Sa buhay, may mga bagay na hinihiling natin na pwd natin mabago. Mga bagay na dapat Hindi dapat at dapat gawin.
Minsan nawawalan tayo nang pag asa sa mga bagay na ginagawa natin at sa mga bagay na gusto natin. Nawawalan tayo ng tiwala sa ating mga sarili at sa mga tao na nasa ating paligid.
Inaako natin ang hirap. Hirap na akala natin ay tayo Lang ang nakakadanas. Mga problema na akala natin ay tayo Lang ang meron. Nakakalimutan natin na kahit Sino ka pa o Ano ka pa, maari kang humingi ng tulong at okay Lang tumangap ng tulong.
Sa panahon na Ito, si Martin ang gumawa ng isang pagkakamali. Ang paglihim nito sa kanyang asawa, asawang pinaka mamahal nito. Paano maibabalik ang tiwala Ni Jade kay Martin. Sa kalagayan nito, maselang pagbubuntis.
Sa isang tabing ilog, tila malawak ang nililipad ng isip Ni Martin. Inaalala ang mga nangyari sa kanyang asawa at sa kanyang anak. Isang pagsisisi na lumalamon sa kanyang isipan at pagkatao. Hindi napansin Ni Martin ang pagdating Ni Jason. Sa ilog na ito, lagi nagpupunta si Martin pag malalim ang iniisip nito.
"Bro" sambit Ni Jason habang Ito ay papalapit na naglalakad kay Martin. "Sabi na nga ba nandito ka Lang, tama si Jade." Sambit Ni Jason. Lumingon si Martin ng patagid. "Sabi Ni Jade? Nakausap mo si Jade?" Sambit Ni Martin at humarap muli sa ilog. "Buti ka pa, hinarap ka ng asawa. Samantalang ako, pinasabi pa nya sa pinsan ko na ayaw nya akong makita." Sambit Ni Martin sabay pag patak ng mga tuha sa kanyang malungkot na mga mata.
"Alam mo mart,Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan. Si Jade ay lubhang apektado sa mga nangyari. Naglihim ka sa kanya." Sambit Ni Jason. Pinatong nito ang kaliwang kamay nito sa kanang balikat Ni Martin. "Give it some time, hayaan mo munang makapag pahinga si jade." Pagpapatuloy Ni jason. "Hindi ako pwding umatras sa kontratang nilagdaan ko. Isang taon sa Russia o tatlong taon sa kulungan." Pagtatapos Ni Martin.
Naka confine pa din si Jade a ospital. Kasama lamang nito ang kanyang mga magulang na sina Alfonso at Amelia. Nagisig na sa mahimbing na pagkakatulog si Jade. Nilapitan Ito ng kanyang mga magulang. "Anak? Kamusta ang iyong nararamdaman?" Pagtatanong Ni Amelia habang Ito ay umupo sa tabi ng kanyang anak. "Ma, pa... gusto ko pong makausap si martin" sambit Ni Jade. Nagtinginan lamang ang mga magulang nito.
Hindi nagtagal ay dumating kaagad si Martin. Suot ang uniporme nito ng militar. Pinapasok Ito ng AMA Ni Jade. Hindi man sabihin Ni Alfonzo, makikita sa mga titig nito kay Martin na may tinatago itong galit. Dahan dahan na pumasok si Martin sa silid. Nahihiya at tila wala nang mukha na maihaharap pa sa asawa. Si Jade ay fusing na, ngunit Ito ay naka harap sa bintana, Kung saan si Martin ay nasa kabilang dulo ng silid. "Jade?" Sambit Ni Martin gamit ang napaka hinang boses.
Lumingon si Jade. Pinindot ang remote ng hospital bed nito para mag recline pataas.Tinitigan Ni Jade si Martin, tila blanko ang ekspresyon sa mukha Ni jade. Tumitig din si Martin, na may takot at pangamba sa kanyang mga mata. Hindi rin nagtagal at umiwas si Martin sa titig Ni Jade. "Hindi ko alam kung may pagkukulang ba ako. Kung mga nagawa ba ako para Hindi mo ako pagkatiwalaan o kung bakit dapat mo akong paglihiman." Sambit Ni Jade. Si Martin ay nasa kabilang dulo pa din ng silid Ni Jade. Ito ay unti unting lumalapit sa asawa. "Wala kang ginawa, hindi kita dapat pinaglihiman. Pinaunawa ko dapat saiyo ang trabaho ko. Ang mga ginawa ko sa trabaho at ang kailangan ko isakrepisyo para sa trabaho ko." Sambit Ni Martin habang Ito ay papalapit sa kanyang asawa.
"Hindi mo kailangan magpaliwanag, bilang iyong asawa kaya kong unawain ang lahat. Kung kailangan mong umalis, umalis ka. Maari mo na akong iwan" pag tatapos Ni Jade saka na ito bumalik sa pagka higa. Lumabas si Martin ng silid nakaabang ang AMA Ni Jade sa pabas. Nilapitan nito si Martin. "Ayoko makialam Martin, pero magtatanong na ako. Ano ang nangyayari sa inyong mag asawa?" Sambit Ni Alfonso. Na tila may tinatagong galit. Hindi maka tingin si Martin sa mga mata Ni Anton. "Dad, nagkaroon po kami ng hindi pagkakaintindihan Ni Jade" paliwanag Ni Martin. "Anong klaseng hindi pagkaka unawaan?" Tanong Ni Anton. "Isa Lang sasabihin ko sayo, sa oras na malagay muli sa panganib ang aking anak, ako mismo ang gagawa ng paraan para mapa walang bisa ang kasal nyo!" Galit na sambit Ni Alfonso. Saka na ito naglakat papaalis. Tumulo na lamang ang mga luha sa malulungkot na mata Ni Martin. Samantala nasaksihan naman ng ina Ni Jade na si amelia ang paguusap ng dalawa nang Ito ay bumalik galing sa pagkuha ng mga damit para sa anak.
Makalipas ang ilang mga araw ay nakalabas na si Jade sa ospital. At bumalik na din ito sa bahay Ni Martin. Pinipilit Ni Martin na punan ang mga pagkukulang nito sa asawa. Siya ang naglilis ng bahay nagluluto nagdidilig ng mga bulak lak nila sa hardin. Ngunit tila Hindi parin lubusang napapatawad Ni Jade si Martin. Kaya mas pinipili na lamang Ni Jade ang iwasan si Martin para hindi natin Ito ma stress. Kinakausap din Nina Amanda at Jason si Jade para ipaintindi dito na tao at nagkakamali din si Martin. Kahit subra subra pa ang pagmamahal nito sa asawa. Ginagawa lahat Ni Martin para ma extend ang pag alis nito papuntang Russia. Pag lumabag si Martin sa kontrata na pumunta sa Russia ng isang taon, Ito ay mawawalan ng trabaho at kahit kailan man ay hindi na makakapag silbe PA sa militar.
Naka upo si Jade sa labas ng hardin nila. Dinalaw Ito ng matalik na kaibigan na si Amanda. Lumapit Ito sa kaibigan, nakita ito na nakatulala si Jade. Umupo si Amanda katabi si Jade. "Ang ganda dito, nakaka relax." Sambit Ni Amanda. Tinignan lamang Ito Ni Jade. "Alam mo Jade, apektado si Martin sa mga nangyari,lagi nyangkasama si jason. Naguusap nagtatanong Kung ano ang dapat gawin. Naalala mo ba nung naghiwalay Julio, Hindi mo alam ang gagawin. Wala ka nang narinig sakanya. Hindi mo alam ang gagawin mo. Sinabi mo pa, na Kung siguro kung sinabi nya sayo ang mga iniisip nya at nararamdaman nya nagawan mo sana ng paraan para Hindi ka nag mukhang tanga? Naalala mo ba yun? Sambit Nito sa kaibigan. "Ngunit hindi ako ang nangiwan Amanda, si Julio Yun." Matamlay na sambit Ni Jade.
Hindi lahat ng sugat naghihilum. Minsan Kahit napaka habang panahon na ang lumipas, may mga sugat na mas lalo Lang lumalaki at lumalalim. Hindi sapat ang paghingi ng tawad o pagsisisi para makamit ang kapatawaran.
Hindi sapat ang sakripisyo mo para sa taong nagawan mo ng kasalanan. Ano mang kabutihan ang gawin mo, ang mali mo pa din ang maaalala nila. Ngunit kailangan mong mag lakas loob at tangapin ang kanilang Galit. Hindi mo man kayang ibahin ang nangyari, pero kaya mo pa ring bumawi sa tamang paraan at tamang panahon.
Sa lagay na Ito, si Martin ang lubos na nahihirapan. Hindi lamang dahil sa paglihim nito sa asawa. Kundi sa muntik nang pagkakalaglag ng kanilang anak. Hindi man Ito aminin Ni Jade ito at galit na galit sa kanyang asawa. Tuluyan na kayang nalamatan ang pagsasama ng mag asawa? To be continued... Abangan...
YOU ARE READING
Above and Beyond
RomanceIs your love strong enough to over come the obstacles? Can the past come back and be the future? Can the present become the past? What are you willing to risk along the way? A love story isn't just about two people in love. Its also everything ugly...