Kabanata 10

3.8K 169 54
                                    

NAKAUPO si Selry sa damuhan ng burol. Noon na lang uli siya nakapunta roon. Mahabang pilitan pa ang ginawa niya para lang mapapayag si Estrella.

She badly wanted to breathe and to be alone.

Mabuti na lang at nauto niya si Estrella na gusto niyang kumain ng kakanin at buko juice. Dali-dali itong nagtungo ng Poblacion, bagay na sa huli ay ikina-guilty niya.

Shet kasi si Rafael. Muntanga lang. Kabwisit!

Kinakabahan siya dahil ngayong araw ay dadalaw si Rafael sa bahay ng mga Ynarez. Not as a visiting friend to Francisco, but as Cecilia's suitor. Hihingi rin ito ng pormal na basbas sa mag-asawang Ynarez para ligawan siya o mas tamang sabihin ay si Cecilia.

Whether she like it or not.

She face-palmed as thoughts of last night mockingly replayed in her mind.

"Kung sakali bang ikaw ay ligawan ay papayag ka?"

Ang tanong na dahilan para ikalingon niya rito. Natagpuan niya itong nakatingin sa kanya. Walang halong biro o nakakainis na amusement sa mga mata nito nang magtama ang kanilang mga paningin. All she could see was plain sincerity.

And for the first time, she admits, her heart skipped a beat.

She stepped back because of that. Agad rin siyang umiwas ng tingin dito. It was too sudden. It was also the first time that someone asked to court her. Kahit na sa realidad ay si Cecilia ang pinag-uukulan niyon. Pero, siya as Selry ang natanong.

How am I suppose to answer that! She screamed in her thoughts.

"Cecilia, alam kong nabigla ka."

Think Selry! Kailangang ma-reject mo siya in a nice way. Pero paano nga ba?

Nagbilang muna siya ng sampu bago nagsalita.

"Hindi ba at ipinagkasundo ka na kay Corazon dela Torre?" Aniya na tinitigan ang mga mata nito. Nabanaag niya ang pagkagulat at pagkaraan ay pagguhit ng kirot sa mga mata nito. Pagkaraan ay umiwas ito ng tingin sa kanya at itinuon ang paningin sa labas ng bintana.

"Hindi na matutuloy ang kasunduan. Lumiham sa akin si Corazon at nagmakaawang huwag nang ituloy iyon. Siya ay umiibig sa isang lalaking nagngangalang Antonio."

What!

"Napaaga ang pag-uwi ko para kausapin sana si Corazon tungkol sa kasunduan. Na sana ay pag-isipan niyang mabuti. Ngunit, nakarating na lamang sa kaalaman ko na tumakas sa kumbento si Corazon."

"Ma-mahal mo ba si Corazon?" Ang tanging natanong niya dito. Base sa nakita at narinig ay mukhang iyon ang sagot. Nakarinig lang siya ng buntong-hininga rito. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. It was the same pain she felt with that guy she saw on the hill with the woman asking for Cecilia's help.

"Hindi na iyon mahalaga pa. Ang dapat na nating pagtuunan ng pansin ay ang hangarin ko sa'yo."

"Gagawin mo akong panakip-butas." Kumpirmasyon kaysa tanong na saad niya. "Paumanhin pero, sa iba mo na lang iukol ang hangarin mo sa ak-"

Esta Vez (This Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon