Kabanata 11

3.9K 246 63
                                    

PILIT na kinalma ni Selry ang pagririgodon ng kanyang puso. Pakiramdam nga niya ay kakapusin na siya ng hininga nang dahil doon. She even felt like throwing up due to nervousness.

Shet!

"Pwe-pwede po bang magtungo ako sa palikuran, Mama. Sumasakit po ang aking tiyan." Aniya sa Doña na naka-angkla ang braso sa braso niya. Kasalukuyan silang nasa pasilyo patungo sa silid-aklatan na nagsisilbi ring opisina ng Don. Doon pag-uusapan ng magkabilang panig ang lahat patungkol sa kasunduan.

"Ikaw ay kinakabahan." Wika nito na ikinatango niya. Hinagilap nito ang kamay niya at hinawakan iyon. "Mabuti pa at magtungo ka na muna roon. Hihintayin na lang kita rito, anak ko." Anito na nakakaintinding nginitian siya bago pinakawalan.

"Salamat po." Aniya na mabilis ang mga hakbang na tinalunton ang direksyon ng palikuran.

Napasandal siya sa pinto ng palikuran nang makapasok siya roon. Nanlalambot ang mga tuhod niya.

Kung tumakas na lang kaya ako? Tumakas din naman si Corazon. Pero, papaano ang pamilya ni Cecilia? Malaking gulo 'to! Kahit papaano ay naging mabuti sila sa akin, hindi ko kayang saktan sila. Hindi naman ako masama. Kahit may pagka-bitch ako paminsan-minsan.

She sighed.

Kung tatakas naman ako, saan ako pupunta? Ni hindi ko nga alam paano makakapunta ng Maynila. Baka mas lalong hindi na ako makauwi sa totoong panahon ko. That would be sick! Kahit nagugustuhan ko na dito, hindi pa rin ito ang mundo ko.

Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha.

Oh, Cecilia! You're breaking my heart! Haha! Idadaan ko na lang ba 'tong frustration sa kanta? Para nga yata kay Cecilia ang kanta na iyon. Swak na swak!

Natagpuan na lang niya ang sariling natatawa at naiiling. She had been singing the song in her head. It however, surprisingly, calmed her disarrayed thoughts and emotions.

"Sinabi niya sa akin na hindi ko na mauulit pa ang pagkakamali niya. Siguro nga ay tama siya." She said aloud na para bang assurance niya iyon sa sarili.

She did her toilet time at hinamig ang sarili. She took a deep breathe bago pinihit ang seradura palabas ng palikuran.

I've decided. Haharapin ko ito, come what may. Bahala na!

"Umayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Doña Consuelo sa kanya nang salubungin siya nito sa pasilyo.

Sinserong nakangiti siyang tumango nang makalapit na rito. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagsipat nito sa kabuuan niya. Nagtagal sa mukha niya ang paningin nito. Ang init ng mga palad nito na dumampi sa pisngi niya ang nakakuha sa kanyang atensiyon.

"Ikinalulungkot kong humantong din sa kasunduan ang buhay pag-ibig mo, anak ko." Wika nito na lumamlam ang mga mata. "Ilang taon ka naming iningatan ng iyong ama. Ikinagalak ang pagkailap mo sa mga tao. Pagkat dahil doon kaya nasa piling ka pa rin namin hanggang ngayon. Hindi namin pinansin ang ilang kasunduang inilatag sa amin para sa kamay mo, mula nang humusto na ang iyong gulang."

What! Ganoon kalaya si Cecilia?

"Hinintay kong dumating ang pagkakataon na ikaw mismo ang pipili sa taong mamahalin mo. Ngunit, sadya nga yatang kapalaran mo rin ang ipagkasundo." Doña Consuelo said letting out a sigh.

Si Don Fernando ang may kagagawan nito, Doña Consuelo. Hindi ito destiny! Hinde! Inipit kami, este si Cecilia at Carlos for this! Masyado siyang OA sa nakita niya sa burol! Dios ko itey! Thank God at iba na ang Pinas ng 2017. Dahil kung hindi, tatakas ako! Madatung na ko roon!

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon