Naka upo si Julio sa kanilang harden kumakain ng almusal nag mag isa. Kumakain Ito ng sunny side up eggs fried rice at turtang talong with fresh strawberries at bananas. Inabot nang katulong nito ang isang newspaper. Hindi pa ito binasa Ni Julio hangang matapos ito kumain.
Natapos ng kumain Ni Julio. Tatayo na Sana Ito ngunit naisipan nya na magbasa ng newspaper na nasa lapag ng mesa. Ang newspaper ay naka tupi ng kalahati. Pag bukas nito sa front page ay nakita nya ang wedding portrait nina Jade at Martin. Natulala si Julio habang tinitignan ang litrato ng bagong kasal. Halo halo ang kanyang nararamdaman. Makalipas ang ilang sandali pinunit nito ang newspaper at nilapag ito sa mesa ng malakas saka Ito tumayo at naglakad paalis.
Samantala naman nag report na si Martin sa mga boss nito sa militar. Binasa nito ang liham na ibinigay sa kanya sa harap ng mga boss nito. Ang nakalagay ay "Martin Salcedo, we are pleased to tell you that you are one of the chosen secret service to go to Russia. Please continue to keep this confidential. Releasing any of this matter is strictly prohibited. Thank you for serving your country. - Navy.
"Sir, ibig sabihin po ba nito, hindi ko ito pwd sabihin sa aking asawa?" Pag tatanong ng Martin na may agam agam. "Kailangan nating sundin ang patakara and ng militar. Misyon ang pupuntahan mo dun, at importanting walang makaalam na isa kang secret service, lalong lalo na ang iyong asawa. Hindi simpling mga tao ang mga makakalaban natin, dapat maging maingat. Para sa asawa mo at pamilya ang mga ginagawa mo. Sa susunod na mga linggo magsisimula na ang pag lalakbay nyo sa Russia gamit ang bagong barko. "Pero sir!?" Pagpupumit Ni Martin. "Salcedo, its final. You're a fine young man, isang tunay na katapangan ang ginagawa mo para sa bayan natin. Pagtatapos sa usapan.
Naguguluhan naman si Julio sa nararamdaman nya nung nakita nya ang article tungkol sa kasal ng dating nobya. Kahit na nagka usap na ang dalawa at Kahit natuldukan na ang mga nangyari sakanila noon, tila ang puso Ni Julio at hindi pa nakakapag move on. Naglalakad ito sa gilid ng daan. Ng bigla itong tumawid. Hindi ito tumingin sa daan bago Ito tumawid. Kaya naman muntik na itong masagasaan ng isang puting Range Rover.
Bumaba ang driver "I'm so sorry, hindi ko sinasadya bigla ka na Lang tumawid" pag sambit ng driver. Hindi naman Natamaan si Julio. Ngunit nung nakita nya ang driver ay napa tingin at napatulala ito. Ang driver at si Jade. "Julio?" Gulat na pag sambit Ni Jade.
Dinala Ni Jade si Julio sa isang coffee shop Kung saan sila lagi pumupunta nood. "Naaalala mo pa pala ang lugar na to" sambit Ni Julio habang naka upo sila at naghihintay ng waiter. "Wala ng malalim na ibig sabihin ang lugar na Ito, Ito Lang ang pinaka malapit" paliwanag naman Ni Jade. Napa yuko na lamang si Julio sa sinabi Ni Jade at tumayo para mag banyo. Lumapit ang babaeng matandang waiter. "Jade? Jade ikaw ba yan?. Matagal ka ng hindi napupunta dito!" Sambit ng matandang waiter na tila kilala si Jade. "Manang Sol ako nga po." Pag linaw Ni Jade. "Napaka ganda mo pa rin hija, at kasal ka na pala napaka ganda ng iyong singsing" naka ngiting mga sambit ng magandang waiter.
Tandang tanda ko napaka gwapo nang nobyo mo noon at bagay na bagay kayo. Naalala ko bigla ka nalang mag isang pumupunta dito ng tulala at umiiyak Jade". Patuloy na pag kwento Ni manang sol na hindi nito namamalayan na si Julio ay nasa gilid nakikinig sa kanila. "Manang sol, matagal na po yun, mag asawa na po ako, at masaya na po ako" paglinaw Ni jade sa matandang waiter. "Tubig nalang po at house coffee, dalawang order po" pagtatapos Ni jade sa usapan nila.
Bumalik na sa upuan si Julio. "Nadinig ko ang usapan nyo ng waiter" sambit nito. "Naalala nya ako" pag sagot naman Ni Jade. "Jade, alam Ko na wala na tayo Dapat pag usapan. Ngunit gusto ko na maging magkaibigan man Lang tayo Kahit yun Lang." Sambit Ni Julio. "Julio, Hindi tayo pwd maging mag kaibingan. Masyado ng madaming nangyari saatin. Kahit may asawa na ako at napatawad na kita hindi ko pa rin nalilimutan ang mga ginawa mo." Tumayo si Jade, at sinambit ang mga katagang "Minsan kang naging mahalaga sa akin, minsan kitang minahal ngunit tapos na yun." Pagtatapos Ni jade sa usapan saka ito umalis. Sabay sa pag walkout Ni Jade ay ang pag hatid ng isang lalaking waiter sa order nila.
Minsan hindi natin pwd ipilit ang mga bagay na hindi natin ma kontrol. Gaya na lamang ng mga taong mahal at mahalaga saatin. Mga sugat na kahit mahabang panahon na ang lumipas at may kirot pa rin. Mga bagay na kahit kailan ay hindi na malilimitan kahit na ito ay may kapatawaran.
Ano ang magiging pasya Ni Martin sa bagong misyon nito na mangibang bansa. Sasabihin ba sa asawa nito na si Jade o itatago ito sa asawa. Ano naman ang magiging reaksyon Ni Jade sa pag alis Ni Martin papuntang Russia. Ano ang magiging dahilan Ni Martin para mangibang Bansa. Paano haharapin Ni Julio ang mga sinabi Ni Jade sakanya. Wala na ba talagang pag asa ang dalawang minsan ay nagmahalan ng tunay tulad nila Ni Martin ngayon? Abangan... To Be Continued....
YOU ARE READING
Above and Beyond
RomanceIs your love strong enough to over come the obstacles? Can the past come back and be the future? Can the present become the past? What are you willing to risk along the way? A love story isn't just about two people in love. Its also everything ugly...