Kabanata 31

3.1K 140 46
                                    

NAPAKURAP ng makailang ulit si Selry habang mataman na nakatingin sa kasama ni Corazon. Blurred ang pagmumukha ng babaeng nakaputing bestida na kasama nito. Her black straight hair dangling down to her waist. Malakas ang kutob niya na ito rin ang babaeng nagdala sa kanya sa mundong iyon.

"Sino siya?" Ang hindi na nakatiis na naisatinig ni Selry. Nakita niya na nagkatinginan lamang si Corazon at Cecilia.

"Siya ay bahagi nating lahat." Ani Cecilia na sinang-ayunan ng tango ni Corazon.

"Bahagi nating lahat?" Ulit niya sa sinabi ni Cecilia. Napakunot-noo siya pagkat hindi niya nakuha ang sinabi nito.

"Siya ang bawat bahagi ng ating mga alaala. Siya ang nagdugtong ng ating mga landas upang magkita-kitang muli. Siya ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Siya ang oras at panahon, Selry."

"Kaya wala siyang mukha?"

"Hindi, pagkat iyan ang anyong pinapakita niya sa'yo, Selry." Ani Corazon.

"Uh, okay." Ang winika niya, "Ano na ang susunod na mangyayari ngayon?"

"Ang katotohanan," Ani Corazon na nakita niyang hinawakan ang kanang kamay ni Cecilia, "Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Inakala ng lahat na nagpakamatay ako sa kumbento." Ang winika ni Corazon na nakapagpalingon sa kanya dito.

"Huh?"

"Hindi ako nagpakamatay, sa katunayan ay tinulungan ako ni Rafael."

"Paanong nan-"

"Nagkataon na noong panahon ng pagtakas ko ay may kaawa-awang nilalang ang kinitil ang sarili sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana ng kanyang kwarto. Iyon ang balitang pinalaganap sa Santa Cruz."

"So, all along ay-"

"Nabuhay ako kasama ang lalaking iniibig ko, si Antonio." Ang winika ni Corazon na may kislap sa mga mata. Like she was reminiscing a memory from a long time ago.

"Then, what happened to Rafael?" Ang tanong ni Selry, curiosity evident on her voice.

"May mga bagay na tanging ang kasalukuyan ang makasasagot sa mga tanong mo, Selry. Sa ngayon ay kailangan nang mapabalik ka sa iyong panahon." Cecilia butt in.

Hindi na siya nakarinig pa ng paliwanag mula sa mga ito. Tanging ang mga sagot na gusto niyang malaman ay nasa hinaharap.

Kung malalaman pa nga ba talaga niya ang mga iyon.

Cecilia hugged her first which she returned with a hug. Corazon followed next.

"Naririto lamang kami, Selry. Sana'y pahalagahan mo ang iyong buhay. Ang nakaraan ay kailanma'y hindi mo na mababago pa. Wala nang mas tamang panahon upang ayusin ang buhay mo kung hindi sa bawat pagkakataong ibinigay sa'yo. Si Cecilia, ang panahon niya ay lumipas na. Kahit ilang ulit na ayusin ay naitakda na. Ikaw, sa kasalukuyan ay may magagawa pa sa iyong buhay. Huwag mo sana itong sayangin." Ang mga salitang binitawan sa kanya ni Corazon bago nakaramdam ng paghalik sa kanyang noo. Lumayo na ito sa kanya pagkaraan.

Inakay siya ng babaeng nakaputi. Corazon and Cecilia on the otherhand, walked next to the tree. Noon niya napansin ang lubid na naka-hang sa isa sa mga sanga ng punong mangga at tuntungan.

Kinutuban siya sa mangyayari kaya't tinawag niya si Cecilia. Napahinto ito at napalingon sa kanya. There was that assuring smile that formed on her lips. She saw Corazon held Cecilia's hand.

"Bakit ganoon? Bakit kailangang magbigti uli siya?" Ang nawika niya.

"Dahil ito lamang ang paraan para mapabalik ka, Selry. Huwag kang mag-alala. Ito na ang kahuli-huliang pagkakataong gagawin ito ni Cecilia. Makakalaya na rin siya sa lugar na ito, kaming lahat." Anang babaeng nakaputi at blurred ang mukha.

She then saw Cecilia fixed the noose on her neck. She gave them all one last look before she jumped. Naipikit niya ang mga mata. Ayaw niyang makita iyon, it was too heartbreaking and horrifying. Baka manatili sa alaala niya panghabang-buhay ang eksenang iyon.

Baka ikabaliw pa niya iyon.

She then felt the earth beneath her feet shook. Ang huling natatandaan niya ay ang boses ng babaeng nakaputi.

"Está hecho..."

NAGMULAT ng mga mata niya si Selry. The light from above hurt her eyes. She could hear a distant voice that seemed to be calling on to someone or whoever. Her throat felt raspy. Napansin niyang may kung anong bagay na nasa bibig niya. She tried to move her hand but could not lift it. Her body felt so weak, like she had not moved for a very long time.

Nawala ang atensiyon niya sa sarili nang mapansin ang pagtama ng liwanag sa mga mata niya, like a flashlight was directed to her eyes. Napapapikit siya dahil masakit iyon sa mga mata. Ramdam rin niya ang pagdampi ng mga daliri sa talukap at sa ibabang bahagi ng mga mata niya. A different kind of warmth spread through her. Na para bang may naalala ang sariling katawan base sa pagdampi ng mga daliring iyon.

Someone that she somehow knew but could not pinpoint who.

"Selry, can you hear me? Kung oo, maaari bang igalaw mo ang kahit alin sa daliri mo?" Anang baritonong boses na may himig ng kung anong lambing sa pandinig niya.

The heck! Sabaw na sabaw ang utak niya na mukhang mali ata ang naproseso. She did not mind that and instead tried to move her pinky, naroon ang struggle but she was glad to had moved it twice.

She tried to look at the guy who was talking to her but felt something on her neck that was stopping her. She made a gurgling sound that somehow hurt her throat.

Damn it!

"Don't exert yourself, Selry. Just calm down. I am here." Ang sumunod na narinig niyang winika nito.

I wanna see your face, damn it! How will I ever know you?

Nabalot siya ng inis nang tila nagkaroon na ng commotion sa paligid. Iritable rin siya dahil sa pagnanais na makita ang mukha ng lalaking kumausap sa kanya. Idinaan na lamang niya sa paggalaw-galaw ng hinliliit ang inis.

A touch on the back of her hand stopped her from what she was doing. It made her calm with the warmth that enveloped her cold hand. Nakarinig siya ng pagsuway. It was that man who talked to her. May pumasok daw na dugo sa IV cord. Hearing the word blood made her weak.

Because she hated the thought of blood, well except of her monthly visits. There were instructions na hindi niya maintindihan. Her brain was so slow. Naramdaman na lang niya pagkaraan na namigat na ang mga talukap ng mga mata niya.

Sending her to dreamland with a faceless guy.

Why do I feel like, I knew who you are?
___________________________
Está hecho - It's done.

Hello! Thankful that I somehow managed to write this. After ng mga basag feels ko. Pasensya na kayo at sadyang nawalan ako ng gana magsulat.

Na-disappoint ba kayo? 😂✌🏼️ Ang ikli no?

I got around two more chapter to go.

And then I'll wrap it up.
Feel free to make reklamo. 😂

Thank you everyone!

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon