Chapter 31: LTNS Cyrill!

332 6 1
                                    

Linggo na at kailangan pang magsimba. Dumilat ako at bumangon galing sa kama. Masakit pa ng kaunti ang ulo ko. Shemay! Sana naman safe ako hanggang mamaya!!

Pagkatapos ko maligo at magbihis, bumaba na ako ng hagdan.

May naririnig akong nagsasalita. -____- Nagsasalitang mag-isa si Leila?? Joke! Haha! May kausap sa cp nya. Nandun sya sa kusina. Doon sana ako didiretso eh kaso may kausap pa sya kaya hindi muna ako nagpakita. Nagiging chismosa naman na ako kaya pinakinggan ko muna ang usapan nila. Haha!

"K**a C*ri**!! Kailan ** d***t*ing?? **ss n* mi** ka n* ** *te S**ka!!"

Hindi ko masyadong marinig ang usapan nila. Ang hina ng boses ni Leila eh. Tsk. Nakakapikon!!!! >____< Biglang lumabas si Leila galing ng kusina. Tapos na ata syang makipag-usap. Dahil sa curious ako, sinalubong ko ang babaita at nagtanong.

"Leila, sino ang kausap mo?" tanong ko sa kanya.

Mukhang gulat ang mukha nya. "ATE SAI!! K-Kanina k-ka p-pa ba n-nandy-dyan!?"

"Ha? Hindi. Kakababa ko lang."

Napabuntong ang babaita. "Wala ate. Si A-Annnnnnnnnnnnnnee..... lang. H-Hehe." Tapos nagmadali syang umakyat papunta sa kwarto nya.

Hmmmm......

-_______-

May tinatago ang babaeng yun sa akin ah. Heh! Bahala na!

----------------On the way----------------

Papunta na ako sa simbahan. Inaantok nanaman ako ngayon! Walang katapusan na antok ba ang aatake sa akin!? Tsk.

+_______+

Pagkadating ko sa simbahan, may red carpet sa gitnang daanan. May ikinasal ba?? Mukha naman.... Ang kalat pa nga ng mga bulaklak dito eh. Umupo ako sa isang upuan na malayo-layo sa gitna. May feeling ako na parang may tumitingin sa akin. Natatakot na ako!!

Urgh.... Sumasakit nanaman ang ulo ko. Ano ba ang mayroon??

"Saika...."

"AY KALABAW!!" Bigla akong napatakip sa bibig. NAKAKAGULAT NAMAN KASI SYA EH!!

"Kalabaw nanaman??"

"Tsk. Nangugulat ka kasi!"

Si Suyabit! ANUBAYAN!!!

----------------After the Mass----------------

"Gusto mong magperya ulit?" Nagtanong si suyabit. Gusto ko sana..... Eh kaso..... Baka tuluyan na akong mahimatay sa gitna ng kasiyahan ko. Tsk. T____T Ang malas ko naman!!

"Ummm........ Ayoko."

"Bakit?" Ano bang pake nya?!

"Basta!" Yan nalang ang sagot ko. Matipid pa.

"Ihatid na kita sa inyo." Yaya nya.

"Sig-"

-------------------

Huh? Anong nangyari? Ang bigat ng mga mata ko. Ang hirap buksan. Kahit ganun, pinilit kong buksan ang mga mata ko. Medyo bumukas naman. May nararamdaman ako, malambot sa likod ko. Ang nakikita ko naman sa harapan ko, maliwanag. LANGIT NA BA TOH?! NAKU PO!!! Ang dami-dami ko pa pong gagaw-

"ATE SAIIII!!!!" Biglang sumikip yung paligid ko.

"L-Leila? Nasaan ako?" Niyakap pala ako ni Lei.

"Syempre nasa kama mo! Tinakot mo ako, Ate! May surprise pa naman sana ako para sa'yo at excited na excited me! Nabigla ako nung dinala ka dito ni Kuya Jayro." Paliwanag ni Leila.

Hoy Lalake! Bakit Ikaw?! [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon