Kabanata 4

6.4K 204 63
                                    

POKER-FACED na nakatingin lang si Selry kay Estrella. Nakabalik na ito mula sa paghatid ng pinagkainan niya sa kusina. Ibinalita nito na nakaalis na si Mr. Altamirano, kung sino man iyon, na sumaglit lang para kumustahin siya.

Like I care.

Kaninang wala ito ay inobserbahan niya ang silid na kinaroroonan.

May dalawang cabinet na gawa sa kahoy at may intricate designs na nililok sa pinto ng mga iyon sa kaliwa malapit sa pinto. Sa mesa ay may mga librong maayos na magkakapatong. Quills of different sizes and colors in a quill stand, there was also a lamp. Bukod doon ay malinis na ang mesa. Sa kanang bahagi naman ng pinto ay ang vanity table na may malaking salamin. May iba't-ibang maliliit na bote ang naroon at isang katamtamang laking kahon na gawa sa kahoy. Malapit sa bintana ay mukhang coffee table at dalawang silya. May flower vase roon na may pumpon ng puting gumamela. There was a corner table with pitcher and a glass, and a bedside  table next to the bed. Nasa gitna ng dalawang malaking bintana ang canopy bed sa dulo na nakaharap sa pinto.

"Señorita," panimula ni Estrella nang maupo na sa silya malapit sa canopy bed kung saan siya ngayon nakaupo, "patawarin niyo ho ako."

"Hindi ako galit." Aniya kung iyon man ang hinihingi nito ng kapatawaran. Umaliwalas ang mukha nito sa kanyang tinuran.

Ang babaw ng babaeng 'to. Ngani-ngani'y gusto niyang i-komento pero pinigilan na lang niya ang sarili.

She sighed.

Today was one rollercoaster ride. She was just a twenty-six year old woman enjoying her mini vacation in Santa Cruz. Then, the woman in white came and took her away from the present year of 2017. She then saw face-to-face the woman she shares face with and those fragments of memories that she had no means to believe. Lastly, waking up on a face-deforming hard slap to know later that she was in 1895.

Nakakaloka, I just kennat!

"Bakit ba ako pa ang lecheng itinadhanang maging pag-asa ng lintek na ewan ng babaeng iyon?" Banas na nawika niya sa hangin.

Basic information lang ang ibinigay sa kanya ng kamukha niya. Ni hindi niya pa sure kung reliable o gawa-gawa lang iyon. Wala man lang clue kung ano ang dapat unahin. Walang orientation kung sinu-sino ang mga tauhan sa kwento ng buhay ng babaeng kamukha niya. Iniwan siya nito to face it all. Above all, it happened in her dream.

Wild pa naman minsan ang imagination sa panaginip.

Kumbaga sa red horse, extra strong iyon. Kaya napapaniwala ka kahit dream lang pala.

Isa pa si Cecilia na biglang naging siya.

Sino ka bang bruha ka, damn it! Sigaw niya sa isipan.

"Señorita?"

Gusto ko ng umuwi! Kahit araw-arawin na ko ni Sebastian na bwisitin. Hindi ko na siya sasabihang baboy. Sasamahan ko na siyang tumaba. Hashtag body goals 2017 ako with him.

Maghahanap na ako ng boyfriend para naman matuwa na si Mama. Miss ko na ang pangungulit niya kung kailan ko balak mag-asawa.

"Señorita Cecilia?"

Iindahin ko na ang mga kwento ni Papa kahit paulit-ulit na lang about sa mga experiences niya sa army.

Tutulungan ko na sa typography, calligraphy, script writing at drawing si Selene. Pati sa photography. Hindi ko na siya dededmahin pag magkukwento na siya tungkol sa nakakainggit na second chance to study niya.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon