Minabuti na kausapin Ni Jason si Martin tungkol sa estado ng relasyon nito kay Jade. Kaya nakipag kita Ito sa isang bar Kung saan lagi silang apat pumupunta. Nauna na si Jason sa bar at hinihintay na lamang si Martin. Naka upo si Jason na may iniinum na isang beer. Saka na dumating si Martin sa bar.
Lumapit si Martin sa kaibigan. "Hey bro" sambit Ni Martin at sila ay nag knuckle punch. "Long time no see bro, kamusta ang hongkong?" Sambit Ni Martin sa kaibigan. "Mabuti naman, mabuti naman." Sinambit ng naka ngiti ni Jason. "Ngunit hindi iya ang dahilan Kung bakit gusti kita makausap Martin. It's about Jade." Dagdag pa Ni Jason. Bigla na lamang nag iba ang timpla ng mukha Ni Martin.
"Nabanggit saakin Ni Amanda na parang may hinala daw saiyo si Jade. Ayoko na sana makialam pero gusto lamang maka siguro g aking asawa. What's this all about bro?" Dumating ang waiter dala ang anim pa na bote ng beer sa mesa nila. "Isa itong mahabang salaysayin Jason. Wala akong ginagawang masama, wala akong babae Kung yan man ang iniisip Ni Amanda." Seryosong sambit Ni Martin saka Ito uminom ng beer.
"Alam, gusto ko lamang marinig Ito galing sayo...." pagtatapos Ni Jason."May hindi ako sinasabi kay Jade. Isang malaking bahagi ng Aking trabaho. Hindi ko ito masabi kay Jade. Hindi ko maaaring sabihin kay Jade." Uminom ulit Ito ng isang lunok ng beer. "Bro, Ito Lang ang masasabi ko, asawa mo si Jade. May karapatan siya na malaman ang lahat lahat na nangyayari sayo. Walang Kahit na sino man ang dapat makapag dikta saiyo kung Ano ang dapat o hindi mo dapat gawin sa iyong relasyon." Sa mga tinuran Ni Jason, natauhan si Martin sa dapat nitong gawin.
Inipon Ni Jade ang buong staff ng Hotel and resort nito para magbigay ng isang mensahe. Nasa loob sila ng restaurant ng resort. Naka suot si Jade ng isang black slacks white blouse at black blazer. Kasama Ni Jade ang kanyang sekretarya na si Ann.
"Magandang hapon sa inyong lahat, pinatawag ko po kayong lahat sa pagpupulong na ito ay dahil po may mga bagay at patakaran tayo na babaguhin sa resort na ito. Nakarating na sa head board ang ginagawang resort sa kabilang bayan. Kaya naman po Ito ay isang malaking babala para sa lahat saatin. Kunting pagkakamali lamang ay maaari tayong mawalan ng customer. Ngunit malaki ang tiwala ko sainyong lahat na aking sinasakupan. Mahigit akong nagpapasalamat sa inyo, kayo ang dahilan Kaya tayo lumaki ng ganito. Maraming salamat po at makakaasa kayo na tayo ay hawak kamay na haharap sa laban sa bagong resort." Pagtatapos ng speech Ni Jade. Nagpalakpakan ang mga tao sa napaka gandang pananalita Ni Jade.Makalipas ang ilang mga oras ay umuwi na si Jade sa kanilang bahay. Nagluluto siya sa kusina ng hapunan. Ito ay nagluluto ng adobong baboy isa sa mga paborito si Martin. Pag labas Ni Martin sa sasakyan nito ay naa amoy na nito ang luto ng kanyang asawa. Napangiti Ito ng napaka lalim. Kinuha nito ang bouquet ng sunflower sa passenger seat ng sasakyan nito, at saka na ito naglakad papasok sa bahay nila.
"Napaka bango naman ng luto ng aking mahal!" Malakas na pagsambit Ni Martin na naka ngiti. Habang si Jade naman ay kakatapos lamang magluto at naghahain na sa mesa. Hindi masyado umubra ang pagpapa cute Ni Martin sa asawa. "Mahal ko....?" Pa cute na sinambit Ni Martin sa asawa. Sabay inabot ang bulaklak kay Jade. "Alam ko na hindi ako madaling pakisamahan,may mga bagay ako na dapat Kung baguhin at dapat ayusin. Pero gusto kong malaman mo na wala akong itatago sa iyo. Lahat sasabihin ko sa iyo." Mga sambit Ni Martin sa asawa. Humakbang si Martin ng isang beses papalapit kay Jade. Halos mag dikit na ang mga ilong nila. Binalot Ni Martin ang kanang kamay Ni nito sa balikat Ni Jade. "Alam mo naman ang estado ng trabaho ko Jade. Gusto ko lamang na lagi mong tatandaan na wala akong itatago sa iyo na dapat mong malaman." Pagtatapos nag pag sambit Ni Martin. Tumulo naman ang luha Ni sa mga mata Ni Jade. Dahan dahan Ni hinalikan Ni Martin ang noo Ni Jade. Hinawakan ang kaliwang kamay Ni Jade, dahan dahan itong lumuhod at hinalikan ang kamay nito. "Kahit amoy adobo pa ang kamay mo, hahalikan ko pa din ito mahal ko"... saka natawa si Martin at Jade sa isat isa. :D
Saka na sila kumain nang sabay.Kinabukasan, nagsusuka na naman si Jade. Unang beses itong napansin win Martin sapagkat hindi ito maagang umalis sa kanilang bahay. Bumangon at tumakbo agad si Jade sa Banyo. "Love?!" Tumakbo papalapit si Martin kay Jade. "Love, okay ka Lang ba?" Sambit Ni Martin na may pag aalala sa mga mata niya. "Love, I'm 3 weeks late" sambit Ni Jade. Bigla na lang ngumiti si Martin at niyakap ang asawa. Bakas ang saya sa mukha ng dalawa. Agad namang nag punta nang OB ang mag-asawa. Doon na nakumperma ang pagbubuntis Ni Jade. Siya ay 3 weeks pregnant.
Sa pagbubuntis Ni Jade, mababago ba ang isip Ni Martin para umatras sa bagong misyon nito sa ibang bansa. Paano haharapin ng mag-asawa ang panibagong dagdag sa kanilang pamilya. Pamilya na matagal na nilang pina pangarap. To be continued... ABANGAN...
YOU ARE READING
Above and Beyond
RomanceIs your love strong enough to over come the obstacles? Can the past come back and be the future? Can the present become the past? What are you willing to risk along the way? A love story isn't just about two people in love. Its also everything ugly...