Ang unang pinuntahan ng mag asawang Martin at Jade ay ang Piazza Navona. Angkas angkas ni Martin si jade sa likod nito sa biseeta. Mahigpit ang yakap ni Jade sa asawa. Damang dama nila ang hanging sa kanilang mga mukha, kitang kita ang matatamis na ngiti sakanila habang pinagmamasdan sila naka bisekleta. Ang piazza navona, ay isa sa pinaka papular na pinupuntahan ng mga torista sa Roma. Kaya naman ito ang inuna puntahan ng mag-asawa.
Iba iba ang pinagmulan ng mga taong nakakasalamuha nilang dalawa sa daan. Pero iisa ang hindi maikakaila, sino man ang makakita sa kanila ay natutuwa sa kanilang dalawa. Pinarada ni Martin ang kanyang bisekleta saka nya ito nilagyan ng lock habang pinagmamasdan naman ito ni Jade na naka ngiti. Napalingon si Martin sa asawa at nakita itong naka ngiti sa kanya. Binigyan din ito ni Martin ng isang napaka tamis na ngiti. Sabay itong tumayo ng mabilis hinawakan ang kamay ni Jade, at tumakbo sila papalapit sa mga sidewalk vendors na naka tawa ng malakas na tila ay sila Lang ang tao sa mundo.
Manghang mangha ang dalawa sa ganda ng Roma at sa isang vendor na naka hilera ang mga paintings nito. Naka tayo ang mag asawang tumitingin Kung ano ang gusto bilang mabili. "Love tignan mo ito, ang ganda hindi ba?" Sambit ni Jade sa asawa habang hawak hawak ang isang painting ng naka ngiti. "Alam mo ba Kung Ano ang maganda? Siya ay ang aking asawa" nakangiting pag sambit ni Martin ng nakalabas ang dimple. Napansin ng vendor ang mga titigan nila, ito pala ay isang pilipino. "Nakakatuwa kayong pag masdan" anya ng lalaking magandang vendor ng painting. "Pilipino po pala kayo" sambit ng magasawa. "Ilang taon na din Kami ng pamilya kong nakatira dito sa Roma, pero bibihira ang tulad nyo." Pag dagdag pa ni manong vendor. "Maraming salamat po" sambit ni Jade. Pinatuloy ng magasawa ang pagtitingin sa paintings. Makalipas ang ilang mga sandali ay nagpaalam ang dalawa para tumingin sa ibang vendors. Hawak kamay na naglalakad ang dalawa na nililibot ang piazza navona.
Matapos ang piazza novana ay pumunta ang dalawa sa isang gilid ng batis tinutulak ni Martin ang bisekleta nito. Ihiniga ni Martin ang bike sa gabi nila Kung saan sila uupo. Napaka linaw ng tubig, malulusog ang mga ibon at berding berde ang mga damo. Kinuha ni martin ang kumot sa basket ng bike nila saka ito inilatag sa mga damo.
Umupo si Martin "come on love, napaka ganda dito" sinisenyas nya na tabihan ito ni Jade. Binalot ni Martin ang mga kamay ni kay Jade. Hinalikan nya ito sa pisngi ng dahan dahan. Sabay nilang pinagmamasdan ang napaka gandang tanawin ng magkahawak. "Mahal na mahal kita Jade, Sana alam mo yan at nararamdaman mo. Hindi man maganda ang trabaho ko at hindi man madami ang pera ko, gusto Kong malaman mo na lahat ibibigay ko para sa iyo. Mga tinuran ni Martin sa asawa habang magkadikit ang kanilang mga pisngi. Humarap si jade kay martin hinawakan nito ang mukha ni Martin ng kanyang dalawang kamay at sinabi sa asawa na... "Love, ayoko ng maririnig na minamaliit mo ang sarili mo ng ganyan. Walang sino man ang may karapatan para maliitin ang kakayanan ng isang Tao. Hindi ka lamang isang meyembro ng militar, dahil ikaw ang lalaking aking minamahal." Seryosong mga sambit ni Jade. Hinawakan naman ni Martin ang mga kamay nito sa kanyang mukha at hinalikan. Hiniga ni Martin si jade sa kanyang balikat o dibdib at sila ay humigang dalawa sa gilid ng isang batis.
Gumagabi na at bumalik na ang dalawa sa kanilang hotel. Nauna ng naligo si Martin dahil sabi nito ay siya ang magaasikaso ng kanilang hapunan. Sumunod na naligo si jade. Walang kaalam alam si jade sa surpresa na inihanda sakanya ng kanyang asawa. Bago pumunta ang magasawa sa piazza navona ay inihanda na ni Martin ang surpresa para sa asawa.
Dali daling nagbihis si Martin para sa surpresa nito Kay jade. Nagiwan ito ng isang sulat na maghintay sakanya. Ng lumabas si jade sa banyo naka pulupot ng tuwalya ang kanyang brown na buhok at na ka robe na puti ng agad nito hinanap si Martin hangang sa makita nito ang sulat para sa kanya kaya hindi na ito hinanap. Makalipas ang ilang mga sandali pagkatapos mag bihis ni Jade at may nag doorbell sa kanilang pinto. "Good evening, this is room service for mrs Salcedo" sambit ng lalaking nag hatid ng room service. Binuksan ni Jade ang pinto. "Thank you so much" sambit ni Jade.
