Kabanata 7

4.8K 194 16
                                    

TATLONG katok ang ginawa ni Selry bago pinihit pabukas ang seradura ng pinto. Nakaupo sa silya at nakatalikod na pigura ni Francisco ang bumungad sa kanya.

Pinasunod siya sa kwarto nito at may ibibigay daw ito. Kakatapos lang ng meryenda nila nang hapong iyon. She learned that Francisco would stay for good. Sa Maynila nga lang nito napiling  kumuha nang pagsasanay ng napag-aralan. Babalik din ito ng Santa Cruz para ipagpatuloy na dito ang pagiging doktor.

Muli ay itinuon niya ang pansin kay Francisco. Patuloy lamang ito sa paghagis nang kung anong madampot mula sa trunk, isang mukhang baul na travel luggage, patungo sa canopy bed.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Uhm, kuya?"

Noon lamang siya nito nilingon. Awtomatikong ngumiti ito at sinenyasan siyang lumapit na kanya namang ginawa.

Naglakbay ang kanyang paningin sa silid nang makapasok at naglakad siya palapit. Unang napukaw ng dalawang cabinet sa tabi ng pinto sa kanan ang kanyang pansin. May isang painting na mukhang isang lugar sa ibang bansa ang nakasabit sa dingding. Sa corner ay isang bookshelve na puno ng iba't-ibang mga libro. Katabi niyon ang isang study table na may ilang libro rin, mga papel, salamin sa mata, pocket watch at mga botelya. Napagitnaan ng dalawang malaking bintana ang painting ng isang babaeng nakatagilid at nakatingin sa kung sino o bagay o tanawin na hindi niya tiyak. Naka-baro't-saya ito. Sa kaliwa nakapagitna ang canopy bed. May katabi iyong bed side table na may lampara at ilang librong nakapatong.

Nalipat ang atensyon niya kay Francisco nang tawagin siya nito. Pinaupo siya nito sa silyang naroon. Hindi pa man nag-iinit ang pwet niya sa upuan ay tinawag na siya nito.

Iyong totoo, Francisco? Tahimik na tanong niya sa isip at tumalima sa paglapit dito.

Inabot nito sa kanya ang isang maliit na kahon na gawa sa kahoy, apat na botelya na napag-alamanan niyang mga pabango at makapal na notebook na may leather na pabalat. May fountain pen din itong ibinigay.

"May nakalimutan pa ba ako sa mga ibinilin mo?" Tanong nito na sinipat ang mga hawak niya.

Nakatingin lang din siya dito. Pinili niya na lang manahimik dahil hindi naman niya alam kung ano ba ang mga binilin ni Cecilia.

"Ihatid mo na muna ang mga iyan sa iyong kwarto. Kung hindi naman ako nakaka-abala ay maaring magpatulong sa'yo, kapatid ko?" Wika nito na alanganin pang napangiti sa huli.

Ewan ba niya pero lumawak ang ngiti niya at tumango. Naalala niya si Sebastian. Malakas mang-asar ang kapatid niyang iyon pero nagiging maamong-tupa naman pag kailangan nito ang tulong niya.

Walang paalam na tinungo na niya ang kwarto at inilapag sa ibabaw ng kama ang mga ibinigay ni Francisco. Bumalik rin siya para tulungan itong mag-ayos ng mga pasalubong pala nito para sa mga magulang, kay Felipe at mga kaibigan.

"Ito ang kay Carlos." Wika ni Francisco na ibinigay sa kanya ang isang maliit na kahon na gawa sa kahoy. Katulad iyon ng ibinigay nito sa kanya at isang pocket watch. "Minsan siyang nagreklamo sa isa sa mga telegrama niya sa akin na pangit gamitin ang kanyang pluma. Marahil daw ay dahil kinuha lamang niya iyon sa alagang tandang ni Don Segundo. Napakakuripot ng lalaking iyon." Kwento nito na bahagya pang natawa. " Kaya't binilhan ko na siya ng pluma de la inmersión. Naalala kita na isa ring mahilig magsulat kaya't ikaw ay binilhan rin. Galing pa ang mga iyan ng Inglatera."

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon