Kabanata 29

3K 147 52
                                    

NAKATITIG sa tanawing nasa harap niya si Selry nang bumalik siya sa huwisyo. It was the same scene from the last time. Ang malawak na palayan, ang ilog sa paanan ng burol kung saan siya nakatayo ngayon.

Iyon nga lang ay tila takip-silim na dahil sa pag-aagaw ng dilim at liwanag sa kalangitan.

Isa pang ipinagtataka niya ay nawala si Corazon. Nanlaki ang mga mata niya nang may mapansin.

Wait, why am I at the top of the hill? Naglalakad lamang kami kanina at-

Agad na nagtayuan ang mga buhok sa batok niya nang maramdaman na hindi na siya nag-iisa. Agad na napalingon siya sa kanyang likuran.

"Selry, mabuti at nailayo kita kay Corazon." Ang may himig nang relief sa boses na winika ng babaeng kamukha niya.

"Cecilia?" She cautiously asked. Napahakbang palayo rin siya mula rito. Nakaramdam siya ng panlalamig nang makita niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito. A piercing look on those brown orbs followed.

"Ako nga, ngunit ako rin ay hindi." Ang winika nito na humakbang palapit sa kanya, "Natatakot ka ba sa akin, Selry?"

Litong nakatingin lang siya dito. A part of her was afraid though for unknown reason. It might be her instinct.

"Nagawa mo ang nais ni Cecilia. At nagpapasalamat ako pagkat madali mong naisaayos ang pagkakamaling nagawa niya. Sa wakas ay mananahimik na ang kaluluwa niya." Anito na may hint ng pagkatuwa sa boses nito.

"Ano ba ang nagawa ko?" Ang tanging naitanong niya dito. Hindi niya matandaan ang pinagsasabi nito.

"Hindi mo na marapat na malaman pa, Selry. Patunay ang pagkawala ng mga alaala mo na natupad mo ang kahilingan ni Cecilia. At dahil nagawa mo ang nais niya, ikaw ang kabayaran ng panahong ipinagkaloob sa kanya Selry. Ikaw ang katuparan ng pagbabago sa mga pagkakamali niya."

Sukat doon ay naramdaman na niyang nakalapit na ito sa kanya. She felt something rough around her neck. Nang hawakan niya iyon ay napagtanto niyang lubid iyon.

What the F! Ano'ng klaseng panaginip ito! Corazon, nasaan ka ba? Lola!

Mabilis na hinawakan niya iyon upang bigyang espasyo ang leeg niya sa lubid habang ang isang kamay at pilit na kinakalas ang pagkakabuhol niyon sa may batok niya. Her heart beat wildly inside her chest. Tila rin siya nabingi dahil sa tunog ng kung ano sa tenga niya. There was that adrenaline rush happening on her that made her entire body shake.

Shet! Mamamatay ba ako? Binabangungot ba ako? Leche! God, gusto ko pang mabuhay! Hindi pa pwedeng mawala ako. Marami pa akong gustong gawin. Kung time ko na, pwedeng kahit makapag-goodbye at sorry man lang ako sa Papa ko?

Tears welled from her eyes as her thoughts wandered on all the things she wanted to do and say.

Oh God! Please, kahit isang beses lang.

"Bakit ka umiiyak, Selry? Hindi ba at ito ang gusto mo? Gusto mo ng mawala sa mundong ginagalawan mo? Sawang-sawa ka na sa walang katuturang buhay mo. Kaya't bakit ka umiiyak?" Tanong sa kanya ng nagpapanggap na Cecilia.

"A-ayoko pang ma-mamatay! Hindi na ako tulad ng dati!" Ang garalgal na sigaw niya sa mukha ng nagpapanggap na Cecilia na ngayon ay nasa harap na niya.

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon