Hoy Lalake! Bakit Ikaw?!

1.5K 10 0
                                    

Pagkabukas ng pintuan...... halos mawala ang lahat ng lakas ko pero
Napatayo ako bigla at huminga agad ng malalim.



"HOY LALAKE! BAKIT IKAW?"

Tsk. Biglang may nabuong smirk sa labi nya. "Ako kasi ang mahal mo and I am the ONLY one for you."

-------- Intro ---------

Ako si Saika De la Vega. Isa akong estudyante ng dating all boys school. Hindi ako tibo ah! Co-ed na itong school ngayon. Public school itong pinapasukan ko. Hindi naman sa mahirap kami, pero, pumasok ako dito dahil lang sa gusto ko. Dito, para sa akin, ako ay komportable. Pangalan ng school namin ay "World Highschool". Parang pangsusyal noh? Pero public lang yan. Syempre, dating all boys school at public pa, kaya ang in-e-expect ko ay magulo, makalat, at masmaraming lalake kaysa babae ang nag-aaral dito. Haayy... Totoo yung mga in-e-expect ko. Shemay. Makaka-adopt ako sa lugar na toh. ^_^V sa tingin ko. Hehe. Pero kahit public school toh, malaki ang dalawang buildings namin na may tigdalawang palapag. Di nga lang maganda yung design ng school at medyo luma na.



Mayroong rin katabing school ang sa amin. Pangalan naman nito ay "The Great Kingdom School". Ang mga nag-aaral dito, puro mayayaman. Apat na buildings mayroon iyang school na yan at tig-aapat na palapag pa! Kasinglaki ng buong lupa ng school namin ang isang building nila. Isa pa lang yun ah! Ang laki din ng field nito at mayroon pang tatlong gardens. Kada maglalakad ako sa harapan ng school na toh, lagi kong naririnig ang hiyawan ng mga babae at kulitan ng mga lalake. Maganda din ang uniform nila. Kulay dark blue na coat na may logo ng school, white na long-sleeves, at dark blue na miniskirt para sa mga babae at para naman sa mga lalake, mga parehas na pantaas at ang pambaba ay dark blue na pantalon. Ang ganda nga, pero na-a-arte-han ako sa ibang babae dito at nayayabangan naman ako sa ibang mga lalake. Psshhh....



Isang taon na ako nag-aaral dito. Walang nagbago. -___- Kawawa nga ang mga guro eh. Halos mawalan na sila ng boses sa kakasigaw sa mga kaklase kong halos puro lalake. Siguro, sa buong school, out of 1,500 students, ang mga babae ay mga around 200 lang. Kahit ganun, may naging kaibigan naman ako noh! Masungit ako dun sa ibang lalake, kasi ang sisiga. Ayaw sumunod sa rules at laging pasaway. Paulit ulit ko na din silang sinasabihan tungkol sa mga school rules, pero wala silang pake. Talaga naman oh! Tapos, yung iba pa, pinapaglaruan yung mga babae. Nakakaawa yung mga girls. Haaaaaaaaayy.... Pero masgusto ko na toh kesa sa katabing school namin noh!!






Mga kaibigan ko:
1) Kyrie Watsons- mabait sya. Dahil sa bait at ganda nya, maraming nagkakagusto sa kanya. Hindi sya maganda.... SUPER GANDA lang nga! Ewan ko ba kung bakit dito ito nag-aaral. Mayaman naman sila. Kaibigan ko sya since grade 3. 9 years old kami nun. Sabi nya, lagi daw kaming magsasama hanggang sa tumanda kami. Kaya daw sya pumasok sa school na toh nung simula ng highschool kagaya ko. Mahaba ang kanyang maitim na buhok at mataas ang kilay. Black na makintab ang mga mata nya. Nakakaakit yun. Sobrang fair din ang skin nya. Parang model nga eh. Yung mga lalakeng taga-dito at taga-kabilang school, nililigawan sya. Sikat nga tong bestfriend ko eh. Nakakahiya kapag katabi o kasama ko sya. Nagmumukha akong panget. ToT


2) Alexie Mercado- Ito naman, mabait din. Over protective lagi sa amin ni Kyrie. Maganda sana, ang kaso boyish sya. Kung magsalita nga eh, mapapagkamalan mong tibo. =_______=" Di sya girly as in 100%. Pero, kahit ganun, para sakin, girl at heart parin sya. Maiksi buhok nya hanggang kalahti ng leeg. Brown ang buhok. Laging naka poker face pero natawa din naman sya kapag kasama kami ni Kyrie.






Marami din akong kaibigan na iba, pero sa kwento ko nalang ninyo kilalanin. Ako din! Secret ang characteristics ko. Nakakahiya eh. Haha! Kilalanin nyo nalang din ako doon sa story. Depende sanyo kung ano ang traits ko. ^_^

Hoy Lalake! Bakit Ikaw?! [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon