Kabanata 6

5.1K 201 57
                                    

TIKHIM na sinundan nang wikang Español na hindi naintindihan ni Selry ang humugot sa kanya mula sa pagkatulala. Parang binuhusan naman nang malamig na tubig ang lalaking sumalo sa kanya. Nauna itong nag-iwas ng tingin. Naramdaman na lang niyang umangat siya. Mabuti na lang at nasuportahan siya ni Estrella nang bitawan na siya ng lalaki. Kung hindi ay baka napaluhod uli siya dahil sa nanlalambot na tuhod.

Noon lang din niya napansin na mabilis kaysa normal ang pintig ng kanyang puso. Pero may kaakibat ding kirot na hindi niya malaman kung para saan.

Parang sa panaginip ko.

"Señorita, kayo'y ayos lang ho ba?" Ang narinig niyang tanong ni Estrella. "Namumula ho ang inyong mukha."

Nakarinig siya ng pagtawa. Her eyes darted to the mestizo guy. A knowing look was in his eyes and a teasing smile on his lips greeted her.

That sort of pissed her off.

Kung sa ibang pagkakataon ay baka binato na niya ito ng bakya niya.

Ngunit hindi ngayon.

Wala siya sa mood makipag-away. Napayuko na lamang siya.

It had been years since she felt that way. Inakala nga niyang immune na siya sa ganoong klaseng pakiramdam. Na wala na lang sa kanya tuwing ganoon kalapit ang mukha nang isang lalaki. Na tanging nag-iisang lalaki lang ang may kakayahang patigilin saglit ang tibok ng kanyang puso.

Si Timothy.

A guy with expressive eyes at makatigil inog ng mundong ngiti flashed vaguely in her mind. Ipinikit niya ang mga mata hoping to see that face clearly pero, tsokolateng kulay ng mga mata ang tanging nakita niya.

Shet.

Her hand rested on her chest. Na para bang pag ginawa niya iyon ay kakalma na ang tibok ng puso niya.

"Umuwi na tayo, Estrella." Aniya na humawak sa braso ng kasama. Pasimpleng sinulyapan niya ang dalawang lalaki sa harap nila. The mestizo guy facing her had a pleasant expression plastered on his face. Like he had enjoyed some entertaining theatre act.

The other guy turned his back on her. He had black silky hair that looked like out-grown clean cut. Naka-barong tagalog ito at itim na trousers. Inaayos na nito sa ulo ang sumbrero.

"Ihahatid na namin kayo binibini, hindi ba Carlos?" Alok ng lalaking mestizo sa kanya na nilinga ang lalaking nagngangalan palang Carlos.

Carlos, ulit niya sa sarili habang kita niya sa peripheral vision niya ang paglingon ng lalaking nakabarong. Sayang at saglit lang iyon dahil umiwas na ito ng tingin sa mestizo guy.

Kung papayag siya, it would be one unbearable walk home. That, she must avoid.

"Salamat sa iyong alok, ginoo. Ngunit, ipagpaumanhin ninyo dahil mas nanaisin ko at ng aking kasama na tumungo ng kami lamang." She said in her most formal tone. Mabuti at nakaya niyang gawin normal at audible ang kanyang boses kahit pakiramdam niya ay pipiyok na siya.

"Hayaan mo na ang mga binibini, Rafael." wika ni Carlos na sinulyapan niya. Pero nanatili lang itong nakatalikod, "Hindi rin magandang tignan na kasama nila tayo. Baka kung anong idulot niyon sa reputasyon ni Binibining Ynarez." Litanya nito na nahimigan niya ang diin sa mga huling salita nito bago naglakad palayo sa kanila.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon