Kabanata 19

3.4K 217 36
                                    

NAPABUNTONG-HININGA na lamang si Selry habang binabaybay nila ni Estrella ang Poblacion. She went out for a late afternoon stroll. Mas okay na iyon kaysa mag-jogging siya sa buong bayan na maaaring ika-eskandalo ng mga tao sa panahong ito.

Mas hindi okay iyon.

Kaunting panahon na lang at makakabalik na siya. Everything would just be a memory. Kung iyon man ang kalabasan nang lahat ng nasaksihan niya.

Ngayon pa lang ay magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya.

Dahil may mga maiiwan siya sa past. Kahit papaano ay may pinagsamahan na rin sila ng mga taong nakilala niya.

Like Carlos, he was taking her feelings to complicating heights. He made her feel things that she had thought died long ago. The time when she gave up on waiting for Timothy see her and hear what her heart has for him. What Aleng Yoleng told her made her feel happy at the same time worse.

She was happy that Carlos might be in love with her. But, feel worse because she would one day leave and he would end up with the real Cecilia.

Kung pwedeng sana ay ako na lang, pero hindi e.

"Señorita, dito po ang bahay nila Binibining Corazon." Pukaw ni Estrella sa kanya. Napalinga-linga siya sa paligid. Nasa parte sila ng Poblacion na ngayon lang nila napasyalan. "Sigurado po ba kayong nais n'yo pang tumuloy?"

Nagtatakang napatingin lang siya kay Estrella.

"Oo naman. Hindi ba at kaibigan kong matalik si Corazon? Isa pa'y tayo ay namamasyal lamang."

"Pero, inyo pong sinabi na kailanman ay hindi n'yo na nais pang magawi dito."

"Ha?" Oo nga pala! Nag-away nga pala si Cecilia at Corazon. Pero, bakit? "Na-nasabi ko lang iyon dala ng aking galit. Ngunit, ilang taon na rin iyon. May puwang ang pagpapatawad." Luh, tama ba 'tong pinagsasabi ko?

"Natutuwa po akong marinig iyan mula sa inyo, Señorita. Tunay ngang nababago ng pag-ibig ang lahat."

Napatawa siya sa sinabi nito. "Ikaw ba ay nagmahal na Estrella? Ikaw ay umamin. Sino ang iyong napupusuan?" Aniya na siniko-siko pa ito. Nakita niya ang pagpula ng mukha nito. At base sa reaksyon na iyon ay meron nga.

"Wa-wala po, Señorita." Kaila nito sa kanya, bagamat hindi simpleng pagtanggi ang makakapagpahinto sa kanya.

"Siya ba ay malapit sa atin? Nakikita sa araw-araw? Isa bang makisig at maginoo?"O medyo bastos? Ang isipan niya ay tila bumabalasa ng baraha sa pag-alala sa lahat ng pagmumukhang nakita na niya. Sa mga tauhang lalaki sa pamamahay at lupain ng Don.

"Siya ay lumayo na sa lugar na ito, Señorita. At mukhang kailanman ay hindi na magbabalik pa."

Genern. "Pero siya ay mahal mo?" Tanong niya na hindi nito sinagot. Ang pansin nito ay nakatuon na sa kung ano sa harapan nila. Her eyes went to where Estrella was looking.

Sa carruaje na nakahinto sa tapat ng isang magarbong Spanish house napunta ang pansin niya. A crowd gathered at the front of it.

A guy in black suit and pants was extending his hand to someone still inside the carriage. Maya-maya pa ay may sumungaw na babae base sa baro't-saya na suot nito at balabal sa ulo. Hindi nito pinansin ang kamay ng lalaki. Matiwasay na nakababa ito. The woman looked around. Tila natigilan ito ng mapalingon sa gawi nila. Hindi niya maaninag ng husto ang mukha nito dahil sa balabal. Ngunit, kumabog ang dibdib niya sa hindi malamang dahilan.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon