Sa pagtatago ng pagkawala ni Martin kay Jade, mas lalong nagiging mahirap para sakanila ang maghanap ng dahilan kung bakit wala ang asawa ni Jade sa panganganak nito. Hindi na din mapigilan si Jade sa paghahanap sa kanyang asawa. Makakalabas na si Jade sa araw na Ito sa ospital. Hindi pa din nito nabibigyan ng pangalan ang anak. Gusto ni Jade na hintayin si Martin para sabay nilang bigyan ng pangalan ang biyayang ipinagkaloob sa kanila. Dumating si Amanda para samahan si Jade sa paglabas sa ospital habang umalis naman ang mga magulang ni Jade upanh tumulong sa paghahanap kay Martin kasama ang mga rescuers.
"Something doesn't feel right Amanda.. hindi ko kayang ipaliwanag pero parang may gumugulo sa isip ko at sinasabing may Mali. Pag uwi na pag uwi ko gusto kung tawagan ang asawa ko at alamin kung nasaan na siya ngayon. Kailangan na ng pangalan ng anak namin.." sabay tingin sa anak nitong mahimbing na natutulog.
Napanood naman ni Julio ang balita. Ina nonsyo sa telebesyon ang mga pangalan ng mga biktimang nawawala kabilang na si Martin Salcedo na hangang ngayon hindi pa alam kung buhay pa. Biglang naisip ni Julio si Jade. Gusto nitong puntahan ang dating kasintahan ng dumating si Kyle. "Bro, ikaw na muna ang bahala dito, kakamustahin ko Lang muna si Jade" nagmamadaling Sambit ni nito. "Teka teka Lang bro" sabay pag pigil nito Kay Julio. "Wag mo sanang masamain ang sasabihin ko però, I don't think Jade wants you there dude... remember outsider ka na sa paningin nya. Hindi na kayo ang dating in love bro... I'm sure na nandun nagyon ang Asawa nya kasama nya" sambit ni Kyle saka Ito umupo sa desk nito. "Anong ibig mong sabihin? Hindi mo ba nabalitaan...?" Hindi pa man natapos ni Julio ang sasabihin inunahan na Ito ni Kyle ng "alam ko bro, nanganak na kahapon si Jade. According to Amanda's Facebook its a healthy baby boy" pagtatapos ni Kyle. Tumigil ang mundo ni Julio. Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya sa binalita sa kanya ni kyle. Tila nanigas ang katawan nito at hindi makagalaw ng kahit isang darili.
Naka uwi na din si Jade sa bahay nila kasama si Amanda. "Hindi sumasagot si martin, Amanda." Sambit ni Jade habang nasa tenga nito ang telepono. May biglang nag doorbell. "Ako na Jade" pag alok ni Amanda na buksan ang pinto. Dali daling binuksan ni Amanda ang pinto. Nakita nito ang dalawang navy officer na nakasama ni Martin ng gabing lumubog ang naval boat. "Magandang araw, nandito po kami para kay Mrs Jade Salcedo" sambit ng isang officer. Tinulak ni Amanda ang dalawa papalayo sa pinto. "Mga officer, KAKA panganak Lang ng kaibigan ko at hindi pa siya nakaka recover, Hindi pa nya alam ang nangyari kay Martin... sana wag nyo na muna sabihin sakanya ang nangyari. Pag aalalang pag hiling ni Amanda sa dalawa. "Miss.. nandito po kami para mag abot ng aming pakikiramay sa mga naiwan ng ating mga dakilang bayani, kahit na gaano pa ito kasakit hindi kami pwd mag sinungaling. Hindi kami aalis dito hanggang hindi namin nakaka usap si Mrs Jade Salcedo". Tumigil ang pag tinga ni Amanda. Hindi nya alam ang gagawin kung paano ito tatanggapin ni Jade.
Hinihele ni Jade ang sanggol nito. Kitang kita sa mga mata dito ang saya sa bawat titig dito sa anak. Sa mga titig nito sa kanyang anak, nawawala ang problema nito sa mundo. Ang pagmamahal ng isang ina natural na lumalabas kahit na ano pa ang siotwasyon na kinakaharap.
Tuluyan ng naka tulog ang sanggol at napansin nito na natatagalan ang pag balik ni amanda. Kaya sumunod ito sa baba. Hindi maiwa iwanan ni Jade ang bata, pero ang pakiramdam nya na nararamdaman na sumunod sa baba ay hindi niya ma shake off. Kaya iniwan nya ang bata sa crib nito saka na ito bumaba ng dahan Dahan. "Amanda?.. Sino ang nasa pinto?" Pagtatanong ni Jade habang bumababa sa hagdan. Si amanda naman ay kinukumbinsi ang mga navy officers na wag nang sabihin muna kay Jade ang mga nangyari sa asawa nito. Ngunit hindi na mapipigilan ang mga ito na sabihin kay Jade ang katutuhanan. At wala nang magagawa si Amanda na pigilan ang mga ito na sabihin kay Jade ang katotohanan. Malapit na sa pinto si Jade ng nakita nyang walang tao sa pinto at tila hindi ito nasaradong mabuti. Lumapit pa si Jade sa pinto at nakita nya si Amanda na may kausap. Hindi nya masyado nakikita. Lalapit pa sana si Jade nang marinig nya na umiyak ang anak nito kaya naman biglang napalingon si Jade sa taas.
Pabalik na sana si Jade sa taas ng kwarto ng maaninag ito ng isang officer saka ito humakbang papalapit muli sa pinto. "Mawalang galang na po, ngunit kayo po ba si Mrs Salcedo?" pagtatanong ng officer. "Sir, please wag po muna". Pagbubulong na pakiusap ni amanda. Ngunit wala ng makakapigil pa sa mga officer na makausap ang asawa ni Martin. Lumapit si jade ng dahan Daan papalabas ng pinto. "Ako nga po, may maitutulong po ba ako sa Inyo? wala po kasi dito ang asawa ko". Pagpapaliwanag naman ni Jade. Lumapit si Amanda kay Jade at pinalibot ang kaliwang kamay nito sa balikat ni Jade. Humakbang muli papalapit ang officer kay Jade. "Mrs Salcedo, kayo po ang talagang sadya namin dito. Hindi po namin alam kung papano simulan sabihin ito sa iyo, pero............" Tila walang naririnig si Jade sa mga salitang binigkas ng mga officers. Tumigil ang mundo ni jade sa mga sinabi nila. Tumulo na lamang ang mga luha sa mga mata nito na wala man lang boses na lumalabas sa mga labi nito. Napa upo na laman sa sahig si Jade sa pagka gulat.... "ikinalulungkot po namin ang nangyari Mrs Salcedo, pero ginagawa po namin ang lahat para marecover ang mga labi ng iyong asawa. Nakikiramay po ang buong Philippine Navy sa nangyari sa inyong asawa. Isa sya sa pinaka magiting na bayani ng pilipinas." pagtatapos nito. saka na sila umalis. Naiwang tulala si Jade sa balitang natanggap nito habang patuloy ang pag agos ng luha sa kamyang mga mata.
SA MGA NALAMAN NI JADE, PAPANO NITO HAHARAPIN ANG MUNDO? PAPANO ITO MAGIGING ISANG INA AT AMA SA KANILANG BAGONG SILANG NA SANGGOL. PAPANO ITO LALABAN PARA SA PANIBAGONG BUKAS? NASAAN NA SI MARTIN? BAKIT HANGGANG NGAYON HINDI PA DIN NAHAHANAP ANG KATAWAN NITO? SAN KAKAPIT SI JADE SA PINAKA MADILIM NA PARTE NA ITO NG BUHAY NYA?
PAANO NITO MATATANGAP KUNG MALAMAN NYA NA ANG ASAWA AY IBANG TAO NA AT IBA NA ANG KASAMA? MAKIKILALA BA NG PUSO ANG NABURANG ALA ALA? PAANO KUNG ANG INAKALA MO NG WALA BIGLANG BUMALIK? PERO PAANO KUNG MALAKI NA ANG NAGBAGO SA BUHAY NYONG DALAWA? PAANO KUNG PAREHO NA KAYONG DALAWANG MAY KAPILING NANG IBA? GAGAWA PA RIN BA ANG TADHANA NG PARAAN PARA MAGTAGPO AT MAGKATULUYAN ANG DALWANG PUSONG TUNAY NA NAGMAMAHALAN? ABANGAN..... TO BE CONTINUED......
YOU ARE READING
Above and Beyond
Roman d'amourIs your love strong enough to over come the obstacles? Can the past come back and be the future? Can the present become the past? What are you willing to risk along the way? A love story isn't just about two people in love. Its also everything ugly...