Kabanata 21

3.4K 158 20
                                    

NAKATAYO si Selry sa isang may kadilimang pasilyo. Mula sa kinatatayuan niya ay naaaninag niya ang mangilan-ngilang liwanag mula sa ilang nakabukas na pinto. Sa unang tingin ay parang normal na pasilyo lamang iyon.

But, it was not.

Pakiramdam niya ay para siyang nakalutang kahit pa nakaapak naman siya sa sahig. Like she was upside down but she was not. There was also an eerie feeling in the place that sent chills down her spine. There were shadowy movements above her, like smoke gliding with the air. The place looked hollow and lifeless. The light coming from the open doors looked dull.

Akmang hahakbang na siya nang may narinig na nagsalita sa likod niya.

"Huwag mong ituloy." Anang boses na bumulong malapit sa tenga nya. Napasigaw siya sa gulat pero walang lumabas na tunog. Her heartbeat raced like she had ran a mile. Natulos siya sa kanyang kinatatayuan.

Ano bang nangyayari sa akin? Nasaan ako?

She almost fainted when a shadowy mist formed slowly in front of her. She wanted to move, run away and find a safe place to hide. But, felt like a helpless baby when she could not even move her pinky finger.

The shadowy mist slowly materialized to a figure of an old woman. Nanlaki ang mga mata niya nang malaman ang pagkakakilanlan nito. Those crystal brown eyes she never get tired of looking at.

"Lo-lola?" Ang nahihirapang sambit niya. The old woman smiled at her.

The old woman in front of her was her father's deceased mother. She was dead for nineteen years now.

"Mabuti at nakilala mo ako, apo. Nakakatampo na hindi mo man lang ako nakilala kanina." Anito na hinaplos ang pisngi niya. Her hand felt chilly cold, no longer the warm one she used to remember.

"Sorry po, La." Ang hindi na nahihirapang bigkas niya. Umiling-iling ito na humulagpos ang palad sa pisngi niya.

"Isang galaw mula sa'yo ay tuluyan mo ng iiwan ang mundo ng mga buhay." Her grandmother said in scolding tone. Nanindig ang balahibo niya sa sinabi nito.

"Nasaan po ba ako, Lola?" Tanong niya nang makahuma sa pagkatakot. Bagamat nanginginig ang tuhod niya kahit hindi makagalaw.

"Sa lugar na hindi mo muna dapat malaman." Anito sa kanya. Nakita niyang tumuro ito sa itaas. Siya naman ay napatingala sa ceiling with shadowy mist flowing on it. "Iyan ang daan patungong purgatoryo."

"Lola naman!" Ang natakot na wika niya na itinuon na muli ang mga mata dito.

"May hindi natutuwa sa iyong ginagawa. Ngunit, wala siyang magawa para hatakin ka palayo sa lugar na ito. Hindi niya kayang pasukin ang mundong ito para sa iyo." Salaysay nito na ikinapagtaka niya.

"Sinong nilalang, Lola? At ang mundong ito?" She inquired. Nakita niya ang pag-iling nito sa kanya.

"Hindi importanteng malaman mo pa. May mga bagay sa nakaraan na kailanman ay hindi na marapat na ayusin. Ngunit, sadyang may isang hindi pa kayang bitawan ang mga pagkakamali at panghihinayang nito."

"Hindi ko po maintindihan, Lola."

"Apo, mali na baguhin mo ang nakaraan para sa kanya. Ngunit, nagawa mo na. Sa ginawa mo ay inilayo mo ang sarili sa iyong tadhana. Tuluyan mo na ring nabago ang kaganapan sa sariling buhay mo. Binura mo ang mahahalagang alaala." Anito na itinuro ang kanyang puso.

"Kung hindi ko po gagawin, hindi ako makakabalik." Ang katwiran niya as her thoughts traveled back to the days she was in at Cecilia's time.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon