Chapter 8 Section 3 - Mission

139 8 0
                                    

Sa nalalapit na pag alis Ni Martin, hindi nito kayang itago sa asawa ang dahilan ng pag-alis nito ng bansa. Ngunit labag itosa kanyang pagiging isang secret agent sa militar. Hindi lamang si Jade ang hindi nakakaalam kundi maging ang ina mismo Ni Martin. Isa lamang ang nakakaalam sa trabaho Ni Martin. At yun ang AMA nito. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabasa nito ang isa sa mga liham Ni Martin ilang taon na ang nakakalipas.

Nagbalik na si Jade sa trabaho makalipas ang ilang linggo. Si Jade ay isang natatanging pinuno ng itinaguyod nitong maliit na Hotel and resort. Ang Suns Hotel and resort. Isang sunflower based theme ang hotel resort Ni Jade. Basi Ito sa paburito nitong sunflower. Dilaw ang hotel color exterior at interior ng buong paligid. Hindi kataka-taka na successful si Jade sa kanyang napiling trabaho. Napakasipag at napaka ganda pa nya na isa sa mga dahilan Kung bakit dinadayo ang Suns.

Nasa isang pagpupulong sina Jade at Amanda kasama ang ilan sa mga business partners nila. Tila seryoso ang kahat. Ang isang pinaka malaking shares sa kumpanya ay si Mr chu.. ang isang half Chinese na ninong Ni Jade. "Kailangan nating gumawa ng hakbang Kung nais natin na manatili ang suns sa taas. Malaki ang balak na itayonh resort sa kabilang bayan. This going to be a huge threat to us Jade. We have to come up with something to keep our guests coming. Hindi lamang turista Kung Hindi pati na din ang mga taga dito. Sambit Ni Mr Chu na tila ay nangagamba.

Naka suot nang pormal na kausotan si Jade puting slacks pink blouse at white blazer at white high heels. Naka ponytail at curls naman ang buhok nito. "Sir with all due respect, may tiwala naman po ako sa ating resort. Kahit maliit lamang ito. Halos po lahat sa ating mga guests ay ating naging mga kaibigan. Pinag- aaralan ko na po ang ating susunod a mga hakbang para ma sigurado na hindi po tayo mawawalan ng mga panauhin dito sa Suns." Taas noong pag sigurado Ni Jade sa mga business partners nito. Na siya namang ikinatuwa ng buong staff sa loob.

Samantala si Martin, at nasa loob ng Navy base Kung saan Ito ay nagsasanay na gumamit ng ibat ibang uri ng baril. Ito ay naka uniform ng Philippine navy. Dahil Ito ang kanyang secret mission. Sa edad Ni Martin ay may mga nakakataas pa sakanya na hindi siya pinagkakatiwalaan. Si Alvin Munoz. Ang anak ng head navy. Nakakataas kay Martin ng isang ranko. Ito ay labis labis na nagseselos kay Martin sapagkat Ito ay mabilis na na promote. Habang Ito ay hindi umaalis sa kanyang pwesto. Si Alvin Munoz (Neil Sese ) "Alam mo, hanga ako sa bata, mabilis kang gumalaw at napapaniwala mo ang mga taong binibiktima mo." Sambit Ni Munoz naka tingin ng diretso Sa tinatamaan ng mga bala Ni Martin habang nag sasanay ng ibat ibang baril. Tinigil Ni Martin ang pag iinsayo at nagsalute kay Munoz. "You don't have to do that." Naka ngiting plastic Ni Munoz. "You and I both know you don't deserve to go to Russia and be the spy Salcedo." Tumingin sa mga mata Ni Martin si Alvin habang ang kaliwang kamay nito ay gumagapang para makuha ang isa sa mga baril. "Hindi ko alam any iyong mga sinasabi" sambit Ni Martin na Amy agam agam sa kanyang mag narinig. Sabay talikod Ni Alvin. Bigla itong humarap kay Martin at tinutukan ng baril. Na siya namang nasanga kaagad Ni Martin. "Siguro ay magdahan dahan ka muna captain Munoz. Hindi laruan ang isang sandata." Seryosong mga sambit Ni Martin.
Nagtitigan ang dalawa na parang gusto nilang magsuntukan.

Biglang kinuha Ni Martin ang baril sa kamay Ni Alvin. "Ang baril ay tinututok sa kalaban, hindi sa kakampi. Dinapat Ni Martin ang baril balik sa mesa kasama pa ng iba pang mga baril. Humakbang ito papalayo kay Alvin. "Hindi ko hiningi ang mission na ito, Ito ay ipinagkaloob saakin ng iyong AMA. Pinaghirapan ko at pinag sanayan ko ng mabuti. Hindi ako nakarating sa pwesto na Ito ng walang dahilan... bago pa man matapos Ni Martin ang mga gusto sabihin ay nagsalita na si Alvin. "Minamaliit mo ba ako Salcedo?" Galit na sambit Ni Alvin. "Ang mission na Ito ay hindi biro. Hinding hindi ko mamaliitin ang kakayanan mo Munoz. Lalot ikaw ay anak ng aming kapitan. Ang trabaho ko ay trabaho ko. Pagtatapos Ni Martin saka na Ito nag walk out sa usapan nila Ni Alvin. Bakas sa mukha Ni Alvin ang pagka inis kay Martin. Ngunit si Martin ay naka ngiting nag walk out.

Habang nag pa plano si Jade sa mga susunod na mga hakbang na gagawin nila para Hindi mawalan ng mga bisita sa Suns Hotel and resort ay siya namang abala ng pamilya Ni Julio para maitaguyod na ang kanilang hotel at resort na magiging mabigat na kalaban ng Suns.

Hindi maitatangi na masyado ng lumiliit ang mundo ng tatlo. Sa pagbabalik Ni Julio at ng iba pang pag labas ng mga bagong tao sa mga buhay nila, paano nila mapagtatagumpayan ang mga pagsubok na dadating sa buhay nila bilang mga indibidwal at bilang mag asawa. Abangan ang mag susunod na kabanata sa mundo ng ating mga bida. To be continued... abanagan!....  ;)

Above and BeyondWhere stories live. Discover now