Kabanata 2

8.4K 252 41
                                    

PATAK sa noo ang nakapagpamulat ng kanyang mga mata. Mga sanga at dahon ng mangga ang kanyang nasilayan. Napakunot-noo siya at napabangon. Naramdaman niya ang pag-agos ng likido sa noo na lumandas sa gilid ng kanyang ilong. Ganoon na lamang ang pagkalukot ng kanyang mukha nang umalingasaw ang hindi kanais-nais na amoy.

Ipot!

Dagli niyang pinahid iyon gamit ang palad at basta na lamang ipinunas sa damuhan. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Napapalibutan siya ng malawak na palayan. Nasa taas siya ng isang burol kung saan may nakatanim na puno ng mangga. Natuwa siya nang matanaw ang ilog na ilang dipa lang sa kinalalagyan. Agaran siyang tumayo at halos takbuhin iyon para makapaghilamos at mahugasan ang kamay.

Nang matapos ay napatayo na siyang muli para ilibot ang paningin sa paligid. Umihip ang malakas na hangin. Naramdaman niya ang pagtangay niyon sa kanyang buhok habang ang ilang hibla naman ay sumabog sa kanyang mukha.

"Cecilia!" ang narinig niyang tawag na ikinalingon niya. Hindi maintindihan kung bakit pamilyar sa kanya ang boses. Mas ikinagulo ng isipan niya ang paglingon na ginawa kahit sa loob-loob niya'y hindi naman iyon ang kanyang pangalan.

Nakita niya ang babaeng malabo ang mukha na ngayon ay tumatakbo patungo sa kanya. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa mahaba nitong palda na bahagyang nakaangat na. Pinagmasdan lamang niya ito.

Ngunit, nawala ang atensiyon niya rito nang mapansin ang pigura ng isang lalaki. Nakatayo ito sa tabi ng punong mangga sa taas ng burol. Sumikdo ang kanyang puso. Nakaramdam siya ng galak ngunit saglit lang. Kung anong bilis ng pintig ng puso niya ay ganoon din katindi ang kirot na sumabay roon.

Na parang hindi siya makahinga.

"Bakit?" naibulong niya sa hangin na hindi pa rin iniaalis ang paningin sa pigura.

Naramdaman na lamang niyang may yumakap sa kanya.

"Cecilia," anang babaeng ngayon ay humiwalay na sa kanya. May himig ng lungkot at tila pagsusumamo sa boses nito. Nagulumihan siya sa sumunod na winika nito.

"Tulungan mo kami."

Bago pa man siya makapagtanong ay narinig na naman niya ang dalawang salitang iyon na hudyat nang pagtatapos nang panaginip.

NAPAMULAT ng mga mata si Selry. She had another of those weird dreams again. Mga panaginip na hindi niya maintindihan kung bakit napapanaginipan niya. It was not like those dreams that had hidden meaning on a person's sub-consciousness. Mas tamang sabihin na parang mga alaala iyon nang kung sino sa nakaraan, mga alaala na ewan ba niya kung bakit siya ang nakakapanaginip. Minsan tuloy ay napapaisip na lang siya na baka reincarnation siya ng kung sino mula sa nakaraan.

Imposible! She told herself, disregarding the reincarnation thing. Kalokohan lamang iyon ng isang kilalang Psychologist.

Her weird frequent dreams of someone's memories started to happen three days after her twenty-sixth birthday.

That was two weeks ago.

She was at the height of her fever then. Nagising siyang pinagpapawisan at inuubo habang hindi matahimik ang isipan sa ibig sabihin nang napanaginipan.

Pero, noon pa man ay napapanaginipan na niya ang mga taong malabo ang mukha. Iyon lamang ay miminsan lang. Mga panaginip na ipinagwalang-bahala niya.

Napabuntong-hininga siya.

Another thing was those Spanish words whenever her dreams were about to end. Ikinatakot niya iyon sa umpisa pero nang tumagal na ay napalitan na rin iyon nang kuryosidad.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon