Lunch...
+_______+ Nahihilo na ako. Si Jayro may kasalanan eh. Haha! Siya lagi kong sinisisi noh? Nakakainis na talaga siya.
Oo, may trabaho ako. Kahit di pa ako 18 years old, nagtatrabaho na me. Kailangan eh. Kasi kulang yung binibigay na sweldo kay mommy sa trabaho. Sa isang restaurant ng tita ko ako nagtatrabaho. Waitress. Ngayong alam na yun ni Jayro, nakakahiya na! Shemay. Mamaya, didiretso ako dun sa resto. Alam naman ni Hero na may trabaho ako ngayon kaya di na sya maghihintay.
"Haaaaaayyyy....." Ang lalim ng buntong ni Lex.
"Bakit?" Ano ba nanaman problema nito?
"Si Tony kasi. Yinayaya siyang maging partner." Ha?! Totoo ba itong sinasabi ni Kyrie?!
"Talaga?!"
"Oo." Haha!!! Hindi nagsasalita si Lex ah.
"Baliw nga yun eh. Sabi nya tomboy ako, pero ngayon, ako ang pinipili nyang partner. Baliw siya." Naiinis na tong si Lex. Pero mukhang kinikilig. Haha!!
"Oo nga. Nakakagulat din." Sooooobbbrrraaaang agree ako!
Ano ba ang iniisip ni Tony? Baka mamaya, niloloko nya lang itong bestfriend ko. -_______- Humanda yun sakin.
-------------------Tony POV-------------------
Heh. Bigla biglang napapangisi ako na wala sa oras dahil dun sa tomboy na yun. Sa totoo lang, para sa akin, siya yung pinakamagandang babae dito sa school. Ewan ko ba kung bakit siya nag-aasal lalake. May ibang babaeng nagkakagusto sa akin at sinasabi nilang pogi daw ako. Kaya nagkaroon ako ng lakas na loob na mapansin nung tomboy na yun. Siguro naman mababago ko ang ugali nya. Kebabaeng tao, asal lalake. Maturuan nga ng leksyon yun. Ilang beses na nga akong nagpapapansin, di nya parin nakikita ang kapogian ko. Hay. Buti nalang naging katabi ko siya.
Tapos na ang Lunch time....
Nandito na siya! Kailangan magkunyari akong galit sa kanya. Hindi ko muna sya iniintindi.
Umupo na siya sa upuan niya. Maingay nanaman ang classroom.
Magbilang kaya ako noh?
.
.
.
1
.
.
.
2
.
.
.
.
3
"HINAAN NYO NGA ANG MGA BOSES NYO!!!" Haha! Sabi na nga ba eh. Sisigaw ulit si Alex.
"Hoy! Ang sakit ng tenga ko! Hinaan mo naman yang pagsigaw mo!" Inasar ko sya.
"Tsk. Sige nga!! Sumigaw ka ng mahina!" Edi sisigaw ako!
"MAHINA!!" Sabi nya sumigaw daw ng mahina. Haha!!
"PILOSOPO KA TALAGA!!"
Tawa lang ako ng tawa. "Hahahahaha!!!"
"CORNY MO!! DI KA NAKAKATAWA!!" Biglang sumipa siya. "Wag ka na nga! Binabadtrip mo ako!"
"Ikaw may kasalanan eh." Sinisi ko pa talaga siya noh? Haha! Ang saya talaga!
"PANGISI NGISI KA PA DYAN!!" Mukhang inis na inis na sya.
"Tsk." Tumahimik nalang ako. Baka mamaya kung ano pa ang gawin nito sakin.
--------------------Saika POV----------------------
BINABASA MO ANG
Hoy Lalake! Bakit Ikaw?! [FIN]
Teen Fiction"HOY LALAKE!! BAKIT IKAW?!" Tsk. Biglang may nabuong smirk sa labi nya. "Ako kasi ang mahal mo and I am the ONLY ONE for you." --------- Isang babaeng estudyante ang pumasok sa dating "All boys" school. Ngayon, naging co-ed na. Siya ay si Saik...