Chapter 12 Section 2 - His voice and his touch.

147 8 8
                                    

HINDI MAITATANGI NA MAY MGA BAGAY TAYO NA GUSTO SA BUHAY. ANG IBA YAMAN, HABANG ANG IBA NAMAN AY MAGING MASIYA. MERON DIN NAMAN PAREHONG YAMAN AT SAYA. HINDI MASAMA ANG MAG HANGAD NG BAGAY NA HINDI NAMAN NAKAKASAKIT NG IBA. ANG PAG HANGAD NG MGA GUSTO NATIN SA BUHAY AY ISANG PARAAN PARA MAG SUMIKAP TAYO. PARA MAGAWA NATIN ANG MGA BAGAY NA MAKAKATULONG SAATIN PARA MAGING MAPAG PURSIGI AT MAGING ISANG MATATAG NA NILALANG.

SA ISTORYANG ITO ANG SUSUBOK SA PAGKATAO NG MGA TAONG INVOLVE AY ANG TADHANA. GAANO BA KALALIM AT KATINDI ANG PAGMAMAHAL MO SA ISANG TAO? GAGAWIN MO BA ANG LAHAT PARA MAGING MASAYA? GAGAWIN MO BA ANG LAHAT PARA MAHANAP SIYA? MGA KATANUNGAN NA MINSAN MAHIRAP HANAPAN NG KASAGUTANG. AT MINSAN NAMAN AY WALANG KASAGUTAN.

DASAL ANG PINAKA MATINDING PANLABAN AT PANANGA NATIN. ANG NAG UUGNAY SAATIN SA DYOS. HINDI PA MAN NATIN INIISIP O HINIHINGI, ALAM NA NG ATING DYOS ANG NASA PUSO AT ISIP NATIN. PAGDADASAL ANG DAPAT AY HINDI DAPAT NATIN KINAKALIGTAAN GAWIN. NGUNIT KARAMIHAN SA ATIN AY HINDI ITO GINAGAWA, KASAMA NA AKO. ANG HAMON SA PANG ARAW ARAW AY HINDI BIRO. MAHIRAP AT SAKRISYO ANG PUHUNAN. BUKSAN ANG ISIP AT PUSO NATIN SA BAGAY NA MAGPAPASAYA SAATIN AT MAGBIBIGAY NG KABUTIHAN SA ATING BUHAY.

Dumating na ang pamilya ni Martin sa ospital kung saan naka admit na si jade para sa kanyang panganganak. Ano Lang oras dapat sa araw na Ito ay dadating na si Martin galing ng Russia. Pilit itinatago Nina Amanda at Jason ang kanilang napanood sa social media. Ngunit sa Hindi inaasahang pagkakataon ay lumabas sa tv ang balita. Kung saan ang buong pamilya nila ang nakasaksi sa palitang pakikitapag usap ni captain santos sa rescue team.

Samantala habang nasa gitna ng bagyo si Martin at ang iba pa nitong mga kasama ay lumilikas na ng barko at nag lalabas na ng maliliit na bangka kung saan maaari silang maka ligtas. Ang alon ay lumalakas na. Sa lakas ng kidlat natamaan ang power pole ng barko at nawalan Ito ng kuryente. Ang mga tao ay mas lalo pang nag panic. Pinapauna ng mga ka lalakihan ang mga babae sa bangka. Si Martin ay naghahanap pa sa loob ng barko ng mga kasamahan na maaring na nganga ilangan ng tulong. Ang puso at katapangan ng isang magiging na mandirigma na kahit sino ay ipagmamaliki Ito.

Ang tubig ay umabot na sa loob ng Barko at Ito ay pumapasok ng mabilisan. Hindi na mapipigilan ang pag pasok ng tubig sa bawat sulok ng barko. Kumikilos na ng mabilisan ang mga naka sakay sa barko habang ang rescue team naman ay paalis pa lamang ng pilipinas ay tila hindi pa ata sila papayagan na lumikas dahil ang bagyo ay papasok na ng pilipinas.
Habang nakaka contraction si jade ay wala itong ibang bukang bibig kundi ang pagbabalik ng kanyang asawa. Lagi nitong sinasabihan ang anak na wag muna lalabas habang wala pa ang AMA nito. Lalo na gustong masaksihan ni Martin ang panganganak ni Jade.

Hindi maubos ang pagbuhos ng bagyo at nang kidlat. Si Martin at bumaba sa pinaka baba ng barko para makasiguro na walang sino man ang naiwan dito. Dahil patuloy na pag lakas ng alon at pagpasok ng tubig sa loob nauunang mapuno ang ilalim na bahagi ng barko kaya naman hindi na mapipigilan ang pag lubog nito. Ng papaakyat na si Martin may narinig Ito na sigaw. Ito ay ang isa sa mga kasamahan Niya na hindi naman nya kilala ng mabuti. Pero mas pinili nito na tumulong Parin.
Ang lalaki ay naka kulong. "Tulong tulong po!" Pag sigaw ng isang lalaki sa malayo. Lumapit dito si Martin. At nakita ang lalaking naka kulong sa maliit na selda sa ilalim ng barko. "Tulungan nyo po ako nakiki usap po ako!" Umiiyak na paki usap ng lalaki kay Martin. Hindi naman nag dalawang isip na tumulong si Martin sa lalaking naka kulong. Nag hanap Ito ng susi sa mga drawer sa paligid. Ang tubig ay umaakyat na lampas tuhod ni Martin at mabilis na itong lumalalim. Patuloy pa din sa pag iyak ang lalaki. Walang ibang sinasabi si Martin sa lalaki. Gusto Lang nito na mailabas ang kasamahan ay parehas na makaakyat sa mataas na bahagi ng barko. "Kailangan kong humingi ng tulong sa taas!" Paglilinaw ni Martin dahil hindi nito makita ang susi ng lock. "Nandito nila nilagay ang susi. Isa sa mga susi dito.. paki usap wag mo akong iiwan. May mga anak ako at asawa na naghihitay saakin. Pakiusap!" Pakiusap ng lalaki kay Martin kaya naman hindi Ito umalis at nagpatukoy sa paghahanap. Si captain Santos naman ay nag bibilang sa mga nasasakupan at napansin na wala si Martin. Kaya naman nagmadaling nag hanap Ito.

Nasa bewang na ang tubig ngunit ang susi ay Hindi pa din nahahanap. Si jade ay nasa delivery room na at handa ng ilabas ang kanilang panganay na anak. Sa Hindi inaasahang pagkakataon manganganak si jade na Hindi nito kasama si Martin. Pumasok ang nito at kasama si Amanda sa loob. Walang binangit ang dalawa tungkol sa nangyayari sa barko na sinakyan ni Martin para masiguro ang kaligtasan ni Jade sa panganganak Ito. "Mom, Hindi pa po ba dumadating si Martin? Lalabas na kasi ang anak namin... (sneak) sa tingin ko excited na siya na makita ang AMA nya dahil sa tuwing binabangit ko siya nararamdaman ko na sumisipa siya." Masayang pag bahagi ni Jade. Makalipas ang ilang mga sandali pumutok na ang water ni Jade at wala na itong ibang choice kundi ang ipanganak na ang kanilang anak. Samantala sina Martin naman at ang lalaki ay nasa ilalim pa din at nag hahanap pa din ng susi. Ang tubig ay hangang liig na ni Martin.  Nahihirapan na huminga si Martin sa paghahanap sa susi. Ngunit Hindi nag tagal at nakita din ni Martin ang susi na mag bubukas sa selda ng lalaki. Ngunit Ito ay Hindi naging madali dahil kailangan sumisid ni Martin para mabuksan ang lock. Ilang beses na nahulog nito ang susi ngunit hindi Ito sumuko. Ang lalaki ay Hindi man Lang lumingon upang magpasalamat kay Martin. Bigla na lamang Ito lumangoy papalako kay Martin at iniwan niya itong magisa. Ng akala ni Martin na pwd na itong makaalis ay nung kumuha ito ng bwelo para lumangoy papalayo ay nabutas ang tinatayuan nito at na trap ang kaliwang paa nito sa butas. Hindi Ito makaalis at tila wala ng ibang makakatulong pa sa kanya dahil ang tubig ay tumataas na. Si captain santos ay Hindi na bababa sa ilalim dahil nakikita na nito ang tubig ay lagpas na sa ulo. Kaya naman sa taas na lamang Ito nag hanap kay Martin at sa iba pa nitong mga kasamahan. Nauubusan na ng hininga si Martin. Pilit nito inaalis ang paa kahit na Ito ay dumudugo na. Walang ibang bukhang bibig kundi "Jade?! Ngunit wala pa din. Sa lakas ng alon ay yumu yugyug na ang barko. Si Martin ay nabagok sa katabi nitong poste kung saan siya nawalan na din ng Malay. Si jade naman ay nag silang ng isang napaka gwapo na sanggol na lalaki. Hindi naging madali ang panganganak nito. Si jade ay nawalan ng Malay pagkatapos nito isilang ang kanyang anak. Nagulat ang mga doktor sa nangyari kay Jade Kaya naman pinalabas ang ina at kaibigan ni Jade sa delivery room. Tumigil din sa pag hinga si jade. Sa puntong yun, walang nakakaalam sa nangyayari kay Jade.

ANO ANG MANGYAYARI KINA JADE AT MARTIN? PAANO MASUSUNDAN ANG KWENTONG PAGMAMAHALAN NA WALANG HANGGAN. TO BE CONTINUED...ABANGAN...

Above and BeyondWhere stories live. Discover now