*Bugsh!!
.
.
.
.
"Araaaaay!" Reklamo ko sa nakabangga sakin.
Tiningnan nya lang ako habang nakaupo ako sa lapag na para bang wala syang kasalanan!
"Hindi mo ba ako tutulungan?!"
"Hindi." Aba! Sumagot naman agad!
"Ano sabi mo?!"
"Wala po, Ms. Matapang." Abaaaaa!!!! Ang bastos nitong lalakeng toh ah!
"Gusto mo ba ng away hah?!" Tumayo ako bigla at nakabilog na ang kamay ko.
"Ikaw ang may kasalanan nyan. Hindi ako. Di ka nakatingin sa daan eh." TALAGA?! Sya nga yung nakatingin sa bintana ng hallway eh!
"ABA! Ako pa talaga?!"
"Bes, halika na." Sinabi yan ng mahina sa akin ni Kyrie habang inaawat nya yung braso ko na manapak.
Hindi ko pinansin si Kyrie. Nakaharap parin ako dito sa Mr. Sungit na ito!
"Umalis ka na dito. Baka magkagulo pa eh." Sabi ni Mr. Sungit.
"ABA ABA ABA!!! SUMOSOBRA KA NA AH!"
"Bes, tumigil ka na!" Nagulat ako kay Kyrie. Parang natatakot na ewan.
"Hoy, lalake! Hindi ikaw ang hari ng daan para manisi ng kung sinu-sino!" Dahil sa galit ko, nagwalk-out nalang ako. Natatakot ko na kasi ata si Kyrie.
"Talaga?" Yan ang huling narinig ko doon sa lalakeng yun.
Hinihila ko si Kyrie papunta sa garden.
.
.
.
.
.
"NAKU! Ang dami dami talagang mga siga dito!" Gigil na gigil kong pagsabi.
"A-aray!" Naku! Nasaktan ko na ata si Kyrie sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa kanya. Binitawan ko na sya.
"HALA! Sorry, Kyrie!!! Hindi ko sinasadya!"
"Alam ko yan. Hehe." Nakangiti sya. Ang bait talaga nito! "Sigurado akong di mo kilala yung lalaking yun noh?"
"Ha?" Anong sinasabi ni Kyrie? "Bakit? Sikat ba yun?"
"Haaaaaaayy.... Ikaw talaga. Behind the times ka lagi."
"Sorry naman. Sino ba sya?"
"Siya yung pinakasikat na lalaki dito sa school natin. Maraming babae ang kinikilig sa kanya." Paliwanag ni Kyrie.
"Ha? Marami? Pinakasikat? -__- Bakit di ko sya kilala?"
"Eh wala ka namang interes sa kahit sinong lalaki eh."
"Ok...." Totoo naman... ^_^V
"Ang alam ko, lagi nya binubusted ang mga babaeng nagcoconfess ng feelings nila para sa kanya."
"Ha?! Eh suplado pala yung lalaking yun eh!" Kaya naman paaalllaaa!!!!! Nakakainis na yang lalaking yan! >______<
"Manhid pa. Pero.....-"
Sumabat ako bigla. "Pero pogi? Alam ko naman yang mga lines mong yan, Kyrie."
" O///////O P-paano mo n-nalaman?!" Duh? Nagtaka pa itong bes ko. Namumula na nga oh.
BINABASA MO ANG
Hoy Lalake! Bakit Ikaw?! [FIN]
Teen Fiction"HOY LALAKE!! BAKIT IKAW?!" Tsk. Biglang may nabuong smirk sa labi nya. "Ako kasi ang mahal mo and I am the ONLY ONE for you." --------- Isang babaeng estudyante ang pumasok sa dating "All boys" school. Ngayon, naging co-ed na. Siya ay si Saik...