Reader Service

1.9K 53 18
                                    

Dahil natuwa ako sa mga komento sa Chapter 23 na magkakapareho ang reaction ng mga readers na pati ako nakisabay uli sa kilig.

Heto ang reader service na matagal kong itinago. Wala kasi akong castings na artista halos. Mas okay na ma-feel ng reader na sila iyong main character, plus wala masyadong mga Filipino actors akong bet para i-portray sa kwento si Rafael, Timothy at Francisco. Pinagkukuha ko lang mga facial description nila sa random na mga pagmumukha tao na natuwa ako sa mga features.

Even iyong mga babae. Si Selry, syempre kinuha ko ang ilan sa mukha ko. Ha! Ha!😂 Iyong iba random lang din.

Pero, iba si Carlos. Sa kanya lang ata ako detalyado. Ha!Ha!

Karamihan marahil dito ay hindi na naabutan pa o bata pa noong sumikat at namatay ang matinee idol na si Rico Yan.

Karamihan marahil dito ay hindi na naabutan pa o bata pa noong sumikat at namatay ang matinee idol na si Rico Yan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oo, si Rico Yan ang kinuhanan ko ng character physical description. Eternal ideal guy ko kasi siya, childhood crush ko pa. Sa kanya ako unang naglandi na magkaroon ng crush feels. 😂

9 years old ako noong una kong nakita si Rico Yan. (Napaghahalatang matanda na si Mystrielle). Sa Sunday youth oriented show iyon na Gimik. Pinapanood kasi ng mga pinsan ko iyon, main characters sila ni Judy Ann Santos. (Sino ang maka-Rico and Judy Ann love team dito?)

Pero iyong movie na sobrang nagpakilig sa akin at talagang naging diehard fan ako ni Rico at Judy Ann ay iyong movie na...

Kay Tagal Kang Hinintay (1998)

Natatandaan ko gabi na ata iyon at mag-isa ko sa sala tapos may re-run ang KTKH sa ABS-CBN. Unang scene pa lang kasi interesting na lalo iyong sa tulay scene. Tapos nakasalamin pa si Rico na talagang nagpa-gwapo sa kanya. Sa kanya ko ata nakuha iyong penchant na attracted sa nakasalamin na guys.

Ngayon ko lang naalala na sa Vigan sila nag-shoot niyong movie.

Iyong apelyido ni Selry na Medina, kinuha ko sa apelyido ni Rico sa KTKH, Alex Medina kasi name ng character niya sa movie na iyon.

Iyong pangalan ni Carlos, sa real name iyon ni Rico, Ricardo Carlos Castro Yan.

Ka-birthday ni Rico si Carlos. Siyempre fictional lang pero isinunod ko na.

March 14, 1975 si Rico. March 14, 1868 si Carlos.

Tapos iyong mga kilig scenes nila, aminado ako na inspiration ko iyong ilang kilig scenes sa KTKH. Iba kasi tumitig si Rico doon. Parang talagang sa'yo lang ang atensiyon niya. (Parang iyong nyetabels kong first love na sobrang nagpaasa sa puso ko. Ha! Ha!) Talagang up to now, kahit paulit-ulit ko ng napanood iyon e tumitili pa rin ako.

So, ito ang ilan sa scenes na naging dahilan marahil ng mga kilig ninyo at tagos sa puso feels na pinaghanguan ko at medyo in-alter.

So, ito ang ilan sa scenes na naging dahilan marahil ng mga kilig ninyo at tagos sa puso feels na pinaghanguan ko at medyo in-alter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon