Isang malamig na gabi nasa loob ng kani kanilang hotel room sina Jade at Martin at nagpapa hinga. Nag aayos at umalis si Martin. Tila may pupuntahan Ito. Samantala si Jade naman ah naka dapa sa hotel bed nito, hawak ang cellphone at tinitignan ang mga pictures nila. Abot tenga ang ngiti ni Jade. Kitang kita ang kasiyahan sa kanyang mga ngiti at mata habang naka tingin sa kanyan cellphone.
Makalipas ang ilang sandali, may kumakatok sa pinto nito. Dali dali naman nitong binuksan. " good evening po. Room service po for miss Jade". Sambit ng waiter. "Pero wala naman akong pina order" gulat na pag sambit ni Jade. "Ma'am dito po naka address ang room service" dagdag ng waiter. "Have a good evening po". Binuksan ni Jade ang diniliver ng waiter. Isa itong envelope sa loob. Naka lagay ay "Mahal ko" binuksan Ito ni Jade. Binasa ng nakangiti pero tila tumulo ang luha nito habang nagbabasa. Natulala si Jade pagkatapos ito binasa niyakap ang sulat.
Pinatong ni Jade ang sulat binuksan ang closet. Nagdali dali itong nag bihis. Ang nakasulat sa sulat at "Mahal ko, Ang gabing ito ay para saatin. Para sa pinaka mamahal ko. Sundan mo ang mga sunflowers na inihanda ko para sayo. Dadalhin ka ng mga ito saakin ngayon gabi mahal ko, Martin."
Lumabas si Jade ng hotel room. Nakita nya ang isang waiter na naghatid ng room service nasa labas nag hihintay may binigay itong isang sunflower kay Jade. "Ma'am this way po" sambit nito. Napaka ganda ni Jade sa punting Dress na suot nito. Bitbit ang isang sunflower. Pagbukas ng elevator ay meron bellhop na nagbigay sakanya ng isa pang sunflower. Ma'am to the lobby po" sambit ni to. "Salamat po" sambit naman ni Jade. "Kilala nyo po ba si Martin? Ang nagbigay po ba ng bulaklak sa inyo?" Dagdag ni Jade. "Ma'am isa Lang po ang alam ko, siya ay tunay na nagmamahal sa iyo" pag amin ng matandang bellhop Kay Jade.
Pag dating sa lobby may sumalubong kay Jade na isang guard, nagbigay ulit ito ng isang sunflower sakanya. "Kuya kilala nyo po ba ang nagbigay nito?" Pag tatanong ni Jade sa guard. "Siya ay isang taong tyak akong nagmamahal sa yo ma'am" sagot naman ng guard. "Dito po tayo ma'am" pag dagdag ng guard tinuturo kung saan pupunta.
Pag dating sa exit,may may lumapit na babae, si Amanda nagbigay ito ng sunflower Kay Jade. "Amanda?! What are you doing here!? Nagulat na reaksyon ni Jade. "I'm here to give you this sunflower,tara na dito tayo" paliwanag ni Amanda. "Pero Amanda san ba tayo pupunta nasan ba si Martin" Tila naguguluhan na si Jade.
Sa hardin ay nandun ang isang lalaki, nakatalikod ito. Sambit ni Amanda "Go ahead Jade,dito nalang ako, sige na." Nag beso ang dalawa. Nilapitan ni Jade ang lalaking nakatalikod at ito ay si Jason. May hawak Ito isa pang sunflower. "Jason!? What's going on? Nasan si Martin? " gulong gulo pa din si Jade. " Jade this way please" wala ng imik na pag sambit ni Jason na may halong ngiti. Sinamahan nya ito sa isang table Kung saan may isang lalaking naka blue suit naka talikod at Tila puno ng pag kain ang mesa.
Habang naglalakad si Jade papunta sa table ay iniwan na ito ni Jason ng hindi nya man Lang namamalayan. Humarap Ito kay Jade at may hawak hawak na isang bouquet ng sunflower. "Mahal ko" sambit ni Martin na naka ngiti sabay salubong Kay Jade. Hindi maipinta ang mukha ni Jade tila naghalo ang emosyon nya. "Nagustuhan mo ba ang surpresa ko para sayo?" Dagdag pa ni Martin. Kinuha nya lahat ng bitbit ni Jade na mga sunflowers pinatong nya Ito sa mesa. Nilagay nito ang mga kamay ni Jade sakanyang dindib. Pinunasan ni Martin ang tears of joy sa mga mata ni Jade. "Tears of joy Lang ang luha na gusto Kung pumatak sa mga mata mo." Pag lilinaw ni Martin. Pagkatapos ay hinalikan nya Ito sa noo ng napaka tamis..
YOU ARE READING
Above and Beyond
RomanceIs your love strong enough to over come the obstacles? Can the past come back and be the future? Can the present become the past? What are you willing to risk along the way? A love story isn't just about two people in love. Its also everything ugly...