Ipinasok ng room service ang tray na inorder ni Martin. Binigyan ng tip no jade ang server Saka na ito umalis.Ngumiting umupo si jade sa kama nila ni Martin. Nilapag nya ang tray sa kama. Binuksan nya ang isa sa laman ng tray. Ito ay isang sulat. Napangiti na lamang si jade at binuksan ang sulat. "Love, meet me at the pool area for dinner" dali daling nagbihis si jade para sundan ang asawa.
Nakasuot si jade ng isang asul na dress at puting heels. Lumabas ng kwarto si jade papunta sa elevator. Habang nasa elevator ay naka ngiti si Jade na Tila nagmamadali na parang kinakabahan. Pag dating nya sa lobby, tumitingin ito sa paligid para mahanap ang direksyon sa pool area. May lumapit kay Jade na isang lalaking staff ng hotel na tila ay italiano na naka suit na itim at sinabing "Mrs Salcedo, pool area is this way" nilakad nito si jade papunta sa pool area.
Nagtataka si jade sa mga nangyayari, ang hindi nya alam bago pa man sila umalis kanina inasikaso na Martin ang lahat bago pa sila lumipad sa Roma. Malapit sa pool area ay may isang itim na limo ang naghihintay. Binuksan ng lalaki ang pinto ng limo at sinambit na" Mrs Salcedo, this limo will take you to your destination, to you husband" nagtataka ngunit nakangiting pailang na pumasok si jade at nagpasalamat sa staff. "Have a lovely evening Madame" isinarado ng staff ang pinto.
Ang dalawang kamay ni Jade ay nakapatong sa kanyang mga tuhod, ito ay tumitingin sa paligid nito. Makaraan ang ilang sandali huminto ang limo ang paligid nito ay dagat at ang isang napaka gandang yacht. Nagtataka naman si jade Kung saan ito dinala ng driver. "Saan ako bakit nasa dagat ako? Sinasabi ko na nga ba hindi dapat ako nagtiwala sa italyanong yun baka ibang Mrs Salcedo yun! Naku naku naku!" Sambit ni Jade sa sarili sabay kamot sakanyang ulo. May biglang nagbukas sa kanyang pinto. Ito ay ang driver ng limo. "Good evening Mrs Salcedo, this way please.. to the yacht" sambit ng manong driver. Inalalayan ng driver pababa si jade at inalalayan papunta sa yacht. "Are you sure this is for me sir?" Napaka humble ay nagtatang pagtatanong ni Jade sa driver habang ito ay nagmamasid sa paligid at hinahanap si Martin. Sa isip nito ay baka nagkamali sila na baka ibang mrs salcedo ang itinu tukoy nila.
Naka pasok na si Jade sa yacht. "Have a lovely evening madame Jade" saka na ulalis ang lalaki. Lumuwa naman ang mata ni Jade sa narinig na siya nga ang mrs salcedo na inakala nya at ibang babae. Isang napaka laki at napaka gandang yacht. Punong puno ng ilaw at subrang liwanag. Lumakad ito sa harap ng yacht kung saan may nakita siyang naka talikod na lalaki. Nilapitan nya ito para magtanong Kung nasaan si Martin. Nang papalapit ba ito sa lalaki ito pala ay isang waiter. Humarap ang lalaki sakanya ito ay may binigay sakanya na isang sunflower. Naka ngiting sinambit ng waiter ang "Hello madame, your table is ready, this way please". Nang tignan ni Jade ang table nanduon naka tayo si Martin. Naka bihis ng suit at naka ngiting pinagmamasdan siya habang Ito ay papalapit sakanya.
Sinalubong ni Martin si Jade. Nakangiting inabot ni Martin ang kamay ng asawa at hinalikan. "Lubhang ikaw ay napaka ganda mahal ko" inupo ni Martin si jade sa upuan nito. "Love, paano mo nagawa to? Paano mo ako nasusurpresa ng hindi ko nalalaman?" Lumuhang pag sambit ni Jade. Tumayo si Martin sa kinauupuan nito lumuhod sa harap ni Jade at pinunasan ng isang kamay ang luhang pumatak sa kanyang mata at sinabi na" Hindi ba't sabi ko sayo gagawin ko ang lahat para iyo"? Naka tingin si Martin sa mga mata Ni Jade,hawak hawak ang mga kamay nito malapit sa kanyang puso.
Hindi pa man din nagsasalita si Martin ay tumulo din ang mga luha sa mga mata nito. "Hindi ka na dapat pang magtaka Kung bakit ko ginagawa ang mga ito mahal ko. Dahil ako.. gagawin ko ang lahat para sa iyo. Ganyan ang pagmamahal ko para sayo" bumuhos ang luha sa mga mata Ni Martin. Hinalikan ang mga kamay ng asawa. Pinunasan ni Jade ang mga luha ni Martin. Ito ay naka luhod pa din sa harap ni Jade. Bago tumayo at umupo si Martin ay naglapit ang mga labi at naghalikan. Dama nila ang init ng pagmamahal para sa isat isa...
Ano Ano pa ang mga kasunod na kaganapan sa honeymoon ng magasawa? Ang unang gabi nila ay hindi pa dito natatapos.. kaya wag magpapahuli ABANGAN.... TO BE CONTINUED...
YOU ARE READING
Above and Beyond
RomanceIs your love strong enough to over come the obstacles? Can the past come back and be the future? Can the present become the past? What are you willing to risk along the way? A love story isn't just about two people in love. Its also everything ugly...