Kabanata 13

3.6K 172 68
                                    

NAKANGITI ang Don nang magpaalam na ito na tutungo sa trabaho. Ginawaran niya ng halik sa pisngi ang Don at pinaalalahan ito na mag-ingat. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Francisco nang balingan niya ito.

"Maaari bang malaman kung anong minatamis ang nakain ng aming prinsesa?" Biro nito sa kanya. "Epekto ba ito ng pagkakaroon ng nobyo?" Hirit pa nito. Sinamaan lang niya ito ng tingin na ikinatawa nito.

Hindi pa nagsi-sink-in sa utak niya na boyfriend nga niya si Carlos. Ni hindi nga sila dumaan sa proseso ng matinong panliligaw. Biglaan ang lahat sa pagitan nilang dalawa.

Aaminin niyang parang nagamit niya ang pangyayari sa burol para tuluyang hindi na magkaroon ng ugnayan kay Rafael.

I wonder how he is.

Hindi na nabanggit pa si Rafael matapos ang sudden kasunduan. Hindi na rin ito nakikita sa Santa Cruz. Ang huling balita niya mula kay Francisco ay nagtungo ito ng Maynila. That was a day after the incident sa burol.

Pakiramdam nga niya ay tila siya nabunutan ng tinik. She could sense a tranquil days ahead without Rafael around. Alam niyang mabait naman ito kahit na maloko. It was just that, he felt him like a threat for some reason.

Something that she wanted to get rid of as soon as possible.

"Kumusta ang pakiramdam na nobyo mo ang makisig kong matalik na kaibigan, Cecilia?" Ang tudyo ni Francisco na halatang ayaw siyang tigilan. Papanhik na silang tatlo kasama si Doña Consuelo na parang natutuwa pa sa ginagawa ng pangalawang anak.

"Tigilan mo na ako, Kuya!" Aniya na binilisan ang pagpanaog sa hagdan. Ang nakakairitang halakhak nito ang pumailanlang sa paligid.

Mas makulit ka pa kay Sebastian, Francisco! Ay nako!

NASA kalagitnaan ng paghila sa baul si Selry nang makarinig ng tatlong katok sa pinto. Napatingin siya roon at nakita si Estrella. There was that pleasant smile plastered on her face.

"Ano ang dahilan ng ngiting iyan Estrella?" Tanong niya na lalong ikinangiti nito. Binitawan niya ang handle ng baul, pinagpag sa tapis ang mga palad bago tumayo. Mamaya na niya aatupagin iyon.

"Nasa sala po si Ginoong Carlos at kasalukuyang kausap ng inyong Mama." Inporma nito.

"Bakit daw?" Tanong niya na itinuon muli ang paningin sa baul. Isang dipa ang laki niyon at kulay mahogany ang barnis. May namuo nang alikabok sa ibabaw tanda na matagal na pagkakatago sa ilalim ng canopy bed. May kabigatan rin kaya nahirapan siyang hilain. Kalahati pa lang ng katawan nito ang nailabas niya. Nito na lamang niya iyon naalala dahil sa mga pangyayaring naganap nang nakaraang mga araw.

"Hindi ko po nalaman ang kanyang pakay, Señorita. Kaya't marapat na kayo po ay magpakita na sa kanya." Sagot nito sa kanya. Hindi na siya nag-abalang lingunin ito. Ramdam niya ang excitement nito. She rolled her eyes. Wala siya sa mood na sabayan ang kilig nito.

"Mamaya na, Estrella. Ipapatawag naman ako ni Mama kung sakali." Aniya na ibinalik ang atensyon dito. Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito.

"Hindi po ba kayo kinikilig, Señorita? Maaaring ipinagpapaalam na kayo ni Ginoong Carlos para makasamang lumabas."

Hindi siya nakaimik. Hindi niya rin alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Biglaan ang lahat ng nangyari at alam niyang siya ang nagsimula niyon.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon