Chapter 12 Section 1 - the best and the worst

117 8 4
                                    

ANG PAGIGING ISANG MAGULANG ANG ISA SA PINAKA MASARAP NA PAKIRAMDAM SA BUONG MUNDO. PAGMAMAHAL NA KO KUMPLETO SA BUHAY NG DALAWANG TAONG NAGMAMAHALAN. ANG PAGMAMAHAL NA KAHIT KAILAN AY HINDI MAIBIBIGAY NG KAHIT NA SINO MAN. NGUNIT HINDI LAMANG GALING SA ISANG KADUGO ANG PAGMAMAHAL NA MAARING MAIPARAMDAM NG ISANG MAGULANG SA ISANG ANAK. ANG PAGMAMAHAL AY NASA PUSO. KUNG ITO AY TOTOO, WALANG MAAARI ANG SINO MANG MAGKAILA NITO.

GAYA NA LAMANG NG PAGMAMAHAL NINA MARTIN AT JADE PARA SA KANILANG PANGANAK NA ANAK. HINDI PA MAN ITO LUMALABAS, SUBRA SUBRA NA ANG PAGMAMAHAL PARA DITO. NGUNIT HINDI PA MAN ITO NAIPAPANGANAK, TUTOL NA ANG TADHANA NA MAGKITA ANG MAG - AMA.

Sa nalalapit na panganganak ni Jade, si Martin naman ay naglalayag na pabalik ng Pilipinas kasama ang mga kasama nito sa misyon. Matamis na ngiti ang makikita kay Martin. Ilang bwan din itong nawalay sa kanya ng pamilya at hindi into gusto na mawalay pa sa kanila. Si jade ay nag pa admit na sa ospital kung saan Sya ay malapit ng manganak. Naka upo si jade sa isang rocking chair kung saan nito hinihintay si Martin na dumating ano Lang araw sa linggo na ito. Kasama ni Jade ang kanyang ina. "Jade, anak... mas mabuti siguro kung pina sakay nalang natin ng eroplano si Martin. Sana napabilis ang pag balik nya." Sambit ng ina ni Jade. "Mom, kahit na gaano pa katagal, maghihintay ako para sa taong mahal ko. Babalik na si Martin ma, at hinihintay siya namin ng anak namin." Naka ngiting sambit ni Jade habang hinahaplos ang kanyang anak sa loob ng sinapupunan nito. Hanga ang ina nito sa tatag ng loob na kanyang ipinapakita.

Samantala si Martin naman ay nasa kalagitnaan ng kanyang byahe pauwi ng pilipinas. Naka tingin sa dagat ng may biglang may umakbay sa balikat nito. Ito ay isang matandang lalaki. Isa sa nakaka taas ang rangko sa Navy. Hindi na nito pinayagang magbihay pugay si Martin sakanya. "Kanina pa kita pinagmamasdan, kitang kita ko sa mga ngiti at mata mo ang pananabik." Sambit ng matanda. "Sir,... manganganak na po kasi ngayong linggo ang asawa ko. Masayang masaya ako.... Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong pagmamahal para sa anak ko. Mas lalo kung minahal ang asawa ko dahil sa pagbigay saakin ng anak ko." Sambit ni Martin. Ng kukunin na nito ang litrato ng kanyang asawa at ultrasound copy, ay malayo na ang nilakad ng matanda. Sa Hindi maipaliwanag na dahilan ni Martin, kinilabutan Ito.

Nakalipas ang ilang mga oras, tila biglang sumama ang lagay ng panahon. Biglang umitim ang paligid at lumakas ang alon sa Karagatan. Biglang pumasok si Martin sa loob at agad na inalam ang kalagayan ng panahon. Sa pagdating nya sa captain, hindi Ito pinapasok at hindi rin nila sinasagot ang tanong ni Martin tungkol sa lagay ng panahon sa kalagitnaan ng kanilang paglalayag. Nagtanong tanong si Martin sa mga kasamahan nito. Tila lumalakas na ang alon at yumu yugyug na ang buong barko.
Sa maynila naman kung na saan si jade nasa umpisa na ng kanyang panganganak. Bumababa na ang ulo ng kanyang anak at nagpapasakit na Ito. Handa ng lumabas ang panganay na anak nina Martin at Jade Salcedo.

Ang kapitan ng barko ay gumagawa ng paraan para humingi ng tulong sa Philippine navy na NASA pilipinas ngayon. Ngunit ang kanilang signal ay tumutuloy tuloy ang paghina. Ginagawa nila ang lahat para maiparating sa pilipinas ang kalagayan nila sa karagatan. "Mayday mayday,,,, this is captain Santos, we are less than 1,000 miles away from the Philippines and we are in the middle of a big storm. I repeat we are in the middle of a big storm!! Please send help!" Sambit ng kapitan na kanina lamang ay kausap ni Martin. Hindi umalis si kaptain santos sa radio, Ito ay patuloy na humihingi ng tulong. Hangang sa may sumagot na dito. "Captain santos?" Sambit sa radio. "Help is 5 hours away." Sambit sa radyo. "5hours?!" Galit na sambit ni kapitan santos. "Hindi na kami makakahintay ng Limang oras, kailangan na namin ang tulong ngayon. Tuloy tuloy ang pag buhos ng ulan. At pag magpatuloy ay lulubog Ito, over! Hindi na sumagot ang kausap ni kaptain santos. Tila naputol na ang usapan ng dalawa. "Mayday mayday this is the captain speaking! Hello!" Hello!?" Galit na binagsak ni kapitan santos ang radyo at inanonsyo sa speaker ang nangyayari. Narinig ni Martin ang balita ng kapitan at bigla itong pumunta sa kanilang silid kung saan kinuha nito ang mahahalagang litrato nito. Nagsuot na ng mga life vest ang mga sakay ng barko. Unto unti ng pinasukan ng tubig ang barko at kailangan na itong lisanan kung hindi kasama silang lulubog ng barko.

Naibalita sa tv sa pilipinas ang nangyayari sa kalagitnaan ng dagat kung saan si Jason at Amanda naman ang nakapanood sa social media kung saan sila naghihintay na manganak si jade at sa pagbabalik ni Martin. Nagulat ang mag asawa sa nakita nila. Ngunit wala silang pinag sabihan. Pumasok si Amanda sa loob ng delivery room kung saan handa ng manganak si jade. "Amanda, nanjan na ba si Martin? Lalabas na ang anak namin." Tuwang tuwang sambit ni Jade. Ng hindi man lamang alam ang balitang dala ni Amanda sakanya.

PAANO BA SASABIHIN NI AMANDA AT JASON KAG JADE AT SA PAMILYA NITO ANG BALITANG DUDUROG SA MGA PUSO NILA. SI MARTIN NAMAN AY GINAGAWA ANG LAHAT PARA MAKATULONG SA LAHAT NG KANYANG MGA KASAMA PARA MAKA SAKAY SA MALIIT NA BARKO KUNG SAAN SILA MAGIGING LIGTAS SAKALING LUMUBOG MAN ANG BARKO. LAHAT GAGAWIN NI MARTIN PARA MAKATULONG SA NANGANGAILANGAN. NGUNIT PAANO NAMAN KUNG ITO OA ANG MAGING DAHILAN PARA HINDI NA ITO MAKAUWI PA SA KANYANG MGA MINAMAHAL? ANO ANG GAGAWIN NI JADE? PAANO ITO MAGSISIMULA SA PAGHAHANAP? SAAN ITO MAGSISIMULA MAGHANAP? SINO ANG LALAPITAN AT PAANO MAGSISIMULA? ANG SANA NA PAGBABALIK NI MARTIN BA AY UUWI AA KANYANH PAGKAWALA? TO BE CONTINUED. ABANGAN...

Above and BeyondWhere stories live. Discover now