakap. Nag mano naman at niyakap ni Martin ang AMA ni Jade. Maluha luha namang napagmasdan ni Amelia ang mag-AMA nito. Ganun din sina Anton at Bella mga magulang ni Martin.

Naka suot ng isang black slacks, white button up at dirty white tux si Martin. Papunta sa altar bakas ang saya sa mga mata nilang dalawa. Lalo na sa napaka lalim na dimple ni Martin. Nagsimula na ang ceremonya. Makalipas ang ilang mga sandali ay nagbigay ang isat isa ng mga vows nila. Nauna si Martin, "Jade Marie alcantara.. ako ay nasa iyong harapan buong pusong isinusuko ang aking buong pagkatao para maging katuwang mo sa buhay. Marami ng beses na nawalan ako ng tiwala at bilib saaking sarili. Pagkakataon na kahit ako wala ng tiwala sa aking sarili at sa kahit na sino man mga panahon na ikinahiya ko ang aking pagkatao. Dumating ka at nagkaruon ng kabuluhan ang aking mundo. Kinulayan mo ang matamlay Kung puso. Ang pagmamahal mo ay aking inspirasyon. Ang mga ngiting punong puno ng pagmamahal at ang mga mata mong punong puno ng buhay at kasiyahan.ikaw ang nagbigay saakin ng pag asa at pagmamahal d lamang para saaking sarili kundi para rin sa mga taong nasa aking paligid. Bago pa man matapos ni Martin ang vows nito at pumapatak na ang luha sa kanyang mga mata. Agad naman pinupunasan ni Jade at binigyan ng napaka tamis nitong ngiti.

"Mahal na mahal kita Jade ang pagmamahal na kahit kailang ay hindi kayang ipaliwanag ng kahit na ano mang salita.
Pagtatapos ng vow ni Martin. Mahigpit ang hawak nito sa mga kamay ni Jade. Habang naka tingin sila sa isat isa. Inumpisahan na ni Jade ang vow nito. "Martin Angelo Salcedo, isang magiting na myembro ng Philippine navy, buong puso kung ikinararangal ang isang tulad mo bilang isang kabiyak. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan natin. Isa itong napaka habang proseso. Hindi man ikaw ang unang lalaki na aking and minahal ngunit ikaw naman ang huling lalaking aking mamahalin. Ako ay iyong kabiyak katuwang sa buhay at karamay sa lungot at saya ng ating buhay. Ang pagmamahal na kahit ako ay naninibago na kaya ko palang magmahal ng ganito. Mahal na mahal kita." Maluha luhang pagtatapos ng vow ni Jade.

The ceremony went on. Makalipas ang ilang sandali nagka palitan na ng mga "I Do at singsing" ang dalawa. "I may now pronounce you Husband and wife, Martin you may now kiss the bride". Humrap ang dalawa sa isat isa, itinaas ni Martin ang veil sa ulo ni Jade. Hinawakan ang mga kamay nito at hinalikan si Jade passionately... nagsipalak pakan ang mga guests nila. Pagkatapos halikan ni martin si Jade niyakap at hinalikan ulit nito si Jade, sa noo.

"I present to you Mr and Mrs Martin Salcedo" inalalayan ni Martin ang kanyan asawa pababa ng altar. Nagpapalakpakan ang mga guests at nagsisiyahan. Sinasabuyan sila ng mga petals ng mga bulaklak papaalis ng altar. Bago pa sumakay ang bagong kasal sa limo nila papuntang reception ay nagpakita ang mga ito ng kanilang wedding bands. Hinalikan nila ang isat isa saka ito pumasok sa sasakyan. Tuwang tuwa ang lahat sa nasaksihang kasalan.

To be continued....

Above and BeyondWhere stories live. Discover now