Isang hallway sa school....
"Oh? Ano?! Lalaban ka pa ha?!" -sabi... ay este sigaw ko pala kay Clark. Ayaw kasi umawat kanina sa bugbugan nila ni Hero.
"Hoy! Babae! Akala mo kung sino ka kung makasalita ah!!" Isa pa nyang sagot sa akin.
"Ano sabi mo?! ABA! Talaga lang ah! Hindi porket babae ako, di ako marunong lumaban!"
"Talaga?! Ayaw mo pa talaga magpatalo ah!"
"Talaga!!"
"MAHINHIN LANG KAYONG MGA BAB-"
*BUGSH*
Sinuntok ko sya ng malakas sa panga nya! Ang ingay eh! Ang aga aga, gumagawa na agad ng gulo!!!!!! >o< BWISIT!! KAIRITA!! Kahit kailan talaga tong lalaking toh!
"SINONG MAHINHIN?!!! BAWIIN MO YANG SINABI MO!" Rinig na rinig na ata ako sa buong hall. Padami ng padami ang mga tsismoso dito! =_______= Gusto ba nila ng sapak?? Baka gusto nilang maramdaman ang kalakasan ko! Cha! Pagbibigyan ko sila! Ang chichismoso kasi!! >____<
"Nakakahiya ka! Babae ka ba talaga o lalake?! Kung makasapak ka, akala mo masmalaki ka kesa sakin!" Aba aba aba!!! Ayaw pa talagang magpaawat nito ni Mr. Laki! Tumba na nga sya dahil sa lakas ng suntok ko eh! Talunan kasi sya!
"Wala akong pake kung masmalaki ka noh...!" Sinabi ko yan sa mahinhin na tono. Haha! Akala mo di ko kayang manapak sa ganyang klase ng tono eh.
*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnggggg!!!!
Aray! Ang sakit sa tenga!!!! Sino pa ba yung sumisiga-
.
.
.
.
Ngek! Bell lang pala. Hehe. ^_^V peash...
--------------------0___0--------------------
Sa classroom....
Grabe! Ang ingay naman dito! Walang teacher kaya mas maingay sila ngayon. Hhaaaayy.....
Nga pala, kaya kami nagsapakan ni Clark kasi si Hero, yung kababata kong nerd na super bait, inaapi nanaman. Masmaliit na nga si Hero eh, pinapatulan parin nya. Nerd si Hero in a nice way. Kababata ko yun. Instead na ako ang ipinapagtanggol ni Hero, ako ang nagtatanggol sa kanya. Haha! Ayos na sakin yun! ^___^ Para alam ng lahat na di ako mahina at mahinhin na parang yung ibang babae dyan noh! Ayoko din ng may natulong sakin. Feeling ko, useless at ang helpless ko.
"Bes, ang lalim ng iniisip mo?"
Huh? Sino yun? Pagtingala ko dahil nakayuko akong nakaupo, nakita ko yung mukha ni Kyrie.
"K-Kyrie! Ikaw pala!"- sabi ko na parang kakagising lang. ^_^7
"Ay hindi hindi. Hindi ako si Kyrie." Pilosopong sagot nya! =.=
"Namimilosopo ka pa!"
"Huh? Ba't ang sungit mo?" Ay! Oo nga pala, wala sya kanina nung nagrarambulan kami ni Clark. May inutos daw sa kanya yung isang teacher eh. Magkasama sila ni Alexie.
"......." Di ako nakaimik. Ano ba ang isasagot ko?? Gagawa ba ako ng kwento o sasabihin ko ang totoo??
"Narinig ko na sinuntok mo si Clark?! Totoo ba yun?!" Patay! Anong sasagutin ko sa tanong nya? Saan din nya narinig yun?!
"Umm.... ^_^7 hehe..." Di ko maamin ng diretso.
"Grabe ka talaga, Saika. Ipinagtatanggol mo nanaman si Hero, noh?"
BINABASA MO ANG
Hoy Lalake! Bakit Ikaw?! [FIN]
Teen Fiction"HOY LALAKE!! BAKIT IKAW?!" Tsk. Biglang may nabuong smirk sa labi nya. "Ako kasi ang mahal mo and I am the ONLY ONE for you." --------- Isang babaeng estudyante ang pumasok sa dating "All boys" school. Ngayon, naging co-ed na. Siya ay si Saik...