Chapter 4 Section 2 - Sealed with a kiss

196 14 0
                                    

Kitang kita sa mga mata ni Jade ang kasiyahan. Naka tingin sa band na tumutogtog. Bigla namang lumabas si Julio habang nasa loob naman si Martin. May dina dial si Julio sa phone ng makita nya si Jade. Napaka ganda napaka saya. Natulala si Julio sa nakita na hindi na nya naririnig ang tinawagan nya.

Dumaan si Martin sa harapan ni Julio papunta kay Jade. Nakita nya na hinalikan ni Julio si Jade sa mga labi at sa noo nito. Nalaglag ni Julio ang kanyang telepono. Hindi maipinta ang mukha ni Julio ng makita nya si Jade at si Martin. Gusto nyang puntahan. Pero hindi nya ma gawa.

Tinawag siya ng kanyang driver. "Sir kailangan na po natin umalis" pinulot ni Julio ang kanyang telepono na nahulog. "Jade?" Nagulat na mukha at tinig ni Julio. Kitang kita ang sakit sa mga mata ni Julio. Kabaliktaran naman sa mga Mata ni Jade na napaka saya. Tila may mga bagay na hindi pa natuldukan sa pagitan Nina Julio at ni Jade. Lumalakad papalayo si Julio ng patalikod, naka tingin pa din ito Kay Jade habang lumalakad papalayo.

Samantala sina Amanda at Jason at pabalik na sa maynila. "Hindi dapat natin sila iniwan hon" pagdadalawang isip na sambit ni Amanda sa asawa. "Hon malaki ang hotel at NASA labas ang date ng dalawa, wag ka na magalala. At base sa mga sinabi mo at sa mga nakikita natin si Martin ang mahal ni Jade hindi ang Julio na yun kaya wala akong nakikitang dahilan para magalala ka ng ganyan" paliwanag ni jason. "Hindi mo naiintindihan, pagpapaliwanag ni Amanda na hindi naman pinatapos ni Jason. "Hon please,wag ka na mag-alala.

Ano kaya ang ipinag-aalala ni Amanda at bakit ayaw nyang magkita ang dalawa. Ano ang magiging papel ni Julio sa buhay nilanag lahat?

Above and BeyondWhere stories live. Discover now