Kabanata 20

3.4K 165 47
                                    

NAKATULALA si Selry sa mga papel na nasa harapan niya. Kasalukuyan siyang nasa silid ni Cecilia at isinusulat ang mga pangyayaring nasaksihan niya. Connecting everything to the woman she was living the life in the past.

Si Rafael at ang babaeng tila pamilyar sa kanya pero hindi niya mapagsino. She sort of have a hunch but wanted to meet the woman first for proof. There was also Carlos who was falling in love with her or rather, Cecilia.

Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Thoughts of the scene between her flashed in her mind when he sort of confessed. Kung confession nga ba talaga iyon o pagpapaalam lang ng pagbabago ng damdamin nito.

Hindi na nakapagprotesta si Selry nang hilain siya ni Carlos pabalik sa pag-upo. Nais niyang matuwa dahil sa kaalamang nagkakagusto na ito at tila unti-unti ng nabubura ang pagmamahal na mayroon ito kay Beatriz. But, nasaktan din siya dahil sa katotohanang hindi siya bilang si Selry ang pinatutunguhan ng damdamin nito kundi si Cecilia.

"Hindi ko inaatim na malaman ang kasagutan mo sa ngayon, Cecilia. Handa akong maghintay. Ngunit, nais ko sanang malaman kung papayag ka na ikaw ay aking ligawan." Ang winika ni Carlos na pumukaw sa mga agam-agam niya sa sarili.

"Pero, kasintahan mo na ako. Kaya hindi mo na ako kailangang ligawan pa, Carlos." Aniya trying her best to calm her own heart na tila tinutusok ng maliit na karayom.

"Ngunit, nais kong maranasan mo kung paano ligawan. Hindi ba't gusto mo iyon at nasabi mong nais mo ring magpakipot." Ang wika nito in a teasing way when he said the latter part.

Ang kaninang tila tinutusok ng karayom na puso niya ay tila pinipiga na ngayon. Napagtanto niyang seryoso na nga talaga si Carlos. Na sureball na ang nararamdaman nito. He was willing to go through the process.

At mukhang wala na talagang makakapigil sa lalaking nasa tabi niya. Tigas bungo din ito na ipilit ituloy ang kasal nito at ni Cecilia.

She sighed.

Tumingin siya sa maaliwalas na mukha nito. She felt another pang of pain in her chest. Ilang minuto rin niyang ginawa iyon habang pinag-iisipan ang lahat.

"Kung nais mong pangatawanan ang pagkakagusto mo sa akin. Hahayaan kitang ligawan mo ako." She said when she decided.

Para kay Cecilia.

She decided to make Carlos fall deeply in love to Cecilia. That was for the best. Siguro naman, pagdating ng panahon na mawala na siya at bumalik sa totoong mundo niya, matututunang mahalin ni Cecilia si Carlos.

Sa ngayon, hahayaan na lang muna niya ang sariling masaktan. It was all for Cecilia. Pero sino ba ang niloloko niya?

Napatawa siya ng pagak. Niloloko ko ang sarili ko kung sasabihin kong di ako affected. Kasi affected na rin ako kay Carlos. Pero, kailangan ito para matapos na ang lahat at makauwi na ako. Sana lang magka-amnesia ako pagbalik ko. Para hindi ko na maalala pa ang lahat.

She sighed.

Her thoughts went to Rafael. She completely took him out of Cecilia's path. Her wrong move. Kung sana ay nalaman niya noon pa man na first love ito ni Cecilia. Perhaps, she would have stayed and endured. Kahit na hindi niya gusto ang ugali ng lalaki. Unang beses pa lang na nakita niya ito ay naalibadbaran na siya dito. He was someone she bet would fill buckets of tears and inflict unending pain, so she hated him.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon