Kabanata 15

3.6K 212 68
                                    

TAHIMIK na nakasunod si Selry kay Carlos. Ipinagtulakan siya ng dalawang Doña sa lalaking kasama ngayon. Much to her annoyance. Katwiran ng mga ito ay marapat na magkaroon sila ng panahon para sa isa't-isa. Na sayang daw ang pagkakataon na naroon sila sa Vigan.

Like, duh!

Gusto na niyang umuwi dahil masakit na ang mga paa niya. Pakiramdam nga niya ay may paltos na ang bahagi ng balat na sumasayad sa dahon ng bakya.

Another was because of the choker with light green crystal pendant. Aminado siya na pakiramdam niya ay naagawan siya. Dapat nga ay wala siyang pake. Sa umpisa pa lang naman ay ipinamukha na sa kanya ni Carlos na rebound siya o si Cecilia. There was also the case of Timothy in her life.

Kaya bakit siya nakararamdam ng mumunting kirot?

Ay bwiset! Nakakainis!

"Carlos, saan ang sunod na tungo natin?" Tanong niya na patingin-tingin sa paligid. They were walking along a street with cobblestone path lined of Spanish houses that are larger than those of Santa Cruz' on each side.

Kung sa ibang pagkakataon ay baka na-enjoy niya ang paglalakad sa lugar. But, she could not. She felt worn out and just wanted to stop.

"Ikaw ba ay pagod na?" Ang balik-tanong nito sa kanya na ikinairita niya dito.

Oo pagod na ko sa paglalakad na ito at sa'yo, Carlos.

"Malamang!" Ang prangkang saad niya.  Matagal-tagal na rin silang naglalakad na hindi niya alam kung saan ang patutunguhan. Napakatahimik nito, bagay na ikinawawalang-gana niya. Hindi niya inasahan na makarinig siya ng bahagyang pagtawa mula rito.

"Tayo ay malapit na sa plaza, doon na muna natin hintayin ang takdang oras ng pagkikita." Anito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

You are insufferable! I regret that day that I met you! Ang gusto niyang ipagsigawan sa pagmumukha nito. Idinaan na lang niya sa pasimpleng pagdabog ang pagkainis. Lumikha iyon ng madiin at nakakasakit sa tengang alingawngaw sa bawat yabag niya. Hindi na niya alintana pa kung napapatingin sa kanya ang mga taong naglalakad.

Bad vibes na bad vibes siya. At walang makakapigil sa kanya, sa ngayon.

Maya-maya pa ay natanaw na niya ang plaza na sinasabi nito. The place was at the center of the vicinity. She could see the church and some Spanish structure erected around it. May mangilan-ngilang puno sa paligid, na nagsilbing lilim sa lugar. Naipagpasalamat niya na may mga bench roon na gawa sa bato sa lilim ng mga puno.

She could rest.

Pasalampak na naupo siya sa pinakamalapit na bench na naroon. Nasaktan ang puwetan niya pero ininda niya iyon. Nakaramdam siya ng ginhawa nang makaupo. Iniunat niya ang mga binti na kanina pa nangangalay. Bahagya niyang itinaas ang mahabang palda para matignan ang mga paa. Hinubad din niya ang mga bakya sa paa. Namumula ang mga bahaging ramdam niya ang hapdi.

Nagulat siya nang tumalungko sa harapan niya si Carlos at sinipat ang mga paa niya. Tumayo rin naman ito agad at nilayasan siya.

Sumundot ang pagka-dismaya habang nakatingin sa pigura nitong palayo sa kanya.

Expect pa more, Selry! Akala mo hahawakan niya paa mo, banayad na hahaplusin ang paligid ng gasgas na balat mo at saka titingin sa'yo. In your dreams! Kutya niya sa sarili. Pagak na natawa siya. Napapala niya sa kakabasa ng walang katuturang romance novel. Pinapaasa niya ang sarili sa pantasyang likha niyon na sa sariling realidad ay wala ng puwang sa puso niya.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon