Kabanata 22

3.3K 184 50
                                    

INILIBOT ni Selry ang paningin sa kabuuan ng sala kung saan sila naghihintay. The room screamed grandeur in her eyes. Ang nasa paligid niya ay patunay na hindi lang basta-basta ang taong nagmamay-ari ng bahay. Magagandang kalidad ang mga kagamitang naroon. The furniture had intricate designs of vines and flowers that she deemed had been given much attention. A chandelier with candles hanging on the ceiling. Kapansin-pansin sa mga dingding ang iba't-ibang painting ng mga tanawin at mga tao na halatang karamihan ay nasa Europe ang setting. Naka-display din ang mismong portrait painting ng mga miyembro ng pamilya Altamirano. Hindi niya maiwasang lapitan ang mga iyon at pakatitigan isa-isa dahil may kung anong halina na nag-uudyok sa kanya.

Nahigit niya ang hininga nang mahinto siya sa isang portrait painting. Her heart pounded in a slow painful beat. Natulos siya sa kinatatayuan habang nakatingala roon. Nakaramdam ng pangingilabot. Hindi makapaniwala sa nakita.

How come?

Iyon ay painting ng isang binatang lalaki. Nakasandal sa isang lamesita na may ilang librong nakapatong. He was in a side-view stance, projecting his best angle. His chinky dark orbs had that familiar expressiveness she was so used to. He had that slightly curved nose and a shy grin on his lips. He got round-shaped face that softened his dark, thick and straight eyebrows. May hawak itong maliit na top hat. May katabi rin itong nakababatang lalaki na nakatayo sa kabilang bahagi ng lamesita. Hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin.

Hanggang dito ba naman makikita ko pa rin ang pagmumukha mo? Pinapaalalahanan mo ba ako?

Nahuli na lamang niya ang sariling nakangiti ng may pait. She pursed her lips.

"Si Ramilo at Rafael." Ang narinig niyang wika ni Carlos na hindi niya napansing nakalapit na sa kanya.

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses nito. Napasinghap siya nang halos isang dangkal lamang ang lapit ng labi nito sa mga mata niya. His breathe faintly touching her face. Napalunok siya. A memory from last night played in her mind.

Ang forehead kiss nito sa kanya.

Naramdaman na lamang niya ang pagdampi ng daliri nito sa dulo ng kanyang kaliwang mata. Kumawala ang isang butil ng luha roon.

Napakurap siya at naramdaman ang pagkawala ng isa pang butil ng luha sa kanang mata. Mabilis na pinahid niya iyon na naglandas sa kanyang pisngi.

Shems!

"Ga-ganoon ba?" Aniya na umiwas ng tingin kasabay ng paghakbang palayo rito. Giving space between them. "Sila'y magkaiba." She commented trying to sound casual. A part of her wanted to know his whereabouts. He might, after all, be Timothy's ancestor. Pero, may bagay din siyang ipinagtaka.

Just what the hell does this means?

"Wala na kaming balita pa sa kanya." Wika ni Carlos na ramdam niyang sa kanya nakatingin.

"Bak–"

Isang tikhim ang pumutol sa sasabihin sana niya. Dagling napalingon siya sa pinanggalingan niyon.

She saw Rafael leaning on the entry way frame that perhaps led to the bedroom. Kakaibang tingin ang ipinukol nito sa kanya bago nito itinuon ang atensiyon kay Carlos. She felt like he had thoroughly inspect her that added to a glimmer of longing in his eyes before he went to his usual carefree attitude.

"Rafael," she heard Carlos called. She saw Rafael beamed his familiar playful smile.

"Carlos." Tawag nito bago itinuon ang paningin sa kanya. Nakita niya ang bahagyang paglamlam ng mga mata nito pero dagli ring ikinubli. "Cecilia." Anito na nagparamdam sa kanya ng tila sundot sa puso.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon