Kabanata 1

12.7K 311 46
                                    

"ANO ba!" Angil ni Selry dahil sa marahas na pagyugyog sa kanyang balikat. Nakasisilaw na liwanag ang bumungad sa kanya nang magmulat ng mga mata. The direct light from the sun stung her sleepy eyes. Malutong na mura ang napakawalan niya. Sigurado siyang bago matulog ay itinabing niya ang makapal na kurtina sa bintana. Kaya naman ipinagtaka niya kung bakit nakahawi iyon.

Isang tao lang ang may ganoong istilo para gisingin siya.

Sebastian!

Napabangon siya dala nang inis. Napamura siyang muli dahil sa pagkahilo sa biglaang paggalaw. She steady herself before looking for the annoying culprit.

Natagpuan niya ang kapatid na prenteng nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Sinamaan niya ito ng tingin. Nakakalokong ngiti lang ang ibinalik nito sa kanya.

Halos dalawang oras lang ata ang naipahinga niya mula nang dumating galing trabaho. Isa siyang call center agent at kagabi ang kanyang huling render shift. Napapadalas na ang pagkakasakit niya. A warning plea of her body to stop staying up late. Kaya naman nang pinapili siya nang doctor kung tutuloy pa ba siya o palalalain ang health issues ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.

Nag-resign na siya sa trabaho.

Apat na taon din ang itinagal niya sa BPO Industry at makailang ulit din siyang nagpalipat-lipat nang kumpanyang pinasukan. Sa pinakahuli siya nagtagal nang halos isa't kalahating taon.

And so from today onwards, she was officially unemployed.

She would look for another job later related to her degree. Minsan nga ay nagsisisi siya kung bakit hindi siya nagtiyaga sa pag-a-apply sa human resources related field. Kung bakit nagpadala siya sa pressure nang pagkakaroon ng trabaho pagkatapos nang kanyang graduation.

Ngayon, sa edad na dalawampu't-anim, pakiramdam niya ay wala pa siyang masasabing achievement.

Isama pa ang unsatisfaction sa tila walang katuturang pagtatrabaho sa nakalipas na mga taon. Bagamat naroon nga ang kasiyahang taglay ng sahod dalawang beses kada buwan, pagbili ng mga luho niya at ang pagkakaroon ng ipon na ewan ba niya kung sapat nga ba.

Still, deep inside her, she longed for something. A something that would fill the inexplicable void in her life. Iyong hindi kayang mapunan ng mga materyal na bagay na saglit lang ang kasiyahang hatid.

Napapaisip siya kung sakaling hindi siya nagloko at nagpadala sa mga kahinaan niya noon, magiging masaya kaya siya ngayon?

A long-forgotten feeling swept through her that made her sulk.

Regrets.

Marami siyang pinalampas na pagkakataon dahil doon. Masyado siyang nagpaka-stuck sa nakaraan at nagising na lang isang araw na hindi na rin niya maunawaan ang kanyang sarili.

She was living and breathing but felt dead inside.

"Tulala ka na naman." Pukaw ni Sebastian sa kanyang naglalakbay na diwa. Nawaglit na sa kanyang isipan na naroon pa ito sa tabi niya.

"Problema mo?" Pataray na tanong niya sa kapatid. Napabusangot pa siya habang kinakatay ito sa kanyang isipan.

Oh, me and my murderous thoughts!

"Iyang kapangitan mo." Anito na sinundan ng tawang may himig pang-aasar na ikinainit na ng ulo nya. Talk about shit! Alam nitong puyat siya at pag puyat siya ay mabilis siyang mairita. Ibinato niya ang unan dito na nailagan nito.

"Baboy!" Lait niya na pabagsak na ihiniga ang katawan sa kama. Walang katuturan kung papatulan niya ito. Nais na lamang niyang ipagpatuloy ang naudlot na tulog.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon