Chapter 6 Section 5 - Crazy in love

229 16 13
                                    

Sa bangong kabanata ng mga buhay ng bagong mag-asawa at ng mga tao sa buhay nila paano mag babago ang kani kanilang mga buhay.

Bago lumipad sina jade at martin papuntang roma, dinala ni martin ang kanyang asawa sa bahay na pinatayo niya.
Naka blindfold ang asawa niya habang nasa sasakyan. "Love? Anong surprise ba ito at bakit kailangan naka blindfold pa ako". Mga nakaka excite na pagsambit ni jade. Niyakap ito ni martin at hinalikan sa noo nito at sinambit na "basta, para sa asawa ko ito" sabay ngiti na abot tenga sa lalim ng dimple nito at higpit ng yakap sa asawa.

Samantala, sa reception nag uusap ang bagong mga mag in-laws na alcantara at salcedo. Mga balae, sambit ni amelia ang ina ni Jade sa mga magulang ni Martin. Nagyakapan sila. Unang nagsalita ang ama ni jade na si alfonso "napaka bilis ng pangyayari kasal na ating mga anak" inakbayan nito ang asawang si amelia. "Wala kaming duda na ang dalawang yun ay para sa isa't isa. Mahal na mahal ng aming anak si jade". Sambit naman ni Anton na ama ni martin. "Sigurado ako na bago sila umalis papuntang honeymoon nila ay ipapakita ni martin ang regalo nito sa kanyang asawa." Nakaka excite na mga sambit ng ina nitong si Carmen.

"Here we are" sambit ni martin na unang lumabas sa sasakyan. Inalalayan ni martin si jade pababa ng sasakyan. Dahan dahan nito dinala sa harap ng bahay na pinagawa nito. Isang napaka gandang two story house na kulay puti na may malalaking bintana halos kalahati ng bahay ay puro malalaking bintana at ito ay may napaka laking balkon sa taas. Napaka liwanag ng loob ng bahay at labas. Meron itong itim na gate na biglang nagbukas ng sideways. Kinuha ni martin ang blindfold ni Jade. "Tadaa! What do you think love?" Speechless naman si Jade, napaluha ito ng tumingin kay martin. "Welcome home Mrs Salcedo" sambit ni martin. Tumulo ang luha sa mata ni jade. "Hey hey," sambit ni martin at pag punas sa luha ni jade. "Ang bahay na ito ay para sa aking asawa sa atin, sa ating magiging pamilya". Pagmamadaling sambit ni Jade "ngunit love, paano mo...." Hindi na natapos na pagsambit ni jade dahil ito ay binuhat ni martin papasok sa kanilang bagong bahay. Na siya namang gulat ni jade ito na napa sigaw. Kinagulat naman ito ng driver nila sumilip ito sa side mirror nito at nakitang binuhat ni martin si jade, ngumitu lamang ito.

"And we are here" sambit ni martin. "Ito na ang magiging umpisa ng buhay natin bilang mag-asawa at mamaya bilang magulang, welcome home Mrs Salcedo" titignan ni jade si martin habang ito at tumitingin sa paligid ng bahay nila habang siya ay buhat buhat. Kitang kita ni jade sa mga ngiti at mata ni martin ang pagiging sincere nito at pagiging in love. Tila si jade na ang pinaka maswerting babae sa buong mundo. Yun ang nararamdaman ni jade habang pinagmamasdan si martin. Tinignan ni martin si jade, ngumiti at hinalikan.

Matapos ang ilang mga sandali tapos na magpalit ang magasawa. Si jade sa banyo ng kwarto nag palit habang si martin naman ay sa kwarto nagpalit. Lumabas si jade sa banyo natulala si martin ng makita ang asawa. "Love... Yan nanaman ang tingin mo saakin" pakikkay na sambit ni Jade sa asawa. Naka suot si jade ng simpleng puting skinny jeans black pair of vans shoes at puting blouse. Simpleng suot, ngunit sa mga mata ni martin tila naka kita ito ng napaka gandang babae sa buong buhay nito. Lumapit si martin. Hinawakan nito ang mga baywang ni jade papalapit sa kanya ng naka ngiti. Nilagay naman ni jade ang mga kamay nya sa liig ni martin at nag dikit ang kanilang mga ilong. "Ikaw... ang pinaka magandang babaeng nakilala ko napaka saya ko at ikaw ay aking asawa." Nakapikit na sinambit ito ni martin kay jade. Biglang naisturbo ang dalawa ng may kumakatok sa pinto sa labas. "Baka si manong betong na yun" natatawa at kilig na kilig na mga pagsasalita ni jade. Kahit na anomg gawin nila, halata ang saya sa kanila. Hinawakan ni martin ang mga kamay ni jadd, dali dali silang bumama at binukasan ang pinto ang driver nga nilang si manong betong. "Pasensya na Jade.. Martin.. Pero ma li late na tayo sa flight" pagpapaliwanag ng driver. "Wala po yun, tara na po" nagmamadaling pag punta nila sa sasakyan. Ng dumating bigla ang matatalik nilang kaibigan na sina jason at amanda.

"Aba aba akalain mo ba naman na napaka ganda ng bahay na pinatayo ni martin para kay jade" namamanghang mga pag sambit ni Amanda. Niyakap ito ni jade ng mahigpit. "Bes ang ganda ng bahay at ang laki ah" dagdag pa ni Amanda. "Congrats uli sa inyo" pagbaliti nila. Binigay ni martin ang susi ng kanilang bahay sa kanila ni Jason at Amanda bago sila umalis. "Paano ba yan? Kayo na ang bahala sa bahay namin ng asawa ko" sambit ni martin. Kinikilig naman ang dalawang mag kaibigan na Amanda at Jade sa mga sinabi ni Martin. "Kami na ang bahala bro" pagtatapos ni jason.
Nagpaalam na sila sa isat isa, binukasan ni martin ang pinto ni jade at pumasok na silang dalawa sa loob ng sasakyan.
Kumaway sina Jason at Amanda habang papalayo na ang sasakyan nila Martin at Jade. Magka holding hands ang dalawa sa loob ng sasakyan. Nag lean naman ang ulo ni jade sa balikat ni martin. "I love you" sambit ni jade. Ngiting tagumpay naman ang mukha ni martin. Sila ay patungo na sa airport para magtu go sa kanilang honeymoon sa Roma.

To be Continued.....

Above and BeyondWhere stories live. Discover now