Kabanata 32

4.5K 136 105
                                    

A year and a half after...

"FIVE, four, three, two, one!" Ang sabay-sabay na sigaw ng buong clan ng Quinto sa pagsalubong sa bagong taon,"Happy New Year!"

Napagkasunduan sa Facebook ng Mama niya at mga kapatid nito na magkaroon ng reunion for Christmas and New Year. Hindi natuloy ang dapat sana ay reunion ng mga ito last year, dahil sa aksidente na ikina-coma niya ng apat na buwan. Bentahe naman sa mga taga-America at Canada dahil holidays at nakapag-file ng leave ang iba sa pinsan nila na hindi nakarating last year.

Ang resulta ay jam-packed ang ancestral house ng mga Quinto. Mabuti na lang at nagsipag-contribute ang magkakapatid para makapagpatayo ng guest house para sa mga taga-America at Canada sa malawak na compound ng Quinto. For the future vacations ng magkakapatid at mga susunod na henerasyon.

Ang kinaroroonan nilang rooftop ay and third-floor ng nasabing guest house. Tanaw nila mula roon ang magarbong fireworks display mula sa plaza ng Santa Cruz na isa sa pakulo ng nanalong mayor ng bayan.

"I hope I'll make it to Brown! I really wanted to study there!" Sigaw ni Sabina na isa sa naloko ni Andrea patungkol sa New Year wishes na isinisigaw tuwing midnight of New Year's Eve.

"I wish for an amazing year ahead!" Ang may piyok na sigaw naman ni Krissa na ikinatawa nilang mga nakarinig.

"Ikaw Selry?" Ang narinig niyang tanong ni Andrea na inabutan siya ng beer-in-can. Ang dala nitong grilled pork kilawin ang naging pulutan nila habang pinapanood ang makukulay na fireworks display sa langit. Noong una ay hindi siya makapaniwala na family recipe ng mga Quinto iyon. Hindi na lang siya nag-comment sa napakaliit na bagay.

"Anong ako?" Balik-tanong niya dito. Nakaramdam siya ng pagsiko sa tagiliran niya saka nakarinig ng nanunuksong ehem dito. Lihim na napangiti na lang siya.

"So, kinalimutan mo na talaga si Doc. Arevalo?" Anito na sinundan pa ng exaggerated na pagtikhim.

Doctor Arevalo was the guy who she vaguely remembered talking to her from her brief wake moments. Tatlong beses lang na na-tiyempuhan nito ang saglit na paggising niya. The third and last was when she was out of the ICU at nakaringgan niyang may kausap sa phone.

Nagising si Selry mula sa mahimbing na pagkakatulog nang mauliningan niyang may nagsasalita. The same baritone voice she remembered back in ICU. He was speaking in Spanish and got her curious with the word 'esta vez' and 'si Mama.' She vaguely remembered his face. Basta ang alam niya ay out-grown clean cut ang itim na buhok nito, katamtaman ang kapal ng kilay at dark brown na kulay ng mga mata. He was in a mask when he faced her, much to her annoyance. He was clad in his immaculately white coat, a stethoscope hanging on his neck at may hawak na blue file binder folder.

He remained a mystery even when she was recovering from the same hospital. She never saw him again, ever.

She learned later from Andrea that he was Doctor Theodore Charles Arevalo, an intern taking his residency training. Hindi na niya inusisa pa kung paanong nalaman iyon ni Andrea. Ayaw na rin niyang pag-aksayahan pa ng panahon na matunton ang lalaking iyon. It was enough for her to know his name.

"Ano na, Selry? Nawala ka na naman." Ang pukaw ni Andrea sa atensiyon niya, "Don't tell me hindi mo talaga siya i-ni-stalk sa Facebook ever, cous." Sunod na wika nito na nakita niya sa peripheral vision niya na nagtitipa sa phone nito. Mahinang napatawa siya nang sunod na winika nito, "Ang bagal mo kasi, Selry. May girlfriend na pala si Doc. Arevalo. In fairness ha, maganda iyong babae. Maganda ang hinaharap. Ganito pala bet ni Doc."

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